Ang chapter na ito ay Rated SPG. Ito ay maaaring may maseselang tema, lenguwahe, karahasan, sekswal, horror o droga na hindi angkop sa mga bata.
---------------------------------------
Chapter 10
Naghihintay"Happy birthday, baby." nakangiting sabi sa akin ni Josh at saka ako hinalikan sa aking noo.
Napangiti naman ako nang dahil doon na agad namang napawi nang umepal si Lawrence at daddy.
"Josh, let's drink first!" aya ni Lawrence at si daddy naman ay tinitignan lang si Josh na kailangan nya ng sumunod.
Ngumisi ako at muling hinarap si Josh. "Inom daw muna kayo nila daddy. Magb-boy to boy talk ata kayong tatlo." sabi ko sa kanya.
"Pwede bang magheart to heart talk nalang tayo?" lambing nya sakin at hinapit ako sa bewang papalapit sa kanya.
Umiling ako at ngumisi dahil sa panlalambing nya saka nginuso sila daddy na naghihintay na doon sa may pool side kung saan nakaset-up sa isang table ang mga expensive liquors na dala nila ngayon.
Nilingon nya rin sila daddy na nakataas na ang kilay sa kanya habang si Lawrence naman ay kinakawayan na sya.
"I guess I need to go to them now." aniya.
Ngumiti ako at tumango. "Yes. You should." sabi ko nalang.
Tatalikod na sana sya nang muli syang humarap sa akin at lumapit.
"By the way, we're sleeping in one room." bulong nya at rinig ko ang pagngisi nya.
"Pervert." I stated.
Humagalpak sya sa kakatawa habang papalayo sa akin.
Hindi ko man alam kung totoo na magkasama kami ngayon sa iisang kwarto o kung totoo man ay papaano nya napapayag si daddy sa ganong set-up.
Umiling nalang ako sa kalokohan nya at saka tumalikod upang puntahan si mommy sa kusina na naghahanda ng mga late night snacks para kila daddy nang makita kong nakatingin lang ng diretso sa akin si Ariana. Or maybe, saming dalawa ni Josh nung hindi pa sya umaalis sa tabi ko 'cause I can see hurt in her eyes. It's very evident.
Tumikhim ako at nginitian nalang sya saka muling kumilos ngunit agad rin akong napatigil sa tapat nya nang magsalita sya.
"If I didnt left..he would not have been yours." marahan nyang sabi.
Mabilis akong napalingon sa gawi nya at kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi.
Unti-unti rin syang lumingon sa akin na walang ekspresyon ang mukha at seryosong-seryoso sa mga salitang pinakawalan nya.
"Excuse me?" medyo inis kong sabi sa kanya.
"He's my prince charming and knight in shining armor when we were kids. And right now, nothing's change. He still cares for me like it was before. The only difference is that you came in our fairytale." she stated. "Before, he's my prince and I'm his only princess. But now, may kahati na ako sa trono ko."
"Bakit? Is it my fault that you left?" may bahid na pagkasarkastiko ang tono ng aking boses.
"No." agad nyang sabi. "But Josh dont just fall for someone. What kind of stunts did you do for him to notice you? Are you that desperate to have him that time? I know, Josh. He's not the type of guy who'll first open to a girl."
"Stunts? Desperate?" halos matawa ako sa mga sinabi nya pero hindi mawala ang pagkainis ko. "I'm not that kind of girl, Ariana. I'm not into boys that time. I broke so many hearts for not noticing them and Josh is one of them that time. But you know what, sya lang ang hindi sumuko sa akin non. Na kahit ilang beses ko syang ipagtabuyan ay lalapit at lalapit pa rin sya sakin. And one day, I fell in love with him without even knowing why. It just happened that I felt it. That's how got me, Ariana. I'm not the one who chased him."
BINABASA MO ANG
Shouldn't Have Said
Dragoste[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 2: Falling in love is easy, but staying in love is hard. That's what Lyrae thought when she and Joshua went on separate ways after being in love for so long. She decided to just leave everything behind...