Last chapter. Thank you. :)
-------------------------------------
Chapter 30
All For You"Ang cute-cute naman ng magiging inaanak ko." nakangiting sabi ko habang pinipigilan ang sarili kong pisilin ang pisngi ng anak nila Lawrence at Anne.
Lalaki ang anak nilang dalawa at ngayon ang binyag nito dito sa San Roque Church.
"Alam kong cute ang anak ko pero wag mo namang panggigilan." ani Anne at inalayo sa akin ng bahagya ang kanyang unico hijo.
Natawa nalang ako at tinignan ang orasan ko na sakto namang tumunog ang cellphone ko nang dahil sa isang tawag.
"Hello?" malambing nyang pagsagot nang pindutin ko na ang tawag.
"Where are you? Ten minutes before the Christening starts and you're still not here." naiinip kong pambungad sa kanya.
He chuckled. "What a sweet way to start this call." he sarcastically said. "I'm a street away from the church. Wait for five minutes. I love you. Bye." at pinatay na nya ang tawag.
Lumapit naman si Lawrence sa akin at binigay ang dalawang kandila. Isang kulay pink at isang kulay blue.
"Where's your lover boy?" natatawang tanong nya sa akin.
"On the way. Five minutes." sagot ko nalang.
"Dapat kasi'y sabay na kayong pumunta dito. Nauna ka pa kasi." ani Lawrence.
"May dinaanan pa sya sa office. He's too workaholic." komento ko at agad namang nawala ang inis ko nang makita ko ang kotse nya lalo na nang bumaba na sya doon.
"Ayan na pala eh." sabi ni Lawrence.
Pinanood ko syang nakangiting maglakad patungo sa akin.
He's wearing a white long sleeves na tinupi hanggang siko't naka-fitted black jeans saka topsider to complete the look.
"You're late." bungad ko sa kanya nang makalapit sya sa akin at hinalikan ako sa aking pisngi.
"I'm sorry." he smiled. "Mahal naman kita eh." at niyakap nya ako.
"Tama na yan. Magsisimula na ang binyag ng anak ko." singit naman ni Lawrence sa amin.
Bahagya ko syang tinulak at binigay sa kanya ang kulay blue'ng kandila.
"Father figure." bulong nya sa akin and I slightly chuckled.
"Hintayin mo lang kapag kayo na ni Lyrae ang nagkaanak." inis naman sa amin ni Lawrence at hindi ko na napigilan ang pag-init ng aking magkabilang pisngi.
"Di pa nga kami kinakasal eh." sabi naman nya't umakbay pa sa akin upang mas mapalapit ako sa kanya.
"Tagal mo naman kasing kumilos eh." sabi nalang ni Lawrence at tumalikod na upang samahan ang mag-ina nyang nandoon na sa harapan.
Sumunod naman na kami at hinawakan nya ng mahigpit ang aking kamay.
"Where's Vini?" tanong nya sa akin.
"At school." simpleng sagot ko. "May practice sya para sa league na sasalihan nila this school year."
"He's finally taking a step to be like me." he proudly said at marahan ko syang hinampas sa braso.
"Porkit basketball, ikaw kaagad? Daddy's good at playing basketball too." pinagtaasan ko sya ng kilay.
"Pero aminin mo, mas magaling ako sa daddy mo?" nakangisi nyang sabi sa akin.
BINABASA MO ANG
Shouldn't Have Said
Romansa[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 2: Falling in love is easy, but staying in love is hard. That's what Lyrae thought when she and Joshua went on separate ways after being in love for so long. She decided to just leave everything behind...