Chapter 5

43 1 0
                                    

Pagkarinig na pagkarinig ko sa sinabi niya ay napatayo ako. Alam na niya?

"Maraming salamat Kris!" Masayang sambit ko, mahihimigan ang kagalakan sa tono ng boses ko.

"Wag ka munang magpasalamat sa akin, hindi pa sigurado kung ano ang mga mangyayari." Makahulugan niyang wika na pinagwalang-bahala ko nalang.

"Ano pang ginagawa natin, halika kana. Pumunta na tayo".

~~~☆~~~

Hindi ko malaman kung ano ba ang tunay na nararamdaman ko, saya na may halong kaba. Masaya ako dahil alam ko na kung nasaan ang mahal ko. Makakasama ko na ulit siya, mabubuhay na ulit ako. Bubuuin namin ang pamilyang minsan na dapat nabuo kung hindi lang dahil sa nagawa ko.

May kaba akong nararamdaman. Kaba na alam kong may ipinaparating. Sakit na mararanasan dahil malaki ang posibilidad na galit parin siya sa akin. Pagkamuhi parin ang nasa puso niya. Ang pagkawala ng aming anghel ang naiisip niya. Maging ako ay nagagalit sa sarili ko, ngunit kailanman hindi ko ninais na mawala ang anak namin.

Kahit ano pang galit ang mayroon ako, pangungulila parin sa kanya ang nananaig.

Pero sana. Sana. Mahanap niya ang kapatawaran para sa akin, na mabigyan niya ako ng pagkakataon para mapatunayan ang sarili ko. Na hindi ko sinadya ang mga bagay na iyon, na kahit kailan siya lamang ang laman nitong puso ko.

Nandito na kami ngayon sa isang subdibisyon na may mga naglalakihang bahaya, marahil mansion na ang iba, kasama ko sina Kris at Zeus. Hindi na niya pinasama ang iba dahil ayaw niya daw ng gulo. Si Zeus ang nagmaneho ng sasakyan habang ei Kris ang nagtuturo kung saan. Mukhang nakapunta na siya dito bago pa sabihin sa akin. Alam na alam niya ang dadaanan namin.

"Wag muna tayong bumaba, hintayin natin siya. Ang sabi sa akin ng tauhan ni daddy ay wala siya ngayon dito, maya-maya siguro ay darating na siya." Sabi niya ng huminto kami sa tapat ng isang magarbong bahay.

"Bakit hindi mo agad sinabi na wala pa siya dito?"

"Sino ba ang nagmamadaling pumunta dito? At wag mo ang pagsabihan ng ganyan Orpheus, ikaw na ang tinulungan ko!" Nanahimik nalang ako at hindi na sumagot. At pinagmasdan ang bahay na nasa aming harapan.

Si Kris Gonzales ang manager namin mula pa noon. Wala talaga siyang balak na tulungan ako sa paghahanap kay Eurydice, dahil kung agad niya akong tinulungan marahil magkasama na kami ngayon ng mahal ko. Nung una niyang sinabi sa akin na hindi niya ako tutulungan nakaramdam ako ng galit sa kanya, pero ang tanging sinabi niya lang ay ganito.

"Kasalanan mo kung bakit ka niya iniwan, ikaw ang gumawa ng paraan para mahanap siya. At alam mo naman siguro na ayokong ginagamit ang koneksiyon ng pamilya. Kusa siyang umalis, pero hindi siya kusang babalik.."

"Tutulungan naman kita...pero sa tamang panahon."

May humintong sasakyan sa harapan ng bahay, pinagbuksan sila kaagad ng gate. Pero isa lang ang pinaka napansin ko na nasa loob ng kotseng iyon. Ang mahal ko! Naroon siya Si Eurydice ang nakaupo sa may harapan, at sigurado ako, siguradong siguro. Hindi ako pwedeng magkamali sa loob ng limang buwan ang mukhang iyon, ang taong iyon ang hinahanap-hanap ko. Ang babaeng pinakamamahal ko. Si Eurydice Garcia-Mendoza.

Dali-dali akong bumaba ng sasakyan. Narinig kong tinawag ako ni Kris ngunit hindi ko na iyon pinansin.

Nagdorbell ako ng makailang ulit, ng may magbukas ay bumungad sa akin ang isang kasambahay.

"Bakit po? Anong kailangan niyo?" magalang niyang tanong.

"Si Eurydice po. Gusto ko po sanang makausap siya. Pakisabing nandito si Orpheus ang asawa niya" medyo nagulat siya. At mula sa likuran niya ay narinig ko ang tinig ng isang anghel.

"ate mina? Sino po iyan? Ano daw pong kailangan?" tanong niya. Sa tingin ko ay hindi niya pa napapansin na ako ang nakatayo dito, dahil natatakpan ako ni ate mina-ang tawag niya-

"ma'am kayo po ang hinahanap, asawa niyo daw po." sabi niya na sa tingin ko ay hindi na kailangan pa. Dahil napansin niya na ako.

"Orpheus..."

---

11/23/14

SHE WAS MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon