Bakit ba ako nasa ganitong sitwasyon?Ako si Orpheus isang magaling na musikero, kinikilala ng lahat lalo na ng mga kababaihan. Miyembro ng isang banda, maraming kaibigan maraming tagahanga. Pero bakit nagiisa ako ngayon? Bakit wala ang asawa ko sa aking tabi? Siya na bumubuo sa aking pagkatao, iniwan ako at nagpakalayo-layo.
"ako si Eurydice ay nangangakong mamahalin ng buong puso at tapat si Orpheus. Dumating man ang mga problema, mananatili ako sa kanyang tabi upang alalayan siya at tulungan na malampasan ang mga ito. Ipinapangako ko din na siya lamang ang mamahalin ko panghabang buhay. Mahal na mahal kita"
Tuluyan ng lumandas ang mga luha sa aking pisngi nang maalala ko ang binitawan niyang mga salita sa simbahan nang araw na ikinasal kami at naging isa. Noong nangangako kami ng sa harap ng diyos sa harap ng mga taong malalapit sa amin, pangakong panghabambuhay.
Hindi ko lubos maisip na dahil sa isang pagkakamali mawawala ka sa piling ko. Hindi ko matanggap na ganoon kadali para sa iyo na bitawan ako. Ang sakit-sakit, para na akong mamatay sa nararamdaman ko. Nawawalan na ako ng direksyon, hindi ko alam kung saang lupalop kita hahanapin.
Eurydice mahal ko, nasaan ka naba? Akala ko ba hindi mo ako iiwan? akala ko ba anumang mangyari nandito ka sa tabi ko? Eurydice mahal ko, balikan mo na ako.
Sana nakikita mo ang kalagayan ko, sana napapanood mo sa balita ang nangyayari sa akin. Nagsusumamo ako Eurydice balikan mo na ako, handa akong talikuran ang lahat para sa iyo, iiwan ko ang pagbabanda, titigil na ako sa pagtugtog kahit anong gusto mo balikan mo lang ako.
"Naku! Mukhang dinumog na naman kayo ng mga fans niyo! Tingnan mo pawis ka.Halika nga dito, mahal."
Nagbukas ako ng panibagong alak. Ito ang naging karamay ko sa bawat oras, at araw na nalulungkot ako. Nananalangin na kahit kaunti ay maibsan ang lungkot na nadarama.
Miss ko na iyong mga paglalambing mo, iyong pagtawag mo ng mahal sa akin, ang mga luto mo, ang mga yakap mo na napapalambot ang puso ko. Lahat ng mga bagay na ginagawa mo. Eurydice mahal ko maawa ka na kailangan kita.
---
*ding dong* *ding dong*
Iyon ang gumising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Pasado alas 8 na pala ng umaga. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa sala. Bibigkasin ko na sana ang pangalan mo pero napagtanto ko wala ka nga pala sa piling ko, mahal ko. Eurydice nalasing ako kagabi kailangan kita, alagaan mo ako tulad ng dati pagkagising ko palang handa ang pagkain, sasalubungin mo ako ng ngiti mong nagpapaliwanag sa mundo ko.
Tumayo ako at naglakas para mabuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Apollo, ang kabanda ko.
"Pare, pinapaalala ko may gig tayo mamaya." sabi niya sa akin. Ang banda namin ay tinatawag na Titan hindi ko alam pero naisip nalang nila bigla ang pangalang iyon. At mahigit 5 taon na ito.
"alam ko" sagot ko nalang at pumasok sa loob, sumunod naman siya sa akin. Sanay na siya, sila, na magulo dito sa condo namin. Magmula ng mawala siya nawalan na ako nang gana na gawin ang mga bagay-bagay. 5 buwan na rin magmula ng iwan niya ako at umaasa parin ako na babalik siya. Babalikan mo pa naman ako hindi ba mahal ko?
Nagpunta ako sa aming silid para maligo. Habang umaagos ang tubig hindi ko mapigilang magbalik tanaw sa masayang nakaraan.
"mahal ko!mahal ko! tignan mo!" sigaw mo sa akin pagkalabas mo ng banyo. Pinakita mo sa akin ang hawak mong PT.
"Magiging tatay na ako? Magkakaanak na tayo?!" Gulat kong sambit ng nakita kong ang dalawang linya mula dito. Binuhat kita.
"Mahal na mahal kita! salamat!"
"Mahal din kita!" sagot mo sa sinabi ko, wala nang makakatalo sa saya na nararamdaman ko noon, ako na yata ang pinaka masayang tao! Ikaw ang asawa ko tapos biniyayaan pa tayo ng diyos!
Kung maibabalik ko lang ang nakalipas, mababago ko pa sana ang mga pangyayari, sana nasa tabi kita ngayon, pati ang anak natin.
---
chapter 1 muna, i need to finish unrequited love bago ko umpisahan ng tuluyan ito but expect an update every month or pagsinipag ako. anyway vote or comment!
~cruzer