Chapter 29
More Than EnoughHuminga ako ng malalim at bumaba ng aking kotse.
Balik na sa normal state ang resort dahil umuwi na silang lahat kaning alas-sais. Pinanood ko lang silang pumasok ng airport ngunit hindi na ako nagpakita dahil kapag lumapit ako'y hilahin ko pabalik si Josh.
Hawak-hawak nya kanina ang kamay ng kapatid ko't hindi sya nagpapakita ng expression at pirming napakalamig ng aura nya.
"Lyrae!"
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Erika na nakangiting kumakaway sa akin.
Binigyan ko rin sya ng isang ngiti at mabilis syang lumapit sa akin.
"Ang babait pala ng mga kaibigan mo. Ininvite pa ako sa party kagabi. Grabe! Ibang klase pala sila. Ang saya nilang kasama." masayang kwento nya sa akin.
"Ganon ba?" sabi ko nalang dahil hindi ko na alam kung ano ang dapat kong sabihin.
Nawala naman ang kanyang ngiti't tumingin sa akin ng diretso. "May problema ka ba, Lyrae?"
Suminghap ako't ngumiti sa kanya. "Erika, halika sa office ko. May sasabihin ako sayo." aya ko sa kanya at mabilis na naglakad papuntang office ko na agad naman syang sumunod sa akin.
"Lyrae, hindi ako pwedeng magtagal ah. May trabaho pa ko." paalala nya sa akin nang makarating na kami sa loob ng office ko.
Tumango nalang ako at pinaupo na sya sa visitors' chair saka naman ako umupo sa harapan nya.
Kinuha ko sa bag ko ang plane ticket papuntang Manila saka inilahad ito sa kanya.
Rumehistro naman kaagad sa mukha ni Erika ang pagtataka habang tinitignan nya ang plane ticket saka binalik ang kanyang tingin sa akin.
"Babalik ka na ng Manila?" tanong nya sa akin.
Ngumiti naman ako at tumango. "Babalik na ako ng Manila but.."
"But ano?" agad nyang sabi nang huminto ako sa pagsasalita.
"But this ticket is yours." ngiti ko saka kinuha ang kamay nya upang ibigay ang plane ticket. "Mas mauuna lang ang flight ko sayo for three days dahil syempre aasikasuhin mo pa ang resignation letter mo--"
"Wait lang!" pagpigil sa akin ni Erika. "Pupunta akong Manila? Resignation letter? A-Ano to? Bakit ako magreresign? Wala akong ikabubuhay kapag nagresign ako, Lyrae. Mamamatay ako ng maaga." halos nagh-hysterical nyang sabi.
I slightly chuckled. "Magreresign ka dito dahil doon ka na sa Manila mags-stay for good." I stated at akmang magsasalita syang muli nang pigilan ko na sya kaagad. "I decided na pag-aralin ka sa kahit saang university ang pasahan mo. Pero dahil hindi pa naman erollment period kaya kung gusto mo sama ka muna sakin sa company. You can be my secretary for a while kung nahihiya ka dahil bigla kitang pag-aaralin." pag-eexplain ko.
Nalaglag naman ang kanyang panga sa sunod-sunod kong sinabi at ilang segundo ring hindi nakapagsalita't nakatingin lang sya sa akin.
"Uh, Erika?" tawag ko sa kanyang atensyon at saka lumaki ang kanyang mga mata't hinawakan ako sa aking kamay.
"Seryoso ka ba, Lyrae?! Pag-aaralin mo ko ng college? As in, C-O-L-L-E-G-E, college?!" hindi makapaniwalang tanong nya sa akin.
Natatawa naman akong tumango sa kanya nang dahil sa kanyang reaksyon.
"But, you have to take exams pag dating ng erollment period. Kahit saan ka magtake, ako ng bahala sa exam fee basta sabihin mo lang sa akin. And uhm, ayusin mo na rin yung mga possible requirements bago ka pumuntang Manila para hindi ka na bumalik ng Davao. Itetext ko nalang sayo." nakangiting paalala ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Shouldn't Have Said
Romance[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 2: Falling in love is easy, but staying in love is hard. That's what Lyrae thought when she and Joshua went on separate ways after being in love for so long. She decided to just leave everything behind...