We heard an Adhān (call of prayer) at 'yun lang ang nakapag-pahiwalay sa amin. It's now three in the afternoon. Nag-ablution na ako at pumunta sa prayer room namin at wala akong nadatnan na isang Malik. Nag-salah na lamang ako nang mag-isa at hindi na nag-atubli siyang hintayin pa.
Pagkatapos kong mag-salah ay agad ko siyang nakitang papasok pa lamang halatang kakatapos lang mag-ablution.
"Bakit hindi mo ako hinintay?" tanong niya.
Yumuko ako. "I thought you will going to pray in the mosque." I responded.
Umalis agad siya pagkatapos kong sumagot. Alam na alam ko na kung saan siya pumunta nang hindi ko na siya nakita pagkababa ko.
"Kumain ka muna, Bai Jameela." alok ni Farah sa akin pagkatapos niyang ilagay ang bananaque sa lamesa.
Ngumiti ako sa kanya. Napakasipag talaga niyang bata.
"Sukran," pasasalamat ko.
"Afwan, Bai." sagot nito bago umalis.
Naglapag din ng tubig si Farah bago ito tuluyan na ring umalis. Ako naman ay nagsimula nang kumain. Habang ako'y kumakain ay nakatitig lamang ako sa kawalan. Hindi ko rin alam kung ano man ang tumatakbo sa aking isipan.
Hindi na rin bumalik pa si Malik kahit na dumaan pa ang dalawang waktu (prayers) sa gabi. Kumain at natulog na lang din ako at hindi na siya hinintay pa. Hindi ko alam kung saan siya nagpupunta sa ngayon ngunit alam ko na ito'y pagpaplano sa kung ano mang mangyayari.
Kinabukasan nang marinig ko na Adhān para sa Subūh prayer ay nag-salah na din agad ako bago ako naligo. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na agad ako upang tumulong sa mga gawain.
"Assalamu Allaikom, Bai!" bati ni Aminah sa akin.
Ngumiti ako. "Wa Allaykum Salam, da naw melay si Datu Malik?" tanong ko.
Translation: Wa Allaykum, hindi niyo po ba napansin si Datu Malik?
Aminah shook her head. "Dala nami melay sekanin iganat sa kagay sa malulëm, Bai." sagot ni Aminah.
Translation: Hindi po namin siya nakita simula kahapon, Bai.
Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Aminah. Hindi naman ganito si Malik kaya nakapagtataka lamang na ngayo'y wala nang nakakita sa kanya simula kahapon.
Lumabas agad ako at nagtanong-tanong sa kanya mga kasamahan.
"Napansin niyo po ba si Datu Malik?" tanong ko.
Nagsitinginan sa bawat isa ang mga tauhan nito at mukhang hindi talaga nila alam kung nasaan.
"Bai Jameela, simula kahapon ay wala nang nakakita sa Datu Malik." sagot ng isa sa kanila.
Mas nag-alala na ako nang tuluyan nang ito'y kanilang sinabi sa akin.
"Humayo kayo sa tahanan ng ama ni Datu Malik at balitaan niyo na lamang ako kung siya'y naroroon at kung wala man ay tayo na't sumalakay sa banwa ni Datu Alimasig." pag-uutos ko.
Ang iba sa mga tauhan ni Malik ay pumunta na sa tahanan ng kanyang ama ngunit ni isa ay wala pang nakakabalik.
"Farah, samahan mo ako sa tahanan ng ama ng Datu Malik." pag-aya ko kay Farah.
Pumayag naman ito.
Halos lahat ng mga tauhan ni Malik na narito ay halos handa sa kung ano pang mga bagay na maaaring mangyari. Ipinahanda ko ang karwahe upang may masakyan kami.
BINABASA MO ANG
Lighten the Darkest Past (Ongoing)
Ficción históricaJameela Ferdaus, isang simpleng dalaga na nakatira sa Maguindanao. Sa kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral ay naglayas siya nang magpasya ang kaniyang ama na siya'y ikasal. Sa hindi malamang pagkakataon habang ibinubuhos niya ang mga luhang nag-uun...