Kabanata 6: Ang pagkikita

7 1 0
                                    

Nagsimula nang manungkulan si Malik kay Datu Alimasig. Hindi na niya ako pinapasama sa kanyang mga lakad at mas lalo lang akong nag-aalala. I know that it's not good to just stay here pero paano kung magiging sagambal lang ako sa kanya.

"Alhamdulillah, nakauwi ka na rin." sabi ko nang siya'y makita na nagkakape.

"Nais kong ika'y sumama sa akin bukas. Hanapin mo kung saan nila itinatago ang sinaunang Malik at Jameela." utos niya.

I nodded. Halata sa akin ang kaba at takot.

Pinasama niya nga ako sa pagpunta niya sa kuta ni Datu Alimasig. Pagdating pa lang namin doon ay nakatingin na sa akin si Alimasig na para bang nasurpresa siya na narito ako.

"Assalamu Allaikom." pagbati namin ni Malik.

"Wa Allaykum Salam. Narito pala ang napakarikit na ginang." bati nito pabalik. "May balita ka na ba sa aking ipinag-uutos?"

Napatingin ako kay Malik. Anong utos ito? Wala naman siyang sinabi sa'kin a.

"Wala pa. Ngunit asahan mong may maiibabalita rin ako sa'yo, Datu Alimasig." matikas na sagot ni Malik.

"Mabuti! Tayo muna ay mag-usap ng tayo dalawa lamang." sabi nito.

Nagkatinginan kami ni Malik at siya'y tumango. A sign that I need to do what I need to do.

Habang nasa meeting sila. I started the walking towards any houses. May mga tao sa bawat kubo. Halata sa kanila ang hirap ng buhay at ang pagiging malupit na rin ng kanilang Datu. Nagulat ako nang ako'y makarinig ng isang hagulgol at ungol na para bang tumatawag ng tulong at nasa ilalim ng sakit.

May mga bantay na mga tauhan ng Datu ang kubo. Alam na alam ko na kung anong meron doon. Naghanap ako ng paraan upang makapasok sa kubo.

Naisipan kong maghanap ng puno ng mga prutas at nang makahanap ay nanguha ako doon bago bumalik sa kubo daladala ang mga prutas.

Nakangiting akong lumapit sa mga gwardya.

"Assalamu Allaikom." pagbati ko.

"Wa Allaykum Salam, Bai. Anong iyong nais at ika'y naparito?" tanong ng isa sa nagbabantay.

"Napag-utusan kasi akong ibigay sa mga bihag itong mga prutas." sagot ko.

Nagkatinginan sila. "Sino ang nag-utos sa'yo? Isa ka bang alipin?"

Duh? I'm pretty sure that I'm loyal blood. Alipin? Nakakasuka.

Argh! Jameela, mag-isip-isip ka nga. You need to pretend as Alipin.

"Ang Datu Alimasig ang nag-utos sa akin at oo, isa akong Alipin. Ako si Sarina." sagot ko.

The best actress na ba ako nito? Argh! Looks so pretty sa awards of the night.

Halata naman sa mukha nilang napapayag ko sila. Binuksan nila ang pintuan at bumungad sa akin si Jameela at ang asawa nitong si Malik.

Magkamukha nga kami gaya ng sabi ni Malik pero himala at hindi ako namukhaaan ng mga gwardya.

Hinawakan ko si Jameela upang siya'y gisingin.

"Gising po," aniko.

"S-sino k-ka? S-sawa n-na a-ako." hagulgol nito.

Halata sa mukha nito ang takot. Pumatak ang mga luha ko. Hindi ko akalain na makikita ko ang kapatid ng great great great grandmother ko ng ganito. Pinapahirapan ng isang Datung sakim.

"Huwag ka pong matakot." I tried to comfort her.

Ramdam kong nagising naman si Datu Malik. Napangiti ako. Iisang kubo lang silang kinulong kahit na patuloy pa rin silang pinahihirapan.

"Datu Malik, assalamu allaikom." pagbati ko. "Maaring kilala niyo na ang isa sa apo niyo na kapareha niyo ng pangalan. Kasama ko siya ngayon."

"N-nandito na ba kayo upang iligtas kami?" his voice was shaking.

"Maaaring ngayo'y hindi pa. Mahirap po kasi dahil sa dami ng tauhan ni Datu Alimasig ngunit ipapangako ko pong ililigtas namin kayo dito." sagot ko.

"Ikaw ba si Jameela?" tanong nito.

"Opo," I smiled.

Tanging lampara lamang na dala ko ang nagsisilbing ilaw namin.

"Ikaw nga ang isa rin sa apo ko." natawa pa ng konti si Bai Jameela kahit na hirap ito.

"Nagdala po ako ng mga pagkain." sabi ko at binigyan sila bawat isa ng saging.

Kumain silang dalawa at tila ba ay nakabawi ng lakas. Hindi ko alam kung nakita na ba nila si Malik at hindi ko rin alam kung bakit kilala nila ako pero masaya ako nang sila'y nakita ngunit kalahati nito ay lungkot dahil sa nakikita.

"Sige po, aalis na po ako." paalam ko. "Assalamu Allaikom."

"Mag-iingat ka!" paalala ni Bai Jameela.

Umalis na ako doon at kunwaring naglalakadlakad muli hanggang sa...

"Hindi ka isang alipin. Isa kang Bai. Sumama ka sa amin." sabi ng isang kawal.

I prepared myself to fight. Alam kong kailangan ko ito para makatakas ako sa kanila. Napatumba ko ang isa. I kicked him in his reproductive part and one is in his backhead.

Lima lang naman sila. So, I really did my best para matumba silang lahat before I went in our carousel.

"Anong nangyari, Bai Jameela?" tanong ni Alinor. Isa sa mga tauhan ni Malik.

"Napalaban ako. Kailangan ko ng umuwi. Pakisabi na lamang kay Malik na nauna na ako." sagot ko at sumenyas sa nagmamaneho na paandarin na Ang karwahe.

Dumating ako sa bahay ng ligtas at buo pa ang katawan pero bakas sa akin ang pagod. I'm like a kid who just attend her martial arts lesson.

Dumating si Malik at halatang nag-aalala.

"What happened?" bungad niya. Hindi man lang ako binati.

"Napalaban lang," mayabang na sagot ko.

"You got me worried." he shooked his head.

Napamewang ako. "Okay lang naman ako. OA mo naman."

"Bukas na bukas, tuturuan na kitang humawak ng sandata. Pinag-aalala mo ako." sabi niya.

Napatago ako ng ngiti. Nag-alala nga siya. Why I feel so special right now? Minsan lang naman kasi sigurong may mag-alala sa akin.

Kinabukasan. Tinuruan na nga niya akong humawak ng espada.

"It's too heavy," reklamo ko.

"Manahimik ka!" suway niya.

Pagkatapos niyang ituro sa'kin ang mga basic moves ay naisipan muna niyang magpahinga.

Naisipan kong paglaruan ang espada hanggang sa natalisod ako at ang ulo ng espada ay nakatutok sa mukha ko.

Naramdaman ko na lamang na may sumalo sa akin sabay kuha sa espada. Nakita kong si Malik 'yun at napahinga naman ako.

"Ang kulit mo, Jammie. Pwede ba? Hindi ko alam ang gagawin ko 'pag nasaktan ka. Habang buhay na pagsisihan ko 'yun." galit na sabi niya.

I pouted. "Sorry na. Ito naman kasi. Ang bigat. Nagpa-practice lang naman ako."

"Don't be stubborn." seryosong sabi niya at bumalik sa inuupan niya habang nakamasid pa rin sa akin.

Lighten the Darkest Past (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon