Pagkatapos naming magusap ni Chloe ay muli kong binalikan si Mama at sumama nalang sa kanila ng amiga niya na magpapalor.
"Anak, wala kana ba talagang balak na makipagayos sa asawa mo?"
Tanong niya sa akin isang araw habang nasa sala kami.
"Ewan ko ma. Mahal ko po si Orpheus, hindi naman magbabago 'yun. Pero yung sakit na idinulot niya at ng mga panyayari e nandito parin. Masakit parin po. Gustuhin ko man siyang makita at makausap alam ko pong masasakit lang na salita ang isusumbat ko sa kanya."
Siguro kailangan ko munang alisin itong sakit na nararamdaman ko para kapag wala ng galit dito sa puso ko. Babalik ako sa kanya at muling mamahalin siya ng buong buo. Unti unti na kasing nawawala yung sakit, lalo na nang malaman kong kasalanan talaga lahat ni Chloe ang mga nangyari. Ang kaso nasasaktan parin ako sa pagkawala ng anghel ko, kung minsan nga e nagigising ako sa gabi at biglang mapapahawak sa tiyan ko. Pero wala na e.
"Pero anak sana man lang ay kausapin mo ang asawa mo. Hindi yung ganito na napapariwara siya dahil wala ka. Nakakaawa siya, anak. Mas maganda kung magkasama niyong hinaharap ang mga problema."
"Alam ko po iyon ma. Susubukan ko naman po, naghahanap pa ako ng lakas ng loob para harapin siya."
Binabalak ko na kausapin siya sa susunod na araw. Siguro pupuntahan ko nalang siya sa condo namin. Marahil ito na ang oras para muli kong buksan ang puso ko sa kanya. Sabi nga ni Chloe ibunton ko na daw lahat ng galit sa kanya wag lang kay Orpheus.
Hindi ko man maintindihan kung bakit humantong ang lahat sa ganong pangyayari. Iniisip ko na sapat na bang dahilan ang pagmamahal para makagawa ng masamang bagay ang isang tao? Nagagawa niyang manakit at manlamang ng iba, ang agawin ang hindi niya pagmamay-ari para lang sa pagmamahal na sinisabi niya?
Wala naman akong maiaangal sa pagmamahal na meron siya sa asawa ko. Si Orpheus ang tao na deserve lahat ng pagmamahal na nakukuha niya. Wala akong masabi sa kabaitan at pagpapakumbaba na meron siya.
Tanghali na nang mapagdesisyunan kong pumunta sa Condo namin. May dala akong sinigang na hipon, isa ito sa mga paborito niyang ulam. Binuksan ko ang pinto gamit ang susi ko.
Tumambad sa akin ang mga nagjalat na sapatos sa pasukan pa lamang. Naglakad pa ako ng kaunti at narating ko ang sala. Ilang bagyo ba ang tumama sa bahay namin at ganito kagulo? Ni hindi man lang siya nagayos kahit katiting? Ganito ba siya kapariwara kapag wala ako?
Hindi ko maiwasang malungkot at maawa sa kanya. Ang buong akala ko ay naaalagaan niya kahit papaano ang sarili niya.
Pumunta ako sa kusina pero ang nakakapagtaka ay mukhang walang gaanong nagalaw dito. Maayos at malinis ito. Bukod lamang sa iilang alikabok pero walang magulo at pakalat kalat na kaserola at pinggan. Inilapag ko dito ang dala kong ulam at nagsaing ng bigas sa rice cooker.
Sunod kong pinuntahan ang kwarto namin, doon ko nakita kung gaano kahirap para sa kanya ang mawala ako. Na ang dating maayos at malinis na si Orpheus ngayon ay walang paki sa mga kagamitan niya. Ang dating maayos na kabinet ng mga damit niya na palaging nakasalansan ay ngayon gulo gulo na at mukhang basta may mahablot lang ay okay na.
Napabuntong hininga nalang ako at inumpisahang magligpit. Inuna ko itong kwarto namin. Grabe ang mga bote ng beer na nagkalat. Napuno ang plastic na kinuha ko sa kusina. Ang hamper naman ay punong puno na nang damit niya, ang ilan pa nga ay mga damit ko marahil ay yakap niya sa pagtulog. Paano niya natitiis na matulog sa ganito kaduming lugar.
Malapit na akong matapos sa paglilinis dito ng maalala ko ang niluluto kong kanina. Dali dali akong nagpunta sa kusina para patayin ito.
Paglabas ko sa kusina ay ang saktong pagdating ni Orpheus nagulat pa siya ng makita akong nakatayo dito. Pumikit pikit pa siya. Napailing nalang siya tsaka nagumpisang maglakad para maupo dito sa sala at binuksan ang tv.
---
Orpheus POV
Kakagaling ko lang sa Demon's Herd tumugtog kasi ang Titan doon ngayon pero hindi ako kasali dahil alam naman nila wala pa ako sa katinuan para tumugtog at kumunta. Nandito lang ako para uminom, para makatulog ako ng mahimbing mamaya.
Pero mukhang akala ko lang 'yon dahil pagkapasok ko palang dito sa unit ay bumungad sa akin ang pigura ng mahal kong asawa. Napailing nalang ako. Isa na naman ito sa mga ilusyon ko, ilang beses na ba itong nangyari. Halos hindi ko na mabilang. Kahit saan naman ako mapunta palagi ko siyang nakikita.
Naupo nalang ako sa sofa tsaka binuksan ang TV. Napagawi ang tingin ko sa pigura ng asawa ko na magpahangga ngayon ay nakatitig sa akin ng masama. Ang ganda talaga niya, sana kasi balikan na niya ako.
Binaling ko nalang ang atensyon ko sa pinapanood ko. Hindi ko na muling tinignan ang pigura niya dahil malulungkot lang naman ako.
Lumipas pa ang ilang minuto. Humarang sa TV ang pigura niya bitbit ang mga plastic maging ang lagayan ng mga damit.
"Wala ka man lang balak na tulungan ako? Ha? Orpheus?" Iritadong tanong niya sa akin
"Isa ka lang naman sa mga guni guni ko. Hindi ka totoo. Tigilan mo ako."
"Ah ganun ba? Tingin mo hindi ako totoo? Tangina mo!" tsaka niya ibinato ang plastic na hawak niya pero hindi ako nagabalang umilag. Hindi naman yan totoo dahil alam kong gawagawa lang to ng isip. Ganito kasi ang mangyayari kapag hindi ko siya pinansin paguwi ko.
"Aray..Bakit mo" Tangina! Nasaktan ako. Anong nangyayari dito? Paano? Nakita ko siyang nakapameywang.
"Ano gising kana? O gusto mo pati ito ibato ko sayo?"
Agad akong napatakbo sa kanya. Niyakap ko siya ng napakahigpit.
Hindi ito panaginip o ilusyon lang. Nandito siya! Hawak hawak ko! Binitawan niya ang mga hawak niya tsaka niyakap din ako.
"Yan ang inaasahan ko mula sayo, Orpheus. Kanina mo pa ako hindi pinapansin nakakainis ka!"
"Shhh. Pasensya na, mahal ko. Akala ko hindi ka totoo. Akala ko isa kalang sa mga ilusyon ko."
"Mabuti pa ay tulungan mo na muna akong maglinis. Mamaya ay maguusap tayo.
"Ayoko mahal. Ganito muna tayo. Namiss lang kita."
"Gusto mo akong yakapin hanggan mamaya? Ayoko pa naman ng madumi at magulo, balak ko pa man din na dito matulog. Babalik nalang ako sa bahay ni Rap mamaya."
Agad siyang napabitaw sa yakap sa akin.
"Dito ka na ulit matutulog, mahal?"
"Mukhang ayaw mo ata e. Pero maguusap muna tayo ng maayos ha?"
"Gusto ko. Gustong gusto. Mamaya magusap tayo. Sandali ano nabang nililinis mo?Tapos na ba ang kwarto? Tara tulungan na kita."
----
2 Chapters to go..