Kabanata 3: Datu Alimasig

19 1 0
                                    

"Assalamu Allaikom!" pagbati ni Malik nang kami ay dumating sa bahay raw nila.

"Wa Allaykum Salam!" pagbati rin ng kanyang ama. Lolo pa niya actually.
"Nandito na po kami, Ama."

"Kasama mo ba ang iyong asawa?" tanong ng ama ni Malik.

"Opo," sagot ni Malik.

Pinaupo kami ng kanyang ama at nagtawag ng katulong o alipin, kung ano mang tawag nila doon upang kami ay kuhanan ng maiinom.

"Kumusta, Jameela?" tanong ng kanyang ama.

Tumingin sa akin si Malik at ngumiti upang hindi ako kabahan.

"Alhamdulillah, okay naman po!" sagot ko at kumunot ang noo ng kanyang ama.
Oh! Wait, may nasabi ba ako?

"Okay?" balik na tanong ng kanyang ama.

"Uhm, ang ibigsabihin po ng aking asawa ay mabuti naman po siya.
Pagpasensiyahan niyo na po, Ama. Napapadalas ang pagbabasa niya ng aklat. Minsan ay siya'y bumibili pa ng may mga salitang Ingles." sagot ni Malik at nakahinga naman ako ng maluwag.

"Narito na po ang inyong inomin." sabi ng kanilang alipin at ibinaba ang juice na kanilang ginawa. Sa tingin ko ay pure orang juice ito. Organic na organic talaga sa panahon na ito.

Kinuha ko agad ang juice at ininom ito. Gusto kong i-kalma ang aking sarili dahil kinakabahan talaga ako.

"Nagsimula na namang magpahirap sa mga taong bayan si Datu Alimasig." biglang sambit ng kanyang ama.

"Ano na naman po ba ang kanyang binigay na suliranin sa mga tao, Ama?" tanong ni Malik.

Mukhang sila ay seryoso at ako naman ay tahimik lamang na nakikinig. Ito na nga siguro ang sinasabi ni Malik na aming misyon.

"Pinabibigay niya ng hindi makatarungang buwis ang mga tao bukod pa doon ay kinukuha ang mga kababaihan. Mapa bata man o nasa tamang edad na. Kahit may asawa pa." sagot ng kanyang ama. "Siya ay nagpadala din ng sulat sa akin sapagkat nais niya raw akong bisitahin ngayong araw." dagdag pa nito.

Tumingin sa akin si Malik na para bang sinasabi nito na ako'y maghanda sa una naming pagkikita ng Datu.

"Datu, narito na po ang Datu Alimasig." sabi ng alipin.

"Papasokin mo ito!" utos ng ama ni Malik.

Dinig ko na ang mga yapak ng Datu. Ito ay mabagsik at napapawari na walang sino mang pwedeng magpatumba sa kanya.

"Assalamu Allaikom, Datu Minakir." pagbati niya sa ama ni Malik.
"Wa Allaykum Salam!" balik na pagbati rin ng ama ni Malik.

"Narito pala ang iyong bunsong anak na si Malik at ang kanyang nobya?" sarkastikong tanong niya.

"Si Jameela, ang aking asawa." sagot ni Malik.

"Uh-huh! Nakababatang Datu. Kay rikit ng iyong asawa." sabi pa nito at tinignan ako mula ulo hanggang paa para bang tinatansiya ang aking sukat.

Nagtago ako sa likod ni Malik. Takot na baka ako ang kanyang kunin at gawin niyang asawa.

"Ito ay aking asawa at walang sino mang makakuha." sagot ni Malik na nagpalaki sa aking mga mata.

Walang makakuha? He's saying na, na sakanya lang ako? Duh! I'm going to marry someone else after this.
Tumawa ng sarkastiko si Datu Alimasig at, "Ang rikit ng iyong asawa ay hindi maaaring sa'yo lamang. Pinagkaloob ito ng Allah kaya ito ay para sa kanya lamang."

"Tayo ay pumunta na sa hapag kaininan upang tayo ay makakain na." singit ng ama ni Malik.

Hinawakan ni Malik ang aking kamay papunta sa kanilang hapag habang si Datu Alimasig ay nakatingin pa rin sa akin.

Lighten the Darkest Past (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon