Chapter 19

125K 3.2K 813
                                    


Chapter 19
Scared

"Rae, you need to come home. Seriously!" halos nagh-hysterical na sabi ni Anne.

Nags-skype kaming dalawa at magdadalawang buwan na magmula ng makabalik sila ni Lawrence dito sa Pilipininas at tatlong buwan na ako dito sa Davao.

"I told you, Anne. I cant leave my work here. At isa pa, may kontrata ako dito. I cant just terminate it." dahilan ko sa kanya.

"But it's my wedding day and you're my maid of honor!" padabog nyang sabi at ngumuso pa.

I chuckled sa kanyang reaction. "Dadating ako, okay? And besides, next week pa naman ang kasal mo kaya bakit kailangang pumunta ako kaagad dyan?"

"Kasi you'll help me for some things that I still need to prepare at syempre, pagp-praktisan mo pa ang gagawin mo as my maid of honor." she explained.

I sighed at tumango nalang ako. "Okay, okay. I'll be there." I defeatedly said.

"Really?!" lumiwanag ang kanyang mukha at todo pa ang pagngiti.

"I'll be there for a week before your wedding." dagdag ko at agad nawala ang kanyang mga ngiti. "Hanggang one week lang ang kaya kong i-leave, Anne. Tatlong buwan palang ako dito sa pinagt-trabahuhan ko at ayokong umabuso dahil lang investor nila si daddy."

Huminga naman sya ng malalim at pumalumbaba. "Okay.. Basta you really need to be here dahil kapag wala ka, hindi ko itutuloy ang kasal." she stated.

"What? No!"

Rinig ko kaagad ang reklamo ni Lawrence at nagpakita na sa camera.

"Rae, you need to come home. Hindi pwedeng hindi ituloy yung kasal. Matagal ko ng hinintay to. Please naman." halos magmakaawang sabi ni Lawrence.

Tumawa naman ako dahil nahawa na sya sa paggiging hysterical ni Anne.

"Oo nga. Uuwi nga ako." natatawa kong sabi.

"Promise?" sabay pa nilang sabi.

"Yes. I promise." ngiti ko at nag-apir pa silang dalawa sa sobrang tuwa.

Pinatay ko nalang ang video call dahil biglang may nagdoorbell. Minessage ko nalang sila na mamaya nalang ulit dahil may gagawin pa ako.

Binuksan ko ang pintuan ng condo at agad na bumungad sa akin ang malaking brown bag ng Jollibee.

"Lunch?" masaya nyang tanong sa akin ng sumilip si Isaac mula sa likod ng bag ng Jollibee.

Napangisi nalang ako at napailing saka sya pinapasok sa loob ng condo ko.

Mabilis syang pumunta sa kusina at kinuha na ang mga dapat kunin upang makakain na kami.

Hindi na bago sa kanya ang pasikot-sikot dito sa condo ko dahil madalas naman na syang nakakapasok dito kapag nagdadala sya ng pagkain for dinner or lunch. Hindi nga lang breakfast kasi lagi daw syang late nagigising kapag weekends at saktong-sakto lang daw ang gising nya twing may pasok.

"Burger steak, like what you said last time." aniya't binuksan ang two pieces burger steak saka binuhusan ng sauce nito na may halong mushroom.

Sabi ko kasi sa kanya na kapag Jollibee ulit ang dadalin nya ay ayoko na ng chicken at gusto ko naman ng burger steak.

"And chicken for me." ngiti nya at bumungad sa akin ang two pieces chicken joy nya. "May rice ka naman diba? Hindi na ko bumili ng extra rice." sabi nya sabay tingin sa rice cooker ko.

"Meron pa. Initin mo nalang." sabi ko nalang sa kanya at agad nya naman itong sinaksak upang uminit.

Nang makabalik sya sa kanyang upuan ay sinimulan nya ng lantakan ang kanyang pagkain na para bang ngayon lang sya nakakain non.

Shouldn't Have SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon