Chapter 11

38 1 0
                                    

Nandito na ako ngayon sa loob ng sasakyan ni Orpheus, wala akong nagawa kanina, ni hindi ko nagawang daluhan si Gab mula sa pagkakabagsak. Dahil basta-basta nalang ako hinila ni Orpheus at napakahigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko, sinabihan ko na nga siya ng nasasaktan ako pero hindi man lang niya ako pinansin patuloy niya parin ako hinatak hanggang makarating kami sa sasakyan niya. Binalaan niya pa ako na huwag subukang bumaba, nanlilisik ang kanyang mga mata ng sabihin niya iyon at ako namang si tanga ay napasunod niya. Ni hindi ko nagawang gumalaw sa kinauupuan ko dahil sa takot at kaba na namuo sa dibdib ko na hatid ng mga tingin niya, ilang sandali lang ay nakaupo na siya driver seat.

Agad niyang pinasibad ang kotse at hindi manlang nagtangkang kausapin ako, at magpahanga ngayon ay makikita mo pa rin ang galit sa kanyang mga mata. Nakakunot pa ang noo niya. Samantalang hindi ko mahanap ang salita sa utak at bibig ko. Sobrang gulo ng utak ko, naghalo ang galit, pagkainis, gulat maging ang takot at kaba.

Hindi ko mahanap ang tamang salita, hindi ko alam kung anong dapat kong unahin ang magsisigaw at magalit sa kanya, ang takot at kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam, parang mababaliw ako sa mga kinikilos niya. Hindi ko siya maintindihan.

Napabaling bigla ang tingin ko sa sasakyan ko ng madaanan namin ito, tsaka ko nalamang naalala na gamit ko nga pala ito papunta dito.

"Orpheus, ang sasakyan ko." sabi ko sa kanya ng pagbalingan ko siya ng tingin ngunit hindi manlang siya natinag at parang walang narinig. Hindi man lang niya ako binalingan kahit isang saglit, diretso lang ang kanyang tingin. Nakaka-bwiset na siya.

Pagkatapos nun ay diko na siya pinansin hinayaan ko nalang na malibang ang sarili ko dinadaanan namin. At halos mapanis ang laway ko dahil sa higit sa dalawang oras na biyahe na walang salitaan. Kung wala siyang balak na kausaphn ako. Mas lalo naman ako.

Pumasok kami sa isang subdivision, na ipinagtaka ko buong akala ko ay dadalin niya ako sa condo. Saan kaya kami pupunta?

Pinatigil niya ang kotse at bumaba siya pero hindi ako nag-abalang buksan ang pinto sa tabi ko. Gusto ko nang umuwi, ayokong makasama siya.  Kamuntikan na akong mahulog, ng bigla niyang buksan ang pinto dahil sinasandalan ko ito. Ginantihan ko siya ng matatalim na tingin. Pero parang balewala parin sa kanya, nawala na ang pagkakunot ng noo niya pero walang emosyon ang mababakas sa mukha niya. Galit pa rin siya.

"Baba." wala na akong nagawa kundi sundin, dahil pakiramdam ko hahatakin na naman niya ako kung hindi ko siya susundin.

Napatingin ako bigla sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko at pinagsakop ang mga ito. Pero parang wala lang sa kanya to, patay malisya siya. Nang nasa tapat na kami ng pinto, dinukot niya ang kung ano sa bulsa ng pantalon niya.

Nang nakita ko ang loob ng bahay ay napatulala ako, ang malaking wedding picture namin ang bumungad sa akin. Nagkalat din ang mga larawan ko kahit saan. Mula elementary hanggang college, meron din nagbakasyon ako kasama ng mga kaibigan ko noong college, may mga stolen shots din. Naramdaman ko tinanggal na niya ang pagkakahawak sa kamay ko tapos ay sinara na niya ang pintuan.

Sinundan ko siya ng magumpisa na siyang maglakad. Bumungad sa akin ang kusina sa pinasukan niya.

"Orpheus." tawag ko sa pangalan niya. Busy na siya ngayon sa paghahanda ng hindi ko alam. Sa tingin ko ay ulam ito at base sa mga sangkap na ginagamit niya nagluluto siya ng adobo.

Naku!Nakakainis na siya! Ni hindi man lang niya ako magawang lingunin kahit sandali o kahit 'bakit' lang hindi niya pa masabi.

Nang akmang lalabas na ako para maglibot sa bahay "wag kang magtatangkang umalis Eurydice. Maupo ka d'yan" tingnan mo tang isang to! Ni hindi pa rin siya lumilingon patuloy parin siyang abala.

Inirpan ko siya bago naupo. Lumipas ang ilang minuto pero wala akong magawa sobra ang pagkainip na nararamdaman ko. At hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako.

---

"hmm." may naaamoy akong masarap. Iminulagat ko kaagad ang mata at umalis mula sa pagkakasukob sa la mesa.

Bumungad sa akin ang may malapad na ngiting si Orpheus. Nakaupo siya sa katapat kong silya. Nakakapagtaka, bakit todo kung makangiti ang isang to?

"Mahal ko, kumain ka na. Pasado alas-dose na." nakangiti parin niyang sambit. Tsaka ko lamang napansin na nakahain na sa mesa ang niluto niyang adobo gaya ng hinala ko, maging ang mainit init pang kanin.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya "bakit ka nakangiti? May ginawa ka bang kalokohan?" sabi ko sa mapangakusang tono.  Siya naman ay hindi sumagot bagkus ngumiti pa ng mas malapad.

Inumpisahan na niyang lagyan ng pagkain ang pinggan sa harap ko.

"Orpheus. Kailangan ko nang umuwi." naglaho bigla ang ngiti niya.

"Umuwi? Nandito kana sa bahay mo Eurydice, bahay natin."

"Pero..."

"Wala ng pero pero. Kumain kana. Tikman mo ang niluto. Wag mong hintayin na subuan kita para lang kumain.."

SHE WAS MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon