"Orpheus..." ang tangi kong nasambit ng makita ko ang mukha ng lalaking nagbigay ng di-matatawarang sakit.
Mahal ko pa siya. Yan ang mga salitang pumasok sa isipan ko. Ang mabilis na pagkabog ng puso, ang pananabik na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit, alam kong galit lamang dapat ang mayroon ako para sa kanya. Pero sa kabila ng lahat, ang pagmamahal ko ay nananatili parin. Hindi man lang ito nawala o nabawasan bagkus lalo ito tumindi kasabay ng galit na sumasakop sa isang bahagi ng aking puso.
Mahal ko pa siya walang duda. Tanging siya lamang, si Orpheus ang may kakayahan na magpatibok ng walang humpay sa puso ko nang walang ginagawa. Kilalang-kilala siya nito.
"Mahal ko..." tawag niya sa akin. Nilagpasan niya ang kasambahay at dumiretso sa kinatatayuan ko. Nakita ko naman umalis na si Ate Mina.
"Mahal kong Eurydice..."minsan niya pang pagtawag sa akin.
Hinaplos niya ang pisngi ko. Ang muli pagdampi ng maiinit niyang palad sa aking pisngi ay nagpapalimot ng galit na aking nararamdaman. At bago pa ako tuluyang mawala ay tinanggal ko ang pagkakahawak ng kanyang kamay.
Muli niya sana akong aabutin, ngunit hindi ko na ito hinayaan. Nababakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya.
Ngayon ko lamang napansin na nangangayayat siya, may itim na din ang ilalim ng kanyang mata at mas mahaba na ang kanyang buhok. Umabot na ito sa kanyang tenga, ngunit hindi nabawasan kahit katiting ang taglay niyang kagwapuhan.
"Eurydice, umuwi na tayo sa bahay... Miss na miss na kita."saad niya. Alam kong naaawa dapat ako, ngunit kailangan kong pagpahingahin ang isip ko lalo na ang puso ko.
"Umalis kana." akmang tatalikod na ako ng hilahin niya ako sa kamay.
"Ano ba! Bitawan mo ako!"sigaw ko dahil mahigpit ang pagkakahawak niya.
"Eurydice?!"sigaw ng isang tinig sa akin.
"Orpheus bitawan mo na ako, nasasaktan ako." Noon niya lamang pinakawalan ang kamay ko.
Ayaw ko nang gulo, siguradong magaaway sila.
"Eurydice? Anong nangyari sayo? Sinaktan ka ba niya?" sunod-sunod na tanong ni Raphael sa akin. Si Raphael o Raph ay matalik kong kaibigan simula pa noong nasa kolehiyo ako. Dito ako namalagi sa bahay ni, at sa katunayan ito ay rest house lamang niya. Madalang siya kung tumuloy dito, kadalasan ay sa may condo niya siya dumidiretso.
Nang sabihin ko sakanya na kailangan ko ng matutuluyan ay kaagad niyang sinabi sa akin ang bahay na ito.
"Hindi, ayos lang ako."
"Mahal, umuwi na tayo."paguulit niya.
"Hindi ako sasama sayo, umalis kana." at tumalikod na ako ng tuluyan. Narinig ko naman na nagsalita si Raph sa likuran ko. Marahil pinigilan niya si Orpheus.
"Hayaan mo na muna siya. Bumalik ka nalang sa ibang araw." Hindi na ako nagabala pang tingnan siyang muli. Nagpunta na lamang ako sa kwarto na aking tinutulugan. Naanig ko sa may bintana ang sinasakyan niya na papaalis.
~~~☆~~~
"Kailangan mo ba talagang umalis? Anong oras na, baka mapano ka pa sa daan." Nag aalalang wika ko sa kanya.
"Pasensya kana mahal ko, pero may sakit si Alpheus, walang papalit sa akin sa pagkanta." Sagot na may kalungkutan ang boses waring naghahanap ng pangunawa.
Si Alpheus ay miyembro din ng kanilang banda, siya ang pumapalit kay Orpheus tuwing hindi ito makakapunta. Siya ang sunod na may magandang boses sa aking mahal.
"Naiintindihan ko, sige na tatawagin ko nalang sina Marie para may makasama ako." Sagot ko nalang kahit na gusto kong magtampo. Pero magmula noong magbuntis ako ay tumigil muna sa sa pagbabanda, madalang nalang siyang pumunta kadalasan ay nasa akin lamang ang atensiyon na. Ngayon ay dalawang buwan na akong nagdadalang tao.
"Mabuti pa nga ng may makasama ka. Kaagad din akong babalik, pagkatapos na pagkatapos namin ay uuwi ako." Hinalikan niya ako sa noo at nagpaalam pa nang minsan.
"Mauna ako mahal." At pinagsaraduhan ko na siya ng pinto. Kaagad ko namang tinawagan si Marie upang magpasama, si Marie ay nakakatanda kong kapatid. Matanda lamang siya ng dalawang taon sa akin, at ayaw niya ang tinatawag na ate dahil sa tingin niya daw ay nagmumukhang siyang matanda.
"Marie? Samahan mo naman ako dito sa bahay." Sabi ko kaagad pagkaraan ng ilang beses na pagsubok na tawagan siya.
"ha? Sorry..*hik* hindi pwede. *hik* nasa may Demon's Herd ako." Sagot niya. Maayos naman siyang magsalita ngunit malalaman mo na may nainom na siya.
"Miss, ayos ka lang?"narinig ko ang boses ng isang lalaki mula sa kabilang linya.
"Layuan mo nga ako!" Sigaw ni Marie, pagkatapos noon ay naputol ang linya.
Dali-dali kong tinawagan si Orpheus dahil doon siya papunta. At narinig ko ang pagtunog ng kanyang cellphone, hinanap ko ito, at natagpuan sa may lamesa.
Bakit ngayon pa? Baka mapano si Marie.
Nagsuot ako ng jacket at kinuha ang susi ng kotse .Nagpunta ako kaagad sa may parking lot. Dala ni Orpheus ang isa pang kotse, mabuti nalang at nandito ang akin.
Kahit na nagmamadali, iniisip ko parin ang anak namin. Dahil baka mapano pa siya dahil sa pagkataranta ko. At hindi ko gugustuhing mangyari iyon.
Pagkapasok ko sa loob, wala akong naririnig na kumakanta marahil ay hindi pa sila nag-uumpisa. Nagtungo kaagad ako sa may bar counter dahil sa tuwing umiinom si Marie doon siya palagi nakapwesto. Naging kaibigan na din niya ang bartender sa lugar.
Nakita ko siyang nakasubsob doon. Nilapitan ko siya at ginising pero ni hindi man lang siya natinag.
Napagdesisyonan kong hanapin na lang si Orpheus upan magpatulong marahil ay nasa may backstage sila.
Habang naglalakad patungo doon ay nakita ko ang bulto nang isang lalaki na hinahalikan ng isang babae sa may gilid. Aalisan ko na sana ang tingin ko nang mapagtanto ko kung sino iyon. Si ORPHEUS.
Hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko, parang tumigil sa pag-ikot ang mundo.
Nang itinulak niya ito ay nagawi sa akin ang paningin niya. Gulat ang unang rumehistro dito.
"Eurydice..." Nang banggitin niya ang pangalan ko saka lamang ako nakabalik.
Sinugod ko ang babaeng iyon, at sinabunutan. Hindi niya ba alam na may asawa na siya? Pinipigilan kami ni Orpheus, wala akong paki alam. Lumaban naman kaagad ang babaeng ito at hamak na mas malakas siya sa akin.
"tigilan mo 'yan"sabi ni Orpheus dito sa malanding hipon.
Binitawan naman ako nito, pinukulan ko ng masamang tingin si Orpheus bago tumalikod.