A/n: Hindi po ito halos tungkol lahat sa sinunang Maguindanao po. Ito po ay kathang-isip lamang at ginawang kwento lamang ni Filuamafar. 'Wag pong mag-ekspek na masyado itong makokototohanan sapagkat mahirap pong maghanap tungkol sa sinaunang Maguindanao kahit ako'y taga Maguindanao ngunit may pagkahawig pa din po dahil sa mga Datu, Sultan, Bai at iba pa.
___________
Sobrang lakas ng pagkakabagsak ko. Masakit ang katawan ko at hindi ko maidilat ang aking mga mata dahil sa liwanag kanina. Sinubukan kong dumilat para makita kung may galos ba ako ngunit ang una kong nakita ay ang lalaking nakatadang aking magiging asawa kung hindi lang ako tumakas. Wait, tumakas? Sumama nga ako e. Ano ito? Nakipagtanan?
Nag-iba ang paligid. Ang mga gusali at mga mall ay wala. Wala masyadong tao.
"Ayos ka lang ba, Jameela?" tanong niya sa'kin. "Bakit ka pa sumama rito? Naku!"
"Gusto ko lang din tumakas sa kanila e." sagot ko.
"Kailangan mong makatapos mag-aral. Kapag may napuntang tao dito bukod sa akin mula 21st century ay titigil ang panahon sa kasalukuyan."
"Sorry, gusto ko lang talagang tumakas. How about you? Pumunta ka dito, may kapangyarihan kang ganyan. Haram 'yan, napaka-relihiyoso niyong tao tapos ganyan ka pala."
(Haram means forbidden)
"Halika, sumama ka muna sa'kin." alok ni Malik sa akin.
Sumunod ako sa kanya hanggang sa kami at napadpad sa mga matataong lugar at ang mga tao ay nakatingin sa akin dahil sa aking kasuotan. Nakapatalon ako at long sleeve na itim na damit at hijab na kulay pula.
"Bakit kakaiba ang kanilang kasuotan?" tanong ko kay Malik habang kami ay naglalakad.
"Nasa unang panahon tayo, 1980's." sagot ni Malik.
"Malik, nakakahiya oh! Lahat sila nakatingin sa akin."
He just chuckled and, "Malapit na tayo. Makakapag-palit ka na ng damit." sagot niya.
Tumigil siya sa paglalakad ng marating namin ang isang bahay. Malaki ito, halatang mayaman ay may ari kahit kung titignan sa panahon sa kasalukuyan ay luma na or let say classic.
"Nandito na tayo!" masayang sambit niya.
"Who's the owner of this house?" I asked.
"Da ka dën man bag-english san. Maguindanaon ta bun duwa." sabi niya na nag-pairita sa'kin.
A/n: Sabat na naman ako HAHAHA it means "Wag ka na mag-english d'yan. Maguindanaon naman tayong dalawa." Oh! Ayan. Ge continue!
Lumabas na naman ang dimple niya dahil sa iritasyon ko.
Lumapit siya sa pintuan ng bahay at kumatok at ilang minuto ang lumipas ay may magandang dalagita na nagbukas ng pinto. Nakasuot siya ng hijab at naka malong sa ibaba na parang ginawang palda at parang muslim dress naman sa itaas.
"Assalamu Allaikom." bati ni Malik.
"Wa Allaikumus Salam." sagot ng dalagita.
"Assalamu Allaikom." nahihiyang bati ko sa dalagita.
"Wa Allaikumus Salam." mataray na sagot nito.
"Sinong 'yang kasama mo Malik? Akala ko ay mag-isa ka lang na babalik dito." tanong ng dalagita.
Iniyuko ko ang aking ulo na parang nahihiya. Nakita ko kung paano napabaling sa akin si Malik bago siya bumaling ulit sa dalagit.
"Asnaira, pwede bang papasokin mo muna kami?" inis na sabi ni Malik.
BINABASA MO ANG
Lighten the Darkest Past (Ongoing)
Historische RomaneJameela Ferdaus, isang simpleng dalaga na nakatira sa Maguindanao. Sa kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral ay naglayas siya nang magpasya ang kaniyang ama na siya'y ikasal. Sa hindi malamang pagkakataon habang ibinubuhos niya ang mga luhang nag-uun...