Chapter 28

127K 2.8K 604
                                    


Chapter 28
Open-Minded

Tumigil ang sasakyan sa may People's Park pero wala akong balak bumaba dahil gusto kong mag-isip ng tahimik.

Rinig ko ang malalim na paghinga ni Isaac saka ang kanyang pagsandal sa upuan.

"Kinukulit ka ba nya?" tanong sa akin ni Isaac.

Pumikit ako ng mariin at umiling.

Hindi nya ako kinukulit. Yun nga yun eh. Hindi nya ko pinipilit o kinukulit na makipagbalikan ako sa kanya. Hinahayaan nya lang ang mga nangyayari sa aming dalawa. Naglalagay sya ng distansya sa pagitan namin. Inaalam nya kung hanggang saan nalang ba sya pero hindi nya alam na gustong-gusto kong nasa tabi ko lang sya.

Ganon ba sya kabilis sumuko sa akin?

"Then what?" muling tanong ni Isaac. "Why are you crying?"

Hindi na ako nagsalita dahil hindi nya rin naman maiintindihan.

Kung ako nga'y hirap ng intindihan ang nangyayari sa amin ni Josh, sya pa kaya?

"Dahil ba kay Josh--"

"Isaac, please." mariin kong sabi habang hindi sya tinitignan. "Please, let me think." huminahon na ang aking boses.

Tumahimik naman si Isaac at hindi rin nagtagal ay muli syang nagsalita.

"I-Is it still him?" nauutal nyang tanong.

Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil alam kong kapag sinagot ko ang kanyang tanong ay alam kong masasaktan ko sya lalo na't ganito ang pag-iisip ko ngayon.

"It's still him."

Hindi na iyon tanong. It's already a statement.

"Si Josh pa rin." aniya't sarkastikong tumawa. "Mahal mo pa rin sya."

"Isaac--" nilingon ko na sya ngunit agad rin syang nagsalita't hindi nya ako pinatapos.

"Bakit sya?" punong-puno ng hinanakit ang kanyang boses.

"Bakit hindi sya?" pabalik kong tanong sa kanya at tinignan syang diretso sa kanyang mga mata.

"Lyrae, sinaktan ka nya!" tumaas na ang tono ng kanyang boses. "Lyrae, he hurt you. He broke up with you. Iniwanan ka nya. Kaya ka nga nandito diba?" sunod-sunod nyang sabi.

"Oo, nasaktan nya ko. Nagalit ako sa kanya kasi nasaktan nya ako. Lumayo ako kasi nasaktan nya ko. Kaya ako nasaktan kasi mahal ko sya." iyak ko. "Pero kahit nasaktan nya ako.. mahal ko pa rin sya. Mahal na mahal ko pa rin sya." pag-amin ko.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko saka lumabas ng kanyang kotse at pumara na ng taxi upang bumalik sa resort.

I cant be gone for so long. Hahanapin nila ako doon. May party pa mamayang gabi para naman sa birthday ni Kuya James. Hindi pwedeng wala ako doon. Ayokong mag-alala't magtatanong sila dahil wala naman akong isasagot. Wala akong alam.

"Ate, look at this shell." sabay pakita sa akin ni Vini ng isang sea shell na napulot nya ata doon sa may dagat.

"It's pretty." komento ko saka ngumiti at niyakap ang kapatid ko.

Minsa'y kapag nalulungkot ako'y niyayakap ko nalang si Vini. I can find comfort in my brother's embrace.

"Ate.." marahang sambit ni Vini sa pangalan ko't niyakap rin ako pabalik.

Alam kong naiintindihan na nya ang mga nangyayari ngayon. Mabilis mag-isip si Vini at lalo na't alam nya pa ang mga nangyayari sa amin ni Josh.

"Ate, I dont want to interfere but can you please trust Kuya Josh?" mahinahong sabi nya at napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.

Shouldn't Have SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon