Chapter 18

126K 3.1K 374
                                    


Chapter 18
Event

"Tungkol saan nga ba ang event?" tanong ko kay Isaac habang inaalalayan nya ako paakyat ng bangka.

Inaya nya akong maglayag dito sa beach at para na rin daw mapag-usapan namin ang tungkol sa mangyayaring event.

Mag-iisang buwan na ako dito at masasabi kong napaka-komportable ko na dito. Naka-adjust na rin ako sa trabaho't mga gawain ko.

Naging mas malapit na rin kami ni Isaac na hindi ko rin naman inaasahan. During these past few weeks ay lagi ko syang kasama. Hindi rin naman naiiwasan dahil sya ang boss ko at magkatabi lang ang condo naming dalawa. Minsa'y nahahatak na nya ako na sabay kaming pumasok kaya minsa ay inuunahan ko na sya sa pagpasok para hindi na ako makaabala.

Masaya syang kasama. Inaamin ko naman yon. Napakagaang na ng loob ko sa kanya dahil isa sya sa mga napagk-kwentuhan ko at napaglalabasan ko ng mga gusto kong sabihin na hindi ko makimkim sa sarili ko.

I'm glad that I came back here in Davao. I dont regret my decision.

"It's my mom and dad's wedding anniversary." ngiti nya sa akin at nagsimula ng magsagwan.

"Hmm.." tango ko sa kanya. "I havent seen your mom. Nasa Davao rin ba sya?"

Hindi ko pa kasi nakikitang bumibisita ang mommy nya dito sa resort kaya pinagpalagay ko na baka nasa Manila ito o nasa ibang bansa.

"She's already dead." simpleng sabi nya at napawi ng kaunti ang kanyang ngiti.

Tinikom ko ang aking bibig at saka muling nagsalita. "Sorry.." paghingi ko ng paumanhin.

Umiling sya sa akin at ngumiti. "Dont be." aniya. "Matagal na 'yon at matagal na rin naming natanggap ni daddy na wala na si mommy."

"Nakakatuwa naman at i-cecelebrate pa rin ng daddy mo ang anniversary nila kahit wala na ang mommy mo." ngiti ko dahil nakakabilib ang ganon.

Yung kahit wala na sya sa tabi mo ay buo parin ang pagmamahal at pagpapahalaga na binibigay mo sa kanya at sa relasyon nyo.

"It's an annual celebration dito sa resort." aniya. "Every year, kahit nung buhay pa si mommy ay nagcecelebrate sila dito sa resort. Invited ang buong pamilya namin in both sides at ang mga business partners namin. Dahil nakasanayan na rin, pinagpatuloy na ni daddy. Way na rin 'to in remembering her." he explained.

"Mahal na mahal ng daddy mo ang mommy mo no?" nakangiting tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman sya sa akin. "Mahal na mahal ko rin si mommy." sabi nya. "Only child ako kaya alagang-alaga nya ako. Spoiled na spoiled ako sa kanya. Mas close kami ni mommy kaysa kay daddy kaya mas napamahal ako sa kanya."

Tumigil sya sa pagsasagwan at kinuha ang cellphone nya sa kanyang bulsa.

May kung anong pinagpipindot sya doon at saka nya iniabot sa akin ang kanyang cellphone.

Bumungad sa akin ang picture ng isang batang lalaki at isang magandang babae na yakap-yakap ito. Siguro'y sya ito at ang mommy nya.

"Seven years old ako nang mamatay si mommy and that's our last picture." he stated. "She died in a car accident on her way to my school." he smiled painfully. "Gusto ni mommy na sya or sila ni daddy ang laging maghahatid-sundo sa akin sa school or kung saan man ako pumunta. Excited akong i-surprise kay mommy non ang second quarter card ko dahil tumaas ang marka ko. Kulelat na kulelat kasi ako non at mababa ang grades ko pero mas nasurprise nya ako. Kasi wala na pala sya."

Kung sana'y wala lang kami sa bangka ay kanina ko na sya tinabihan at niyakap ngunit baka tumaob ang bangka dahil hindi kami balanse kung tatabi pa ako sa kanya.

Shouldn't Have SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon