A stressful day when I arrived at Notre Dame University. Sinalubong ako ng guard ng ngiti. I know it na! Good mood s'ya ngayon kaya hindi na naman s'ya galit like usual days.
Sinalubong agad ako ni Ayesha at niyakap n'ya ako. "Okay ka lang?" she asked. Looks so concerned.
I smiled. "Yes, okay lang ako."
"Alam kong tumakas kasi hindi mo gusto si Malik pero ano itong naririnig ko na tutuloy ka? Anong nangyari?" she asked.
Mamaya pa naman ang klase namin kaya inaya ko siyang mag-coffee shop muna. The coffee shop is just inside of the campus. Nag-order ako ng fries tsaka Milktea lang. Coffee shop kasi ang tawag nila dito samantalang nasa UMEX or University Marketing Expo ang kape. Milktea, Milkshake, Ice Teas, and some fast foods lang ang nandito. Malapit rin kasi sa building kaya dito ko na rin s'ya inaya.
Kinuwento ko sa kanya ang lahat at gulat na gulat s'ya na napunta kami sa past at kinasal pa kami in the middle of the mission.
"So, the mission is done na ba? You're free now?" she asked. "... And shocks! You're married!" she giggled.
Tapos na nga ba talaga?
"Shut up, Ayesha! Baka may makarinig sa'yo!"
Hindi pa rin s'ya makapaniwala sa mga nangyari hanggang sa natapos na rin ang morning class namin. Wala na kaming schedule for after and we can just use this to gala together or make our tasks together.
"Tara Mcdo! Libre ko!" she giggled. "Wala man lang kasi ako sa kasal ng best friend ko."
Pinalo ko ng pabiro ang braso n'ya. "Gaga ka! Tara na nga!" I said.
Hindi ako nagdala ng sasakyan kasi nag-commute lang ako. Hindi pa kasi naibabalik ni Malik sa'kin ang sasakyan ko.
Sa gitna ng paglalakad namin ni Ayesha ay biglang nag-ring ang cellphone. Tinignan ko naman ito agad pero unknown number. I'm not entertaining those numbers na hindi naka saved sa phone because of circumstances. Need muna nito mag-text noh?!
"Who's that?" Ayesha asked.
"I don't know," I replied.
Tumigil naman ito sa kakatawag at bigla itong nag-text.
Unknown number:
Where are you? I'm near the Cariño Building. Your husband is here.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa message n'ya. Uminit bigla ang pisngi ko and I know na hindi ko na maitatago ang pamumula nito.
"Hey, who's that ba?" Ayesha asked. Galit na.
"Ayesha, mag-lunch ka na lang mag-isa sa Mcdo. Nandito na ang sundo ko." I said.
Humiyaw si Ayesha at lumapit sa'kin. Niyugyog ako at hinila.
"Nasa'n ba s'ya?" Ayesha asked.
"Near at Cariño Building," I replied.
Hinila ako ni Ayesha papunta roon. Medyo malayo rin pero kaya namang lakarin.
Nakita namin agad si Malik. Nakatayo s'ya and he really likes finding someone. Kita ko ang paninitig sa kanya ng mga students. Even those Senior High Schools are looking at him. Dito rin kasi sa Cariño Building nagkaklase ang mga Senior High School–Science, Technology, Engineering and Mathematics Strand. Looks like they found an Engineer who will they crush huh?!
"You know, girl? He's an Engineer. Co-engineer n'ya 'yung Tito ko sa malapit na pinapagawang mall. He looks hot." dinig kong sabi no'ng estudyante.
"Kaya ka ba nag-STEM e dahil d'yan?" the girl asked her friend.
![](https://img.wattpad.com/cover/282404491-288-k520114.jpg)
BINABASA MO ANG
Lighten the Darkest Past (Ongoing)
Ficção HistóricaJameela Ferdaus, isang simpleng dalaga na nakatira sa Maguindanao. Sa kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral ay naglayas siya nang magpasya ang kaniyang ama na siya'y ikasal. Sa hindi malamang pagkakataon habang ibinubuhos niya ang mga luhang nag-uun...