Kabanata 5: Dahas na pag-anyaya

9 1 0
                                    

"May dumating sa akin na sulat, Jameela!" biglang sabi ni Malik na napag-gulantang sa akin.

"Ano 'yun?" tanong ko.

"Nabanggit ko sa aking ama na tayo'y pupunta sa Maynila sapagkat gusto mong mamasyal at may kikitain akong kaibigan doon at ngayo'g nagpadala siya ng sulat. May binabalak na masama si Datu Alimasig. Binabalak niya tayong dakpin."

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nalaman. Nasa panganib pala talaga ang buhay namin.

"Palihim tayong sinusubaybayan ni Datu Alimasig. Hindi ko alam kung bakit. Baka napag-alaman na niya na mula tayo sa kasalukuyang panahon."

"Anong gagawin natin?" nag-aalalang tanong ko. "Ayoko pang mamatay." dagdag ko.

"Hindi ka mamamatay. Pinapangako ko 'yan."

Pagkatapos ng mga sandaling iyon ay may narinig kaming mga sumabog sa labas ng aming tahanan. What's happening? I never been in like this.

May isang lalaking pumasok at may dalang malaking espada.

Tumakbo agad ako sa likod ni Malik dahil sa takot.

"Datu Malik, kaibigan. Ika'y pinapahanap ng aming Datu na si Datu Alimasig. Pagpasensiyahan mo na sapagkat ang aking pangkat ay napalaban sa iyong mga kawal." anang ng lalaki.

Hindi ko alam na may mga tao pala sa labas na bantay nitong si Malik. Baka ito'y galing sa kanyang ama. For our safety?

"Ngunit bakit kinakailangan mo pang makipaglaban sa aking mga kawal? May mahalaga bang balita ang iyong Datu?" tanong ni Malik.

"'Yan ang hindi ko maaaring sabihin sa ngayon ngunit kung ika'y sasama sa amin ay ito'y mas magiging mabuti." sagot ng lalaki.

"Bakit hindi ang aking ama ang inyong imbitahan? Ako'y isang hamak lamang at wala pang masayadong nalalaman sa mga bagay-bagay." sagot naman ni Malik.

Biglang may humila sa akin at tinuktok sa aking leeg ang kanyang espada.

"Malik!" napasigaw ako.

"Ito'y isang imbitasyon lamang, aking kaibigan. Ito ba ay iyong pauunlakan o sa rikit ng iyong kabiyak ay baka mahulog pa dito ang aking Datu." natatawang sabi ng lalaki.

"Ito'y iyong aking pauunlakan." sagot ni Malik at binitawan na ako ng lalaki.

Hinila naman agad ako ni Malik at kami ay sumama na sa kanila.

Takot na takot ako ngunit ang tanging nasa isip ko lamang ay nandito pa naman si Malik. Atat na atat na akong bumalik sa kasalukuyan dahil sa takot at panganib na nag-aabang sa amin dito.

Dumating kami sa kampo ng Datu at dinala kami ng kanyang mga kawal sa kanyang kubo.

"Assalamu Allaikom!" bati ni Malik.

"Wa Allaykum Salam, narito na din kayo." natatawang sagot ni Datu Alimasig.

Hindi ko alam ngunit sa bawat tawa at tingin niya sa akin ay tumataas ang balahibo ko.

"Inimbitahan ko kayo dito sa aking kampo sapagkat may dapat tayong pag-usapan." ani Datu Alimasig.

"Ano iyon?" tanong naman ni Malik.

Sa bawat segundo ay para bang hinahagot ang aking paghinga sa takot.

"Nais kong ika'y makuha dito sa aking kampo." sabi nito.

Nagkatinginan kami ni Malik dahil sa sinabi nito.

"Makuha?" kunot noong tanong ni Malik.

"Oo at nais kong ipakita mo sa akin ang iyong katapatan."

Is he's playing a trick? Kakasa ba dito si Malik?

"Ano ang maaari kong gawin at ano ang mga kapalit kung ito'y aking hindi tatangapin?" tanong ni Malik.

"Ikaw ay magiging aking mapagkakatiwalaan. Ang iyong mga tao ay aking magiging tao din. Makakuha ka sa akin ng lakas at hindi sa iyong ama."

Sa bawat salita niya ay alam na alam ko na, na ito'y patibong. Alam na alam ko na ang kahihitnatnan nito.

"... At ang magiging kapalit nito kung ito'y hindi mo tatanggapin ay..." sumulyap siya sa akin. "... Ay ang iyong kabiyak." dagdag niya.

Ang takot at kaba sa aking katawan ay mas lumala pa. No, way! He raped one of our family. I don't want to give myself in him. Isa iyong kabaliwan at iisa lang ang masisi ko sa lahat at ito'y si Malik ngunit paano naman ang aming misyon?

"Tinatanggap ko ang iyong imbitasyon." sagot ni Malik nang buong tapang.

Hinawakan ko ang braso niya at ngumiti siya sa akin.

"Talagang mahal mo nga ang iyong kabiyak." tumawa nang malakas si Datu Alimasig.

"Hindi ko hahayaang iyong makuha ang babaeng ito. Higit pa sa ginto ang kanyang dignidad kaya't dapat ko itong pakaingatan." sagot naman ni Malik.

Napangiti ako doon ngunit naisip ko naman ang relationship niya with his father. Ano kaya ang kakahantungan ng lahat ng ito? Planado na kaya lahat ni Malik ito o sadyang ginagawa niya ito upang ako'y maproteksiyonan.

Hinatid kami ng mga tauhan ni Datu Alimasig sa aming tahanan. I'm just silent the whole ride hanggang sa makarating kami ng bahay. Hindi ko din alam kung anong gagawin.

Nang marinig ko ang adhan (calling prayer) ay nag-dasal na agad ako. Kailangan kong ipagdasal na sana lahat ng mangyayari ay magiging maganda. Na sana ay walang mangyari sa aming masama.

Lumabas ako ng aking kwarto pagkatapos kong mag-dasal at dumiretso sa sala kung nasaan si Malik. Umupo ako sa kanyang tapat.

"Salamat sa naging desisyon mo pero pa'no ba kayo ng ama mo?" tanong ko. "Sorry because I'm always you thinking. Sorry because I can't fight back myself if something will happen to me." I added.

He sighed. "Don't say thanks and sorry. This is all in my plan."

"Why are you always there to protect me? Dahil ba napasama ako sa'yo? Dahil ba nakokonsensiya ka? It's not your duty to do this. May consiquences ba ang mission natin? Na kapag ba namatay ako hindi ka na makakabalik sa kasalukuyan?—" he stopped me by covering my mouth.

"Hindi ka mamamatay. Walang mamamatay. Walang mangyayaring masama. Makakabalik tayo sa kasalukuyan." sabi nito.

Bumagsak ang mga luha ko at pinunasan niya ito. "Miss na miss ko na si Ayesha, ang mga magulang ko. Miss ko ng mag-aral."

"Makakabalik tayo kaya 'wag ka nang umiyak. Inshallah, makikita din natin sila. Magagawa mo din ang lahat." sagot nito at patuloy akong inalo.

Hindi ko alam kung bakit ko naiilabas ito?

"Kung hindi kaya ako tumakas siguro okay pa ngayon. Oo, makakasal pa rin tayo but in good terms agad. I'm still gonna study kahit married, diba?" tanong ko.

"Lahat ng ito'y nakatadhana. Sadyang napaaga lamang at napaaga din ang ating pagkikita." sagot niya.

"So, what do you mean? You're expecting to meet me?" I raised a brows.

"I'm expecting to meet the girl for me. I'm not expecting you because I don't even know you." he chuckled.

Ouch! Ang sakit huh?! He's not expecting me pala. Why? I am not pretty.

"Why aren't you expecting me?" I asked.

"I thought my father will choose a girl who's not like you. Napaka arte mo kasi and conyo. Gulat nga ako dahil parang straight na 'yung Tagalog mo e." sagot niya.

"Oh! What? So, are you saying na natuto na akong mag-tagalog ng straight? I really don't want this. Gusto ko conyo kasi it's really good lalo na I'm future lawyer."

"Sa lahat ng kaibigan kong lawyer. Ikaw lang ang maarte." natatawa niyang sagot.

"I am not your friend." I rolled my eyes.

"So, what? Fiance?" tanong niya na nagpagulat sa akin...

Lighten the Darkest Past (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon