Chapter 15
Surrender"Baby, congratulations! You made it through. I'm so, so proud of you. I really want to be there and watch you receive your diploma but I cant. I still have work and even if I want to hang-out with you tonight, I also cant. Kailangan kong samahan si Lyn dahil alam mo naman yon. Hindi nabubuhay ng walang kasama. She needs me lalo na't you know her condition right now diba? Hope you understand. I promise to make it up to you. Congratulations ulit, my cum laude. I love you." pagsasalaysay ni Anne sa nobelang text sa akin ni Josh.
Dinala na sa ospital si Ariana ng kanyang manager kagabi dahil hinamatay ito't low blood sya. Ang alam ko'y ngayong gabi ang labas nya sa ospital kaya siguro sya ang inuna ni Josh.
Ano namang laban ko sa may sakit diba? Grumaduate lang naman ako. Syempre mas uunahin nya yon.
Kailan ba ako nauna kaysa kay Ariana? Wala naman diba? Lagi namang sya. Fuck her.
"I love you? Fuck you!" sigaw ko at umiling nalang ako saka nilagok ulit ang isang shot.
Napahinga nalang ng malalim si Anne sa sinabi ko at naramdaman ko nalang ang mainit na kamay na lumakbay sa braso ko papunta sa kamay ko.
"Wanna dance?" husky'ng bulong sa akin ni Robin.
"Shut up, Rob! Alam mo namang tipsy na si Lyrae. Leave her alone." pag-angal ni Anne.
Binaliwala ni Robin ang sinabi ni Anne at hinila na ako na nagpatianod nalang sa kanya papuntang dance floor.
"No fun, Rae." ani Robin. "Dance please. Dance with me." paulit-ulit na sabi sa akin ni Robin.
Natawa naman ako sa pakikiusap nya sa akin sa di malaman na dahilan at tinanggal ang ipit ng nakapony kong buhok upang ilugay ito.
I'll let go for tonight. Even just for tonight.
Bawat pagsayaw ni Robin sa akin ay sinasagot ko rin ng pasayaw. I've never been so free like this before. Ganito pala ang feeling kapag marami kang problema at gusto mo nalang magsaya. Mas sumasaya kasi talaga. Proven and tested!
And Robin's the one who's always there for me. Buti pa sya, laging ako ang inuuna. Hindi nya ako iniiwan. Twing kailangan ko sya, lagi syang nandyan.
Bakit hindi nalang ikaw? Sana ikaw nalang ang una kong nakilala't minahal. Sana ikaw nalang.
Humagikgik ako ng maramdaman ang kamay ni Robin na naglalakbay sa bewang ko na agad ring nawala dahil kung sinong yumakap sa akin.
Nag-angat ako ng tingin at kitang-kita ko ang namumungay na mga mata ni Joshua habang matalim na nakatitig kay Robin na tila'y nagulat din sa pangyayari.
"Baby!" masayang untag ko at pinaglaruan ang kanyang pisngi gamit ang hintuturo ko.
Hindi nya ako pinansin at diretsong nakatitig lang kay Robin.
"Alam kong alam mong engage na kami ni Lyrae." seryoso ang boses ni Josh at hindi ko mapigilan ang kilig na nararamdaman.
He's so possessive and I kinda like it.
"Sinasayaw ko lang sya." pagdadahilan ni Robin. "She look so devastated." dagdag pa nya.
"Mas lalong hindi mo sya dapat sinayaw. She's not in her right mind." tumataas na ang tono ng boses ni Josh.
Hindi na nagsalita ni Robin at hinatak na ako ni Josh papalabas ng bar.
"Josh, sasayaw pa ako.." reklamo ko sa kanya habang patuloy lang sya sa paglalakad.
Nilingon ko ang paligid at nakita kong nasa parking lot na kami. Nang makarating na kami sa kotse nya ay binuksan nya ang pintuan sa back seat instead sa passenger seat.
BINABASA MO ANG
Shouldn't Have Said
Romance[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 2: Falling in love is easy, but staying in love is hard. That's what Lyrae thought when she and Joshua went on separate ways after being in love for so long. She decided to just leave everything behind...