Kabanata 13: Pag-amin

7 2 0
                                    

Takot na takot ako lalo na sa ngisi ng lalaking nakahawak pa rin sa akin. Hindi lamang sa kanyang ngisi ngunit maging sa ano mang mangyayari kay Malik.

"Hindi ito magugustuhan ng Datu Alimasig, Datu Malik. Kinakailangan naming makahanap ng babaeng magiging isa sa kanyang mga asawa." sabi nito.

"Hindi ba't hindi na maaaring asawahin pa ang babaeng may asawa na?" balik na tanong ni Malik.

Tumawa ito ng malakas. "Walang pinipili ang aming Datu." sabi nito.

Sumenyas ako kay Malik gamit ang aking mata bago ko siniko sa panga ang lalaki at hinila si Farah papunta sa kay Malik.

"Magaling ang dalagitang ito," anang ng lalaki.

Naglakadlakad siya sa aming harapan bago siya huminto sa harapan ni Malik.

"Pagsisihan mo ang iyong ginawa, Datu Malik. Oras na malaman ito ng Datu Alimasig ay tiyak na kamatayan ang maipapataw nito sa iyo." sabi nito bago umalis kasama ang kanyang mga kasama.

Humarap sa akin si Malik at hinawakan ang aking balikat. "Okay ka lang?" he whispered.

I arched my brow. "Mukha ba akong okay?" I whispered back.

Sinamahan nila kami pauwi at mukhang galit na galit pagdating sa aming tahanan. Hindi ko alam kung anong ikinakagalit niya. Ang pagmamataray ko sa kanya o ang ginawa sa akin ng tauhan ni Datu Alimasig.

Pagdating namin ay agad siyang pumunta sa tahanan ng kanyang ama. Hindi rin siya nagpaalam sa akin. Nalaman ko na lamang ito sa mga kasambahay.

"Alam mo ba Bai? Ang iba sa ating mga nakasalamuha noong tayo'y nasa kabilang banwa ay mga katutubo. Hindi ba't kanina ay may mga babaeng walang hijab at halos makita na ang kanilang mga itinatago sa katawan?" kwento ni Farah sa akin.

Kanina nga ay may mga nakita akong kagaya ng mga nasa sculpture. Hindi kami parehas ng pananamit but they are more like in sculpture and paintings.

"Ngunit bakit sila naririto sa banwa na kung saan ay isang Muslim ang namumuno?" tanong ko.

It's pretty confusing why they are here while we're in a Muslim community.

Ngumiti sa akin si Farah. "Sila ay mga dayo lamang na namalagi na rin. Maging dito sa atin ay marami rin. Nais mo bang ika'y aking ipasyal?" alok ni Farah at tumango naman ako.

Pinasiyal niya nga ako at gustuhin man ng mga tauhan ni Malik na samahan ako ay hindi pa rin ako pumayag. Dito lamang kami mamasyal sa aming banwa kaya hindi talaga na kami ay samahan pa.

"Napaganda ng handog ni Datu Malik sa iyo, Bai Jameela." nakangiting sabi ni Farah habang nagkatinin sa bracelet na regalo ni Malik.

Tumawa ako ng bahagya. "Napaganda nga nito. Magaling talagang pumili ang isang 'yun. Ikaw ba, Farah? Wala pa bang umaamin sa iyo?" tanong ko.

Nahihiya siyang ngumiti sa akin. Alam na alam ko na ang mga ganyan ngunit sa katayuan ni Farah ay hindi pa dapat talagang pinag-aasawa.

"Asus, huwag mong ikaila. Ang iyong napakarikit at maganda kutis at hindi malabong meron." I chuckled.

"Wala pa naman po sa isipan ko ang mga ganyang bagay. Gusto ko lamang na makatulong sa aking mga magulang at sa inyo ni Datu Malik." she answered.

I love how genuine she is. Hindi naman masyadong pasalita si Farah. Sadyang gusto niya lamang ipahatid sa akin kung anong meron sa banwang ito. Hindi kagaya ni Ayesha na masyado ring loud. I also realized that the Jameela in this century is we're almost the same. Hindi siya palalabas ng bahay. Wala siyang ginagawa kung hindi ay magbasa at mag-aral ng kung ano-ano.

Lighten the Darkest Past (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon