"Yuri, anak. Saan kaba nagpuntang bata ka? Alam mo bang alalang-alala kami sayo ng daddy mo? Ni hindi kaman lang nagabalang tumawag sa amin."
"Ma, ayos lang po ako. Tsaka ayokong pati kayo madamay sa away namin ni Orpheus." Inabot niya ang kamay ko at marahan itong pinisil.
Isang linggo narin ang lumipas magmula ang pangyayarng iyon sa bahay. Labag man sa loob ni Orpheus pero itinuro niya ang daan pauwi sa bahay ni Rap. Sinundan ko ang kotse niya gamit ang sa akin. At nang makarating ako doon ay basta nalang niya pinaharurot ang kanyang sasakyan.
Ni tawag o kahit text man lang ay wala akong natanggap mula sa kanya. Mukhang dumating na siya sa puntong sumusuko na siya.
"Anak, may pagasa pa bang magkabalikan kayo ng asawa mo? Matagal na din ang pinagsamahan niyo." Ngiti na lang ang isinagot ko kay mama. May pagasa pa nga ba? Siya mismo ay sumusuko na. At magpahanga ngayon ay hindi ko pa mahanap sa puso ko na mapatawad siya at tanggapin nalang lahat ng nangyari, maaaring nabawasan ang sakit. Pero ang sugat ay hindi pa tuluyang naghihilom.
"Alin ang mas bagay sa akin?" Tanong ni mama sa akin tsaka itinaas ang dalawang damit na hawak niya. Nandito kami ngayon sa loob ng isang clothing store sa loob ng mall.
"Iyon pong kulay pula ma." Tsaka ko siya nginitian.
"Sige magtingin-tingin ka din ng sa iyo anak." Tumango nalang ako tsaka nagumpisang maghanap. Napadpad ako sa mga maternity dress. Kung sana. Napukaw ng atensyon ko ang isang kulay cream na damit na kaagad kong nilapitan pero naunahan akon ng hawakan ng isa pang babae na buntis. Bilog na bilog ang tiyan niya.
Nung humarap siya ay laking gulat ko ng makilala ko ang mukha niya. Sino ba namang makakalimot sa kanya?
----
Ang tagal na pala mula nung huling update. Sorry po kung ngayon lang sobrang busy po kasi sa school, pero dahil malapit na ang bakasyon. Susubukan kong magupdate madalas. Sa totoo lang nawala ako sa mga kwento. So magba-back pa ako niyan. Anyway Congrats sa lahat!