Special Chapter 2"J-Josh.." nauutal na tawag sa akin ni Tita Sandra at niyakap nya ako.
Nandito ako ngayon sa kanila, nagbabakasakaling kung pwedeng wag ko ng ituloy ang paglayo kay Lyrae at sasabihin ko nalang sa kanya na aalis ako papuntang Singapore and I'll stay there for a year kaya naisip kong mabuti nalang na maghiwalay kami.
Ayokong sabihin sa kanya ang tunay na dahilan na hiningi sa akin ni Tita ang pabor na 'yon dahil ayokong magtanim sya ng sama ng loob kay Tita.
Limang araw na ang nakakalipas magmula ng makipaghiwalay ako sa kanya at bawat araw na nagdadaan ay padagdag ng padagdag ang sakit na nararamdaman ko.
"I'm sorry.." paumahin ni Tita. "I dont want her to go to Davao too but.. that's what she wants."
Ito na ang kinakatakot ko. Iyong lalayo sya upang makapagmove-on. Iyong pagbalik nya dito ay siguradong wala na syang nararamdaman sa akin.
"Tita, tinatawagan nyo na po ba sya?" naiinip na tanong ko kay Tita.
Umagang-umaga palang ay nandito na ako sa kanila dahil magpapasamang magbasketball si Vini sa may court dito sa subdivision nila. Ewan ko kung bakit napaka-aga ng laro nila pero okay lang naman sakin dahil wala na akong ginagawa at gusto ko ring maging ka-close sya.
"Yes. Ito na. Nagriring na." ngiti ni Tita sa akin nang itinapat nya ang cellphone sa kanyang tenga.
"Tita, loudspeaker please." malambing na pakiusap ko kay Tita.
Tita chuckled at me saka nya priness ang loudspeaker at pagkatapos pa ng tatlong ring ay saka sinagot ni Lyrae ang tawag.
"Hello, mommy?"
Awtomatiko akong napangiti nang marinig ko ang boses ni Lyrae.
Kahit boses nya lang ang marinig ko ay parang buo na agad ang araw ko. How I missed her sweet voice.
"Lyrae, how are you, anak? Gusto mo na bang bumalik dito sa Manila?" mahinahong tanong ni Tita sa kanya.
Marahan syang tumawa. "Mommy, are you serious?" aniya. "I'm fine here. Super fine at settled na settled na ako."
Hindi ko alam kung bakit instead na matuwa ako dahil naririnig ko ang kanyang pagtawa at nalalaman kong masaya sya ay kinakatakot ko ito.
Natatakot akong masaya at kontento na sya sa buhay ngayon doon sa Davao na dahilan kung bakit posible nya akong makalimutan at hindi na bumalik dito sa Manila. Hindi na sya bumalik sa akin once I'm done with everything that I need to do.
Napabuntong hininga nalang si Tita. "Okay. It's good na settled ka na dyan." sabi nalang ni Tita.
Panandaliang katahimikan ang nanaig pagkatapos sabihin ni Tita 'yon nang muling magsalita si Lyrae.
"Mom, I'm off to work na po. It's my first day, I cant be late." sabi nya't hindi ko maiwasan ang humanga dahil nakahanap na sya kaagad ng trabaho sa ilang araw lang na nandoon sya sa Davao.
"Okay but can you please send me a text pag nakarating ka ng safe sa working place mo and if you're already at home so that your dad and I are informed? Please, anak." malambing na sabi ni Tita.
"Yes, mom. I will. Bye. I love you." paalam nya't binaba na ang tawag.
Napahawak naman ako sa aking dibdib ng biglang bumilis ang pagtibok nang marinig kong sinabi ni Lyrae ang tatlong salitang 'yon.
Hindi ko alam kung bakit ang lakas parin ng epekto sa akin ng 'I love you' nya kahit na alam kong hindi nya ito sakin sinasabi't narinig ko lang.
"Kuya, panalunin mo naman ako!"
BINABASA MO ANG
Shouldn't Have Said
Romance[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 2: Falling in love is easy, but staying in love is hard. That's what Lyrae thought when she and Joshua went on separate ways after being in love for so long. She decided to just leave everything behind...