Chapter 13

43 1 0
                                    

"Kinakausap kita! Bakit bigla bigla ka nalang tumatalikod? Diba ito ang gusto mo?! Ang magusap tayo! Ito na kinakausap na kita! Magpaliwanag ka.." ni hindi ko napansin na sinundan niya ako. Pinaghahampas niya ako sa dibdib ng malakas.

"...ano? Hindi paba sapat sayo ang masaktan ako at umiyak? Na kulang nalang mawala ako sa katinuan. Hindi lumipas ang araw na hindi ko inisip ang anak ko, na sana hawak hawak ko siya ngayon. Inaalagan at inaaruga. Sana, buhat buhat ko siya at hinehele sa pagtulog, pinapatahan sa pagiyak. Pero hindi na mangyayari yon. Dahil sayo! Dahil sa kagagawan mo at nang babae mo!" humagulgol na siya ngayon. Humina na din ang paghampas niya, pilit niyang pinupunasan ang mga luha gamit ang isang kamay ngunit patuloy parin ang mga ito sa pagpatak.

Hindi lang naman siya ang nasaktan! Ako din, dugo't laman ko ang bata. Ako ang ama.

"Eurydice! Ni hindi mo manlang ba naisip na anak ko rin ang bata? Anak natin! Nasaktan din ako nung nawala siya. Mas doble pa ang naramdaman ko ng umalis ka nang walang paalam. Halos mabaliw ako sa kakahanap, sa kaiisip kung saan ka nagpunta!" hindi ko mapigilang magalit sa kanya. Bakit siya lang ba ang nasaktan? Saan na napunta ang mga pangako niya na kahit anong mangyari nasa tabi ko lang siya at sabay naming haharapin at lalampasan ang mga problema? Nasaan? Anong ginawa niya? Iniwan niya ako, imbis na nagdadamayan kami at sabay na nilalampasan at nilalabanan ang kalungkutan. Mag-isa ako. Kung wala ang mga kaibigan ko malamang nasa mental na ako, o patay na sa mga panahong ito.

"Wala akong paki kung nasaktan ka! Kasalanan mo ang lahat! Kung hindi ka sana nambabae, kung hindi ka sana nagsinungaling sa akin, kung sana agad kang nagpunta bago pa niya ako itulak at sabunutan. Edi sana...sana buhay pa ang anak natin."

"Hindi ko naman sinasadya, ni hindi ko nga alam kung bakit kasama ko ang babaeng iyon pagkagising ko. Tingin mo ba ipagpapalit kita sa kanya? Mahal kita, mahal na mahal. Hindi ko ginusto kung anong nangyari...."

"Pero ni minsan ba sumagi sa isip mo na pakinggan ako? Na baka mali iyong inaakala mong tama? Na kahit kailan hindi ko magagawa ang ganong bagay, alam ng diyos kung gaano kita kamahal. Alam ng anak natin..." hindi na siya kumibo. Patuloy parin ang mga luha niya...

Matapos ang napakahabang katahimikan, tinalikuran ko nalang siya.

"Magpahinga kana sa kwarto sa taas. Kahit alin doon."

"Hindi, uuwi na ako." sagot niya tiningnan ko siya at bakas sa mata niya ang pagiyak, pero seryoso ang mukha niya.

Wala ako sa mood mag-drive, baka mapahamak lang kami.

"Umakyat kana sa taas! Wag mong hintayin na ako ang magdala sa iyo doon!" tsaka ako naglakad palabas ng bahay papunto ng garden at umupo sa swing.

Mukhang sumobra ako, dapat ata ay hindi ko na siya sinagot kanina. Pero hindi ko lang napigilan. Nawalan din ako. Kung sana pinakinggan niya ako nung umpisa palang.

Ni ako hindi ko alam kung bakit pagkagising ko nandoon ako sa kwartong iyon kasama si Chloe. Siya ay matagal ko nang kakilala, at masasabi kong isa siya sa mga masugid kong taga-suporta. Ilang beses na din siyang nagpakita ng motibo pero hindi ko iyon pinansin. Hindi ko alam kung anong tunay na nangyari, basta pagkagising ko katabi ko siya pero alam ko sa sarili ko na walang nangyari. Isa pa ay lasing na lasing ako noon, at kapag nasa ganon akong kalagayan isa lang ang bagsak ko-ang matulog ng mahimbing.

---

Pagkaalis ni Orpheus wala na akong nagawa kung hindi umakyat sa taas at pinasukan ang pinakaunang pinto na nadaanan ko. Pero mali ang desisyon kong iyon ang pasukan dahil bumungad sa akin ang kwartong pambata. Napapalibutan ito ng mga laruan, ng mga stuff toys. Meron pa itong crib sa gilid at nakapintura ng baby blue ang dingding habang ang kisame may mga bitiun. Para kalang nakatingala sa langit kapag gabi.

Sayang...

Lumabas ako at nagtungo sa sumunod na silid. Lalo lang akong nalungkot, nasaktan at nangulila sa nakita ko. Nahiga nalang ako sa kama at pinikit ang aking mga mata.

Ilang minuto na ang lumipas mula mahiga ako pero walang epekto. Nakatulala ako sa kisame nang biglang tumunog ang seradura ng pinto, madali kong ipinikit ang pilikmata ko. Hindi ko alam kung bakit ako pumikit, basta ginawa ko nalang.

Naramdaman ko nalang na nakaupo na siya sa tabi ko at hinahaplos niya ang buhok ko.

"Alam kong gising ka pa mahal ko.." sabi niya pero hindi parin ako nagmulat. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga.

"Patawad kung nasigawan kita kanina, dapat nanahimik nalang ako. Pero maniwala ka man o hindi, hindi ko talaga alam kung bakit ko siya kasama. Totoong nagkayayaan kaming maginuman nina Zues pero sandali lang kami. Ang naaalala ko lang ay hangga sa papunta ako sa kotse ko.  Pagkatapos nun wala na. Pagkagising ko katabi ko siya. Alam kong naririnig mo ako mahal ko.. Sana paniwalaan mo ako." naramdaman ko nalang ang pagdampi ng labi niya sa noo ko, sunod kong narinig ay ang pagsara ng pinto.

Sana paniwalaan mo ako...

---

hello! every saturday or sunday nalang ang update nito dahil may pasok na po.

pls. do read my other stories. just click my profile. feel free to vote or comment, and follow me!

~cruzer

SHE WAS MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon