Kabanata 2: Tagapagligtas

31 3 1
                                    

"Oh! Saan ka pupunta? Iiwan mo 'ko dito?" tanong ko.

"Oo, dito ka muna. Kailangan kong magmasid sa kaharian ng Datu. Dito ka lang. Hindi ko maaatim na may mangyaring masama sa'yo, Jameela." sagot niya.

"May tanong pala ako. Bakit Malik ang pangalan mo samantang ang sabi ni Abie sa'kin Ali Ersad ang pangalan mo?" tanong ko ulit.

Nakakalito naman ng pangalan niya.

"Ali Ersad Malik Usman ang complete name ko." sagot niya.

"Haba naman," reklamo ko.

"Tsaka pa'no mo pala nalaman na Malik ang tawag sa'kin samantalang Ali Ersad ang sinabi ng Abie mo sa'yo?" tanong niya.

Nalaman ko lang naman 'yun kasi inistalk siya ni Ayesha habang nasa sasakyan kami kanina. Tapos sa Ateneo de Davao pa raw nagtapos. Yayamanin.

"Uhm, basta!" wala akong ma-sagot.

"You stalked me?" tanong niya.

"Hindi ako. Si Ayesha. Baka siya pa nga ang may gusto sa'yo. Court her if we cameback. I'll be your bridge to her." I winked at him.

"Siya, aalis na ako." inirapan niya ang sinabi ko.

"Wag mo kong iwan dito? Warfreak 'yung si Asnaira diba? Baka anong gawin no'n sa'kin." pag-mamakaawa ko.

"Look. She can't touch you or anything. Ako ang bahala sa'yo." paninigurado nito.

"Basta umuwi ka agad ha?! Mag-iingat ka, gusto ko pang umuwi at maging abogada."

"Pangako." sabi nito at pinalabas na naman kanyang dalawang dimple sa kanyang mga ngiti.

Umalis na siya at ako naman ay may konting pag-aaalala. Pa'no ba naman e may warfreak dito!

Lumabas ako para makapaghan ng CR kasi ihing ihi na ako pero...

"Saang ka patutungo, Binibini?" tanong sa'kin ni Asnaira.

"May CR ba kayo dito este... Palikuran? Ihing-ihi na ako." tanong ko.

"Mamatay ka man sa ganyan. Wala na ako do'n." sagot nito.

"Asnaira!" dinig namin na saway ng babo ni Malik.

"Dumiretso ka na lamang d'yan at makikita mo na ang aming palikuran." sagot nito.

Dumiretso ako sa daang kanyang sinabi at nakita ko nga ang kanilang palikuran. Malinis nga ito at kagaya ng mga napupuntahan kong ancestral house. Ganito rin dati ang CR namin sa bahay namin ngunit ito'y na-renovate na.

Umihi ako at pagkatapos ay naghugas lang ng kamay bago lumabas.

Nakasalubong ko si Asnaira at, "Saan ka ba nakilala ni Malik?" tanong niya.

"Wala ka na doon." I sarcastically answered.

"Huwag mo akong kausapin ng ganyan. Nakikitira ka lang dito. Matuto kang lumugar."

"Matuto ka ring lumugar. 'Wag kang makiapid. Haram 'yan, kailangan niyo munang dumaan sa Nikkah!" sagot ko bago ako umalis at nagtungo sa aking kwarto.

(Nikkah: Wedding)

Nagkulong ako sa kwarto ni Malik at pinadalhan na lang ako ng babo ni Malik ng pagkain dahil ito raw ay itos ni Malik. Nag-salah na rin ako sa bawat tamang oras dahil naririnig naman ang adhān. Tsaka lamang ako lumalabas ay kapag nag-aablution ako

(Salah-prayer and Ablution-perfoming cleaning or washing before salah.)

Tapos na ang Esa praying pero wala pa rin akong nakikitang Malik. Paano kung nahuli siya? Paano ako makakabalik sa 21st century?

Lighten the Darkest Past (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon