Chapter 5
Motto."Rae, wanna come with us?" tanong sa akin ni mommy habang inaayos nya ang belt ni Vini. "We'll go shopping. Susunod ang daddy mo doon." dagdag nya.
Ngumuso ako at saka umiling. "No thanks, mom." simpleng sagot ko. "Kayo nalang po."
"Are you sure?" paninigurado ni mommy saka lumapit sa akin nang maayos na si Vini. "Napapansin kong hindi ka naglalalabas these past few days. Is there anything wrong?" nag-aalalang tanong nya.
Napatingin ako sa kapatid ko na tumakbo papasok ng common bathroom at hindi ko maiwasan ang matuwa sa kung paano sya tumakbo. He's so cute.
Ngumiti nalang ako saka umiling bilang sagot. "I'm just too busy studying, 'mmy. Graduating po ako and I have to maintain or surpass my grades, hindi po 'yon pwedeng bumaba." pagdadahilan ko.
"I know that you're graduating and you need to maintain your grades but, Rae, I hope you wont forget on how to have fun." paalala nya sa akin. "I mean, kung ayaw mo talagang lumabas ng bahay then just call Josh to come by." suggest nya.
Napaiwas ako ng tingin kay mommy nang banggitin nya ang pangalan ni Josh saka muling inilagak ang tingin ko sa librong hawak-hawak ko.
"Hindi po ako makaka-focus kapag nandito sya, 'mmy. Mas mabuti na pong, mag-isa nalang ako." sabi ko nalang upang maiwasan ang topic tungkol kay Josh.
Huminga naman ng malalim si mommy at lumabas na sa common bathroom namin si Vini.
"Done, mommy!" untag nito pagkalabas ng bathroom.
Binalingan naman ni mommy si Vini at sinenyasan na wait lang saka muling binalik ang tingin sa akin.
"Okay. If that's what you want." she surrendered. "By the way, anong oras uuwi si Anne?" biglang tanong ni mommy.
"Uhm, 3pm but for sure, magd-date pa sila ni Lawrence kaya baka mga around 6 pa po yun makakauwi." sagot ko. "Bakit nyo po natanong?"
"Nothing. Just call me if she's already home, okay?" ngiti ni mommy sa akin.
"Okay po, 'mmy." sabi ko at tumayo upang halikan sya sa pisngi bago sila tuluyang umalis ng bahay ni Vini.
Nang makaalis na sila ay muli akong umakyat sa kwarto ko upang magkulong saka itinabi ang libro na kanina ko pa paulit-ulit na binabasa pero wala namang pumapasok sa utak ko.
I looked at my phone and saw that there's still no sign of him trying to make-up with me. Parang wala syang pakealam na nagkagalit kaming dalawa.
It's been two days. Alam kong para sa iba ay napakahikli ng two days pero para sakin, at para sa mga taong may karelasyon na hindi nakakausap o nakakasama ang taong mahal nila ng dalawang araw o kahit isang araw pa nga ay napakatagal na para samin.
Huminga ako ng malalim at imbes na mainis ay inoff ko nalang ang phone ko saka tinanggal ang battery nito.
Pumunta ako sa harapan ng tukador ko at saka tinignan ang kaliwang kamay ko na suot-suot pa rin ang engagement ring naming dalawa.
Kinagat ko ang aking ibabang labi saka unti-unting tinanggal sa aking daliri ang singsing saka ikinulong sa loob ng kamao ko.
"You're so heartless.." bulong ko sa singsing na hawak-hawak ko at saka binuksan ang drawer upang itago doon ang singsing.
Nagpasya na akong magpalit ng pang-alis na damit at pumunta sa pinakamalapit na pet shop dito sa subdivision namin upang bumili ng mapagtutuunan ng pansin.
"Aw, ang cute-cute mo naman." nakangiting sabi ko sa aso na kaharap ko ngayon na balak kong bilin.
Isa itong white pomeranian at nakakatuwa dahil isang dangkal ko lang sya. Mostly, ang tawag daw sa mga ganitong kaliit na pomeranian ay teacup pomeranian.
BINABASA MO ANG
Shouldn't Have Said
Romance[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 2: Falling in love is easy, but staying in love is hard. That's what Lyrae thought when she and Joshua went on separate ways after being in love for so long. She decided to just leave everything behind...