Chapter 4

52 1 0
                                    

"Orpheus!"tawag sa akin ni Kris-ang manager namin.

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakaupo dito. Ang tanging alam ko lamang ay iniwan ako ng mahal ko sa ikalawang pagkakataon, ang kaibahan nga lang ay wala akong kamalay-malay ng una niyang lisanin ang piling ko.

At masasabi kong mas doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon, lalo na ang galit sa sarili. Bakit ba ang tanga ko?

Hinayaan kong mawala muli ang asawa ko sa harapan ko pa mismo. Ang tanga mo talaga Orpheus.

"bakit ka umalis bigla?"tanong niya sa akin pagkalapit na pagkalapit niya sa kinaroroonan ko.

Bakit?

Dahil mas mahal ko ang asawa ko. Kahit na gaano ko pa hilig ang pagtugtog mas importante siya sa akin.

"Nandoon siya Kris. Nakita ko siya, hinabol. Kris mahal ko siya,mahal na mahal. At hindi ko maintindihan kung bakit ganoon kadali para sa kanya na talikuran ako..."

hindi ko mapigilan ang pagagos ng luha.

"ang sakit na dito"turo ko sa puso ko

"Tahan na. Alam ko ang nararamdaman niya. Babae ako, at masakit ang maloko, lalo na kung sa taong pinaka-pinagkakatiwalaan mo. Idagdag mo pa ang naging consequence ng panyayaring iyon."

"Pero, bakit hindi niya manlang ako pinakinggan. Masakit din para sa akin ang nagyari anak ko din iyon.

Nawalan din ako, sarili kong dugo ang bata. Siya dapat ang katuparan samga pangarap namin, sa pamilya na matagal na naming hinahangad. Pero dahil sa akin, nawala at nasira lahat ng mga iyon.

"Alam kong hindi mo sinasadya iyon. Wag kang mag-alala gagawa ako ng paraan para mahanap siya. Tutulungan kita pero ayoko nang maapektuhan ang trabaho mo. Last na'to."

Nabuhayan ako ng loob kahit papano. Malakas ang koneksyon ni Kris dahil bukod sa pagiging manager ng Titans. Siya ay nagmula sa angkan ng mga sundalo sa kanyang ama. Halos lahat ng kamag-anak niya ay may matataas na posisyon. Samantalang sa ang kanyang ina ay mula sa mayayaman negosyante sa bansa.

"Maraming salamat, Kris"

" ayos lang, basta magtino kana. Sobrang nagaala sayo iyong mga tukmol."

~☆~

Tatlong araw na ang lumipas mula ng sabihin ni Kris na tutulungan niya ako, pero magpahanga ngayon ay wala paring akong balita na narinig mula sa kanya. Papunta ako ngayon sa Recording studio, tumawag sa akin si Apollo at nagsabing may importante siyang sasabihin.

Pagkatapak ko palang sa loob ng building nakita ko na si Apollo na hinihintay ako. Sumunod ako ng pumasok siya sa isang kwarto. Natagpuan ko doon sina Eros, Zeus at Leander.

Pagkaupo ko kaagad sinabi ni Apollo

"Magiging tatay na ako. Buntis na si Ianah, dapat ninong kayo." Masaya niyang sambit, mababakas sa kanyang mata ang kagalakan.

Pero hindi ko maiwasang isipan na ganoon din ako noon, na sana ngayon kalong-kalong ko na ang anak ko. Kasama ko si Eurydice sa piling ko, inaalagaan ang anak namin. Napupuyat sa pagbabantay at pagaalaga sa kanya.

"Congrats, pare"sabi nila.

Humarap siya sa akin, tila hinihintay ang magiging reaksiyon ko.

"Masaya ako para sa inyo." Sabi ko nalang. Totoo naman iyon, bukod lang sa katotohanan na nalulungkot ako para sa sarili ko, para sa nanyayari sa amin ng asawa ko.

Napatingin ako bigla sa pinto nang bumukas ito. Pumasok si Kris.

"Orpheus, maghanda ka. Alam ko na kung nasaan ang asawa mo."

---

11/20/14

SHE WAS MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon