Chapter 17
Ice Cream"Mom, I'm off to work na po. It's my first day, I cant be late." sabi ko kay mommy habang iniipit sa tenga ko ang cellphone at sinusuot ang aking 3-inches black shoes.
"Okay but can you please send me a text pag nakarating ka ng safe sa working place mo and if you're already at home so that your dad and I are inform? Please, anak." malambing na sabi ni mommy and how can I resist her.
"Yes, mom. I will. Bye. I love you." paalam ko't agad ng binaba ang tawag saka sinukbit ang aking shoulder bag.
Kinuha ko na ang aking car key sa drawer ko malapit sa pintuan at mabilis na lumabas ng mapalingon ako dahil may tumawag sa akin.
"Oh! Ms. Sarmiento!" masayang bati nito sa akin habang sinasarado ang kanyang pinto at lumapit sa akin.
Naningkit ang aking mata dahil ang alam ko'y wala namang nakatira dyan. Nung tumatambay ako sa veranda nung Friday at Saturday ay patay ang ilaw sa katabi kong condo at walang kaingay-ingay.
"Uhm, Sir Horan." hilaw na bati ko sa kanya at sinilip pang muli ang unit na katabi ng sa akin. "Diyan po pala kayo nakatira. I thought.. wala pong nakatira dyan."
"Uh.. yeah! I live here!" masaya nyang sabi na parang nag-aalangan pa. "Didn't know na tower 2 ka rin pala. Akala ko, tower 1 ka." ngiti nya sa akin.
"Well, tower 2 po ako, sir." sabi ko nalang.
"Uhuh.. I can see that." aniya at tinagilid ang kanyang ulo na para bang sinusuri nya ako.
Pinasadahan ko naman ng tingin ang suot kong skinny black jeans, white sleeveless top na pinatungan ko ng black fitted jacket suit na tinupi ko hanggang siko.
Hindi ko alam kung may mali sa suot ko dahil hindi pa naman ako na-oorient at wala rin naman syang sinabi sa akin nung Saturday. Tinext nya lang ako nung kinagabihan at sinabing sya 'yon. Buti nalang din at nagtext sya dahil naiwala ko ang binigay nyang sticky note or baka hindi ko rin nadala at naiwan ko sa kanyang table.
"Uh.. Sir?" pagtawag ko sa atensyon nya at agad naman syang ngumisi saka nag-angat muli ng tingin sa akin.
"So, uhm, sabay na tayo?" nakangiting alok nya sa akin.
Agad naman akong umiling sa kanyang alok at saka ngumiti. "I have my own car, sir." sabay pakita ko ng remote key ng aking kotse. "I can drive myself there."
"I know but can I.. uhm, at least take you there on your first day?" nahihiya nyang sabi.
"Ah, eh, sayang po sa gas nyo, sir." sabi ko nalang dahil wala na akong maisip na dahilan upang makatanggi.
He chuckled. "Hindi ba't mas sayang kung gagamitin mo pa ang kotse mo't hindi ka sasabay sa akin?" aniya. "And besides, it's not like nababawasan lalo ang gas ko kung magsasakay pa ako ng isa diba?"
Gusto kong sapukin ang ulo ko sa pag-iisip ng mga walang kwentang rason.
Yan na ba ang napag-aralan mo buong buhay mo sa elementary, high school at college, Rae? I think I should go back and study again.
"Uh.. maybe next time, sir." tumanggi na talaga ako. "Ma-lalate na po ako. Sige po. Ingat po." paalam ko't mabilis na tumakbo sa elevator.
Mabilis itong bumukas at mabilis ko rin itong sinarado saka pinindot ang G bago pa nya ako maabutan.
Damn! I know he's hitting on me and I'm not that easy to get. He should know that.
Hindi ko lang alam kung paano ko sya tatanggihan at iiwasan in a nicer way dahil boss ko pa rin sya at alam kong maapektuhan ang trabaho ko kapag kinalaban ko sya.
BINABASA MO ANG
Shouldn't Have Said
Romance[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 2: Falling in love is easy, but staying in love is hard. That's what Lyrae thought when she and Joshua went on separate ways after being in love for so long. She decided to just leave everything behind...