Chapter 16
Tanggap"Are you sure you really want to go?" tanong sa akin ni mommy habang pinapanood akong mag-ayos ng mga damit ko at ibang mga gamit ko sa maleta.
"It's the best way, 'mmy." pinilit ko nalang ngumiti. "And besides, nakakuha na po ako ng ticket. Sayang naman po."
"Hay.." bigong sabi ni mommy at umupo sa kama ko. "Kung bakit kasi pinayagan ka ng daddy mo eh."
Ngumiti nalang ako at zinipper na ang luggage ko. "Mom, sa Davao lang naman po ako. And besides, doon naman po ako lumaki diba?" pagdadahilan ko nalang.
"The time I went to Davao to move on was my worst decision ever." Mom stated. "Believe me, Rae. Hindi magandang decision ang umalis dahil lang nasaktan ka."
Huminga ako ng malalim at ibinaba na ang luggage ko. "It's not just about that, 'mmy." I stated. "I want to stand on my own too. I want to be independent. Gusto kong mabuhay sa ibang environment. Gusto kong balikan ang dati kong sarili sa Davao."
Suminghap sya at tumango. "Dapat pala ay hindi namin binenta ng Daddy Brendt mo ang bahay doon para may matitiran ka ngayon." nanghihinayang na sabi ni mommy.
"It's okay, mom." ngiti ko. "I'll just stay in a hotel until I find an apartment. Hindi naman po siguro ganon kahirap maghanap ng apartment."
"Okay. If you say so." sabi nalang ni mommy at tinulungan na akong ibaba sa sala ang mga bagahe ko.
Nandon sa sala si daddy't Vini na naglalaro ng Resident Evil.
"Ate!" sigaw ni Vini at agad na binitawan ang controller upang yakapin ako. "Are you really going to go?" naiiyak nyang tanong sa akin.
"Babalik din si Ate, Vini.." sabi ko at lumuhod upang nagpantay ang tingin naming dalawa.
"Eh kailan pa, Ate?" ngumuso sya.
"Hmm, maybe after two or three years?" sagot ko sa kanya at muli syang yumakap sa akin.
"That's so tagal, Ate." iyak nito at niyakap ko nalang sya ng mahigpit saka hinimas ang kanyang likod.
Tumayo naman si daddy sa kanyang kinauupuan at may ibinigay sa aking susi na hindi ko alam kung para saan.
"I bought you a condo in Davao." panimula ni daddy at bumitaw ako kay Vini upang maharap ng maayos si daddy.
"A condo?" gulat kong tanong.
Hindi ko alam na binili pala ako ni daddy ng condo. I never asked for him to buy me one. Ang sabi ko lang sa kanya ay maghahanap ako ng apartment kung sakaling papayagan nya ako.
"I'm not sure if you'll like it pero sinigurado kong nandon na lahat ng kailangan mo." aniya. "Pinapunta ko ron ang secretary ko to buy you that condo at pinabili ko na rin ang mga kailangan mo. Fully furnished na sya at may mga groceries na rin."
Hindi ko na napigilan ang pag ngiti ko at niyakap ko na si daddy.
"Thanks, dad." I uttered. "Thank you so much."
Rinig ko ang kanyang pagngisi at tinapik nya ang aking likod saka humiwalay sa pagkakayakap.
"Sige na't umalis ka na at baka magbago pa ang isip namin ng mommy mo." biro nya sa akin. "Naghihintay na ang driver mo sa kotse. Hindi ka namin pwedeng ihatid dahil baka iliko ko lang din ang sasakyan pabalik sa bahay."
I chuckled at napailing nalang. "Daddy talaga oh.."
"Sige na. Malapit na ang flight mo." ngiti nya sa akin.
"Daddy, can I come with ate? Gusto ko po syang ihatid." pagp-prisinta ni Vini at itinaas pa ang kanyang kamay.
"Okay. Sure. Ibibilin kita sa driver natin." pagpayag ni daddy sa kagustuhan ni Vini.
BINABASA MO ANG
Shouldn't Have Said
Romance[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 2: Falling in love is easy, but staying in love is hard. That's what Lyrae thought when she and Joshua went on separate ways after being in love for so long. She decided to just leave everything behind...