Pagkalabas ko mula sa kwarto, nakita kong malinis na ang sala. Wala na ang mga nagkalat na bote ng alak, mga damit ang kung ano ano pa na hindi ko pinagkakaabalahang ligpitin. Para saan pa? Mag-isa nalang ako, wala na ang mahal ko, wala siya sa piling ko.
"Kumain kana, pinagdala kita. Nagluto si Ianah ng Adobo." Sabi ni Apollo pagkalabas niya ng kusina.
Madalas magpunta dito sa condo ang mga kabanda ko, palagi nila akong sinasamahan at binabantayan. Salitan sila kung magpunta, madalas may bitbit sila pagkain. Sinabihan ko na sila minsan na hindi nila ako kailangan puntahan, dahil hindi nila ako obligasyon pero ang sinagot nila
"Hindi ka namin obligasyon, ginagawa namin ito dahil kagustuhan namin, kaibigan ka. Mahalagang kaibigan, hindi ko hahayaan masira ang buhay mo, lalo na ang itapon mo ito." Napatahimik ako noong panahon na iyon.
Muntikan na akong mamatay. Nasa labas ako ng isang bar, kakatapos ko palang lunurin ang sarili ko sa alak. Ninanais na makalimutan ang lahat, kahit panandalian lamang na mawala ang sakit, ang lungkot. Dumating ang limang lalaki na hindi ko nakilala kung sino, ang isa sa kanila ay may dalang patilim. Sinugod nila ako, pinag-susuntok, pinagta-tadyakan, nasugatan ako sa may tagiliran noon dahil sa kutsilyong dala nila. Nanghina ako, wala akong kalaban-laban sa kanila, wala ako sa tamang huwisyo. Pero dumating sina Apollo, Eros, Zeus at iba pa.
Tinulungan nila ako. Pakiramdam ko noon wala nang kwenta ang buhay ko. Aanhin ko ang mabuhay kung wala ang minamahal kong Eurydice sa aking piling. Handa na akong mamatay, handa na akong lisanin ang mundong ginagalawan pero nakita ko ang takot sa kanilang mga mata. Ang pangamba na mawala ako, natanong ko ang sarili ko nung sandaling iyon.
"Bakit sila hindi ako magawang iwanan, lalo na ang mawala. Pero ikaw mahal ko, hinayaan mo ako ng nagiisa."
"Orpheus, ayos ka lang ba?" Iyon ang nagpabalik sa akin. Nakita kong nakatitig si Apollo. Tumango nalamang ako at pinagpatuloy ang pagkain.
---
Nakakilang kanta na din kami, ako ang vocalist nang aming banda. Kahit papaano sa pagkanta nawawala ang sakit na nararamdaman ko, nailalabas ko. Ngunit hindi ko maiwasan na malungkot parin. Siya ang kinakantahan ko, pag hindi siya makatulog, kapag wala kaming ginagawa.
"Ang susunod na kanta ay ni-request ni Joseph, Alexis para sayo ito." Basa ni Zeus, siya ang drummer. Sa kanya inaabot ni Kris-manager namin- ang sulat. Nang magumpisa silang tumugtog nalaman ko kaagad ang pamagat ng kanta. Ilang beses ko na nga ba sinabi ang mga salitang ito?
Parokya ni Edgar- Sorry na
Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago pangako sa iyoKung simpleng bagay lang sana ang nangyari, kung simpleng tampuhan lang sana. Pero sabi mo hindi mababago ng sorry ang nagawa ko, hindi maaalis ng sorry ang sakit na naidulot ko "kung lahat nang bagay madadaan mo sa sorry, wala na sanang tao na mag-kaaway, wala na sanang nasasaktan. Pero hindi, hindi nito mapapalitan ang mga nagyari na"
Sorry na nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na hindi humihinto
Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo
Sorry naNapapikit ako at dinama ang kanta. Ninanamnam ang bawat salita nito. Nang imulagat ko ang mga ito, mukha mo ang nakita ko.
Sorry na wag kang madadala
Alam kong medyo nahihirapan ka
Na ibigin ang isang katulad kong parang timang
Na paulit-ulit kang hindi sadyang nasasaktan
Sorry na saan ka pupunta?Totoo ba itong nakikita ko? Namamalikmata lang ba ako, nakita ko ang mga luha sa mata mo. Ipinikit ko ko at muling idinilat ang aking mga mata, sinisigurado kung tunay ang aking nakikita. Napagtanto kong hindi kalang halusinasyon, itinigil ko ang pagkanta. Naglakad ako papunta sayo, bigla kang tumayo nang mapansin papalapit ako.
Nagtaka ang mga nanonood pero wala akong pakialam, tinawag ako nina Eros pero wala parin. Mas mahalaga ka sa gig na ito, mas mahalaga ka sa mga taong kinakantahan ko, mas mahalaga kapa sa buhay ko.