"Guys, even if we're partying later. Don't forget to pray," I reminded them and they nodded.
Nag-pray na rin kasi ako and sila, hindi ko alam kung nag-pray na ba. Ang alam ko lang ay humiram si Malik sa'kin ng prayer mat pero ito kasing dalawa ay sanay naman dito kaya hindi ko alam kung tapos na ba sila.
Kinain na namin pizza na binili namin and for dinner ay nagpaluto na lang kami sa chef dito sa building. Nagpapamusic pa rin sila, tumitigil lang kapag prayer time.
We're done eating dinner and it's now eight in the evening. Tapos na rin kaming mag-pray ng last prayer namin in the evening. Naisipan na naman nilang mag-ice cream and some fast foods kaya lumabas si Kuya Drifie para bumili, hindi na rin kasi pwedeng mag-order sa Foodpanda dahil gabi na.
Pagbalik ni Kuya Drifie ay kasama na niya si Ayesha. Hindi ko alam kung nagmamayabang ba itong si Kuya Drifie na kaya niyang sunduin si Ayesha sa bahay nila dahil kanina pa niya iniinis si Kuya Franz.
"Yesha, I just found out that you have a relationship with my brother," I said.
Kinurot ni Ayesha ang pisngi ko. "Hinaharot kasi ako ng kuya mo, parang dati kuya Drifie lang ang tawag ko d'yan e," sagot niya.
Hawak hawak ko pa rin ang cellphone ko kahit kinakausap ko si Ayesha. Pascroll scroll lang sa Facebook. Biglang may nag-text sa akin at tinignan ko ito agad.
Malik:
Kanina pa itong dalawa nagkakainisan and now Drifie dared Franz to introduce his girl.
Natawa ako sa message ni Malik. Talagang hindi siya sanay na may nag-aasaran sa harap niya. Lumapit ako sa tabi niya para hindi rin siya maboring.
"Naiinip ka ba?" I asked.
He smiled. "I'm fine. Nakakasabay naman ako," he replied.
Talagang nag-iinisan nga itong dalawa. Hindi ko alam kung ba't parang galit na si Kuya Franz kay Kuya Drifie pero halatang nagtitimpi naman ito.
"Wala ka lang talagang babae, Kuya! Aminin mo, walang nagkakagusto sa'yo because you look so serious. Babae ang natatakot sa'yo!" Kuya Drifie's said.
Halata ang inis sa kay Kuya Franz. He's still eating his burger habang kumakain din sa kanyang ice cream.
"I already have a girlfriend," biglang sabi ni kuya Franz.
Ramdam ko ang bigat sa kanya nang kanyang sabihin 'yun. Bawal rin kasi talaga sa amin ang haram relationship kaya sa oras na malaman ng parents namin na itong si Yesha and Kuya Drifie are dating, for sure mapag-uusapan agad kung paano sila magiging halal.
"Bakit hindi mo pakasalan? If you truly love that person, aalokin mo ng kasal." Kuya Drifie said.
"Kuya Drifie, there's someone na pinakilala sa'kin ni Kuya Franz. Nga lang, I never met that person." I said.
Kita ko ang gulat sa mukha ni Kuya Drifie. Hindi ba talaga niya ito, alam?
"Sorry, Fer..." biglang sabi ni Kuya Franz. "... Pero kaibigan ko lang 'yung pinakilala ko sa'yo. She's rich kaya ko pinakita ang picture niya sa'yo. Nanghiram rin kasi siya ng phone ko kaya nagpapicture and ayun ang nakita mo. I am not introducing any girls because my girlfriend is still studying and she's not rich."
Nagulat ako sa sinabi ni Kuya. Yes, sa picture ko nga lang nakita ang babaeng 'yun na kaibigan niya pala. I know that she's rich kasi sa last name pa lang ay alam na alam ko na.
"I am not introducing her to you guys kasi... Hindi sa kinakahiya ko siya pero alam kong hindi siya matatanggap ni Umie at Abie."
Hindi ko alam kung gaano kahirap ito para kay Kuya Franz. Alam kong pinipressure siya ng parents namin lagi unlike me and Kuya Drifie. Siya ang panganay kaya dapat hindi siya makakadisappoint. Naawa rin ako sa kanya dahil lagi na lang siya pinagagalitan without further reasons na kahit konting galaw n'ya ay papagalitan na siya simula noong mga bata pa kami.
BINABASA MO ANG
Lighten the Darkest Past (Ongoing)
Historical FictionJameela Ferdaus, isang simpleng dalaga na nakatira sa Maguindanao. Sa kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral ay naglayas siya nang magpasya ang kaniyang ama na siya'y ikasal. Sa hindi malamang pagkakataon habang ibinubuhos niya ang mga luhang nag-uun...