Chapter 9

118K 3.1K 245
                                    


Chapter 9
Rest house

"Kids, are you all packed up?" tanong ni daddy sa aming tatlo nila Lawrence at Anne.

"Yes, 'ddy." ako na ang sumagot dahil ayos nanaman na kaming tatlo.

Luminga-linga naman si daddy sa sala at saka muling tinuon ang tingin nya sa akin. "Where's Josh?" nagtatakang tanong ni daddy. "Why isn't he here? Susunod nalang ba sya?"

Umiling lang ako saka kinuha ang aking light blue'ng gym bag na may malaking check sa gilid kung saan ko nilagay ang mga damit ko for the rest of the trip.

"He's on a vacation with his childhood friend. He cant come." pabalang kong sabi at tinignan ang phone kong hindi ko pa rin binubuksan.

Lumapit ako sa electric outlet namin dito sa sala upang icharge ang phone ko dahil gusto kong makinig ng music habang bumabiyahe upang hindi ako makatulog.

"Uhm, Tito, can I talk to you for a sec?" rinig kong sabi ni Anne kay daddy.

"Of course." sabi kaagad ni daddy.

Narinig ko nalang ang pagtunog ng sliding glass door papuntang garden. Maybe doon silang mag-uusap na dalawa.

"Rae, do you have juice?" tanong ni Lawrence sa akin habang binubuksan ko ang phone ko.

"Check the fridge kung meron. Not sure eh." sabi ko nalang nang hindi ko sya tinitignan.

"Okay. Thanks." aniya't narinig ko na ang mga hakbang nya patungong kusina.

Nang buksan ko ito at nabasa na ang sim ko ay dalawang sunod na pagtunog nito nang dahil sa dalawang messages ni Josh.

Two messages in three days? Not bad, huh. Improving.

Baby♥
2 messages

Binuksan ko ito at hindi ko na inatubiling basahin pa ang lahat ng iyon.

From: Baby♥

           Baby, why are you with Robin?

--

         Baby, why are you not available? I want to call you. I want to hear your voice. I fucking miss you so much.

Pinindot ko ang home button nang phone ko at ni-lock nalang ito saka iniwan upang magcharge habang hinihintay ko ang pag-alis namin.

He didn't even sent me a birthday message text. Does he even know that it's my birthday?

"Ate, happy birtday!"

Halos mapatalon ako sa biglang pagsigaw ni Vini at patakbong lumalapit sa akin saka ako niyakap ng napakahigpit.

"You're so old now, ate." hagikgik nya.

Kinurot ko ang kanyang ilong at tumawa lang sya sa akin.

"Grabe ka naman, Vini." ngumuso ako at muli nya akong niyakap ng mahigpit.

"But you're getting prettier as you grow old, ate." pampalubag loob nyang sabi sa akin.

Nginisihan ko sya. "Nambola ka pa."

Tumawa lang sya at pumasok na sila daddy't Anne galing sa garden na sabay naman ng pagbaba ni mommy sa hagdanan dala-dala ang mga gamit nila ni Vini na agad namang nilapitan ni daddy upang tulungan.

"Let me, hon." ani daddy nang kinuha nya ang mga gamit upang sya na ang magbuhat ng mga iyon.

"Thanks." at binigyan ni mommy ng isang matunog na halik sa pisngi bago lumapit kay Vini.

Shouldn't Have SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon