Kabanata 25: Drifie knew

3 0 0
                                    

Panibagong araw, klase na naman. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naiuuwi ang sasakyan ko. Tanging ang BMW lang talaga ang nasa basement. Hindi ko 'yun ginagamit kasi ayokong umasa kay Malik. Hindi pwede, independent woman ako kaya I will never lean to a man.

I just arrived in our classroom. I saw Ayesha, tulala siyang nakaupo. I don't know if she's just not in the mood or if she's having a bad morning, pwede rin naman na inaantok pa.

"Gising na, Yesha! Good morning!" I greeted her.

Wala siyang imik. Nilapag ko na lang muna ang bag at libro ko bago umupo at hirap siya. I don't know what's bothering her.

"Jam... Sorry!" she said crying. Niyakap niya ako.

Ako naman ngayon ang hindi nakapagsalita. Ano bang nangyayari sa kanya?

"What happened?" I asked.

Humikbi siya at nakakuha na rin ng atensiyon ng iba. Itinayo ko siya at nagpatianod naman siya. Hinila ko siya palabas ng room namin. Dinala ko siya sa balcony. There's a balcony here in our building kasi.

Kumalas siya sa pagkakayakap at pinahid ang luha niya. She sighed. "Ang kulit kasi ni Drifie e," she started.

Kumunot ang noo ko. "Wait, what happened?"

Hinawakan niya ang kamay ko. "'Wag kang magagalit, huh?" she pouted. "Narinig kasi ni Drifie 'yung usapan n'yo no'ng nasa condo mo tayo. That night, he heard everything. About the mission,"

Hindi ko alam pero na takot ako sa sinabi niya. Hindi ito dapat malaman ni Drifie dahil baka madamay pa siya dito. Nag-aalala ako sa kuya ko.

"Sinabi ko naman lahat coz he's concerned about you..." dagdag ni Yesha. "And he already knew about this daw na may isa talaga sa inyo na makukuha to go back in the past for a mission. Hiniling daw niya na siya na sana when he was young na siya pa ang bunso but pinanganak ka..."

Hearing this makes me feel so safe with my brother. Willing siyang ialay na lang ang sarili niya para hindi ako mag-suffer.

"Pag-uusapan natin ito mamaya. Hindi ako galit, Yesha!" I said before I went back to our classroom.

Pagkatapos ng klase ay sabay talaga kaming umuwi. Half-day lang naman kami ngayon. Sa condo na lang din kami nag-lunch while talking about what happened. I prepared adobo for our lunch.

We're just both now in our pajamas. Pinahiram ko na muna siya para hindi siya mainitan even we also have an aircon here.

"Alam ni Drifie ang lahat. Nag-aalala nga siya sa'yo e. He's willing to protect you," Ayesha's said. "Natatakot ako para sa kanya. Ibang takot no'ng nalaman ko na ipapakasal din pala siya sa iba,"

Kung nagulat ako sa mga alam ni Drifie mas nagulat ako na ipapakasal din pala siya sa iba. Alam kong hindi niya hahayaan 'yun pero iba ang mga magulang namin.

"I will talk to him," I said before I was about to call him. Sinagot niya naman ito agad.

"Assalamu Allaikom, Ali!" he greeted.

Based on his background, he's still campus. Walking in the pathway of University of Southern Mindanao wearing his uniform.

"Wa Allaykum Salam," I greeted back. "Are you busy?" I asked.

Umiling siya. "I don't have an afternoon class... You need something?" he asked back.

Pumikit ako ng mariin. "Kaka, siya ka pan sa Cotabato. May pag-uusapan tayo," I said.

Pumatak ang mga luha ko dulot ng problema sa mission na ito. Ngayon ay kasali na si Drifie at Ayesha dito sapagkat ito'y kanilang nalaman.

"Don't invite Kuya Franz," I added and ended the call.

Lighten the Darkest Past (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon