Prologue

260K 4.7K 570
                                    

Prologue

"Hey, Lyrae!"

Nilingon ko ang ka-batchmate at ka-building kong si Robin na ipinapakita sa akin ang isang shot glass na may laman na kung anong whiskey.

Nginitian ko lang ito at itinaas ang shot glass na hawak upang sabihin na mayroon na akong inumin bago ito ininom.

Pumikit ako ng maramdaman ko ang pait nitong sumusunog sa lalamunan ko. Hindi talaga ako sanay uminom. How I wish that I have a high alcohol tolerance para makainom pa ako ng marami.

"Lyrae, smile please!" ngiti sa akin ni Anne at tumabi sa akin.

Si Lawrence naman ay pumuwesto na sa harapan namin ni Anne at itinapat na sa amin ni Anne ang kanyang DSLR upang makuhanan ng litrato.

I slightly smiled at nang marinig ko na ang shutter ng camera ay inubos ko na ng tuluyan ang whiskey.

"Ikaw lang ang grumaduate na may mukhang pang biyerne santo." puna ni Anne sa akin at umupo na sa stool na katabi ng inuupuan ko.

Umiling nalang ako at sinenyasan muli ang bartender na gusto ko pa ng isang shot.

Graduation kasi namin kaninang umaga. Of course, I graduated with honors. Cum Laude nga lang dahil sadyang hindi kinaya ng utak ko ang magkaroon ng mga prefix such as Magna and Summa. Hindi lang naman puro aral ang ginawa ko nitong college.

Graduation party namin ngayon na hinost ng student council president namin. Buti na nga lang at hinahayaan na ako nila mommy't daddy sa mga gusto kong gawin. Minsan ay sadyang busy na sila kay Vini kaya hinahayaan nalang talaga nila ako.

"Babe, punta lang ako kila Carlos." paalam ni Lawrence kay Anne. "I'll be back." dagdag nito.

"Sure." ani Anne. "Dito lang kami ni Lyrae."

Tumango nalang si Lawrence at mabilis na tumungo kila Carlos na ka-blockmates nya.

Nang ibigay sa akin ng bartender ang shot ay agad ko itong ininom as I ask for more shots. Alcohol's very addicting but deadly.

"C'mon, Rae." ani Anne. "Stop drinking at baka mapatay ako ni Josh at Tito." pagsuway nya sakin.

Napangisi naman ako sa sinabi nya. "Yeah. My dad might kill you but Josh.." umiling ako at natawa nalang. "I dont think so, Anne."

Kumunot naman ang noo ni Anne sa sinabi ko at suminghap. "Maybe he's just busy with work." aniya. "Alam mo na. It's hard to handle a chain of restaurants. Hindi mo alam kung saan ka magf-focus because of the different branches they have."

"Work?" sarkastiko kong sabi at inilapag sa harap nya ang phone ko upang mabasa nya ang message ni Josh. "Kailan pa nya naging trabaho ang maging body guard, driver or a fucking chaperone? Eh aba! Sobrang sipag nya naman. I want to give him three claps for that." at pumalakpak ako ng tatlong beses.

"Baby, congratulations! You made it through. I'm so, so proud of you. I really want to be there and watch you receive your diploma but I cant. I still have work and even if I want to hang-out with you tonight, I also cant. Kailangan kong samahan si Lyn dahil alam mo naman yon. Hindi nabubuhay ng walang kasama. She needs me lalo na't hindi pa nya kabisado ang lugar and you know her condition right now diba? Hope you understand. I promise to make it up to you. Congratulations ulit, my cum laude. I love you." pagsasalaysay ni Anne sa nobelang text sa akin ni Josh.

"I love you? Fuck you!" sigaw ko at umiling nalang ako saka nilagok ulit ang isang shot.

Napahinga nalang ng malalim si Anne sa sinabi ko at naramdaman ko nalang ang mainit na kamay na lumakbay sa braso ko papunta sa kamay ko.

Shouldn't Have SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon