Chapter 8
1234"Sorry, nakatulog ako." aniya habang tinutulungan ko sya sa pagcocompile ng thesis nya sa isang folder.
Ngumiti naman ako at finastener na ang mga papel sa folder. "Okay lang yon noh." sabi ko nalang. "At least, may natulong ako kahit isang part dahil nakatulog ka."
"Yun nga eh." aniya. "Nakakahiya at naabala pa kita sa pag-gawa ng conclusion ko." saboy kamot nya sa kanyang ulo.
"Rob, ginusto ko naman yon kaya wag ka ng magdrama diyan." sabi ko and I slightly chuckled.
Hindi ko alam kung bakit ayaw nya akong gumawa ng kahit isang part ng thesis nya. Yung mga iba nga, halos magdiwang pa kapag may ibang gumagawa ng thesis nila or minsan nagbabayad pa sila para lang magawa yung thesis nila pero sya, ayaw na ayaw nya akong gumawa ng thesis nya.
"Uhm, do you want to go home or do you want to stroll around first?" tanong nya sa akin nang makasakay na kami sa kanyang kotse.
Tinignan ko naman ang wrist watch ko at nakita kong 4:30 palang naman ng hapon. Maybe I could bond more with him. And besides, ayoko pa namang umuwi dahil wala naman akong gagawin sa bahay.
"Hmm, actually, hindi pa ako nakakapunta sa Manila Ocean Park." sabi ko.
Tumingin sya sa akin with a shock expression. "Y-You wanna go there? R-Right now? W-With me?" nauutal nyang tanong.
I chuckled at tumango. "Yes. Right now. With you." sagot ko sa lahat ng tanong nya.
"Seriously?" at napalitan ng napakasayang ngiti ang medyo gulat nyang expression kanina.
"Yes, kaya bilisan mo na. I really wannago there." sabi ko nalang.
"Yes, ma'am." sumaludo sya at agad na iniliko ang kotse sa daan papuntang ocean park.
Ang totoo nyan ay nakapunta na ako doon isang beses. Ipinasyal ko doon si Vini dahil gusto nya daw makita si Nemo at Dory kaya naisipan kong dalin sya doon sa ocean park. Pero last, last year pa yon kaya gusto ko ulit pumunta doon.
"Let me help you." ani Robin at tinulungan akong isuot ang underwater suit.
Mag-aaquanaut kaming dalawa pero ako naman ang nagprisintang magbayad dahil sya na ang nagbayad ng entrance naming dalawa. Masyado na naaksayang pera sa akin.
"Thanks." tipid akong ngumiti nang maayos na ang suot ko.
"Okay na po kayo, miss, sir?" tanong sa aming dalawa nung staff.
Tumango naman kaming dalawa ni Robin at inilagay na sa amin ang helmet kung anuman amg tawag don saka kami unti-unting inilubog sa loob ng aquarium.
Hindi ko maiwasan ang pagkamangha at nang hindi ko na ininda ang paghawak ni Robin sa kamay ko upang alalayan nya sa paglalakad dito sa ilalim ng tubig.
"Ah!" napatili ako nang makita ko ang isang baby shark sa di kalayuan at napakapit ako kay Robin ng mahigpit.
Kita ko ang paglingon nya sa akin at isang assuring smile ang ibinigay nya sa akin na sinasabi nyang safe kaming dalawa.
Nang mapanatag na ang loob ko ay nakikipaglaro na ako sa iba't-ibang klase ng mga isda dito sa loob ng aquarium at ganon rin ang ginagawa ni Robin. May mga taong nanonood sa amin sa labas ng aquarium at kita ko ang mga babaeng tinuturo pa sya.
"Still looking cool while wearing the underwater suits, huh?" ngisi ko sa kanya nang makaahon na kami mula sa aquarium.
Kumunot nang bahagya ang kanyang noo sa aking sinabi. "Err.. not." pagtanggi nya at inalalayan na ako pababa ng hagdan saka naglakad-lakad muli.
BINABASA MO ANG
Shouldn't Have Said
Romance[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 2: Falling in love is easy, but staying in love is hard. That's what Lyrae thought when she and Joshua went on separate ways after being in love for so long. She decided to just leave everything behind...