Chapter 12

44 1 2
                                    

Hindi ko parin nauubos ang inihain niyang pagkain sa plato ko,wala akong gana. Napakasarap niyang magluto kung tutuusin ay mas magaling pa siya sa akin. Mas malasa at mas malinamnam ang mga lutuin niya kumpara sa gawa ko.

Mas nagtatagal akong kumain dahil sa pagtitig niya, hindi ko manguya ng maayos ang laman ng bibig. Maging ang pagamit ko ng kutsara at tinidor ay nakatitig siya, pakiramdam ko may dumi sa aking mukha na tanging siya lang ang nakakakita kaya ganoon nalaman siya kung makatitig.

Salamat at natapos din ako sa kabila ng mataman niyang pagtingin. Nang natapos ako at mag angat ng tingin sa kanya ay siya namang pagtayo niya at pagkuha ng mga maruruming pinggan at kubyertos. Dinala niya ang mga ito sa lababo.

"Ako na d'yan, Orpheus." binalingan na niya muna ako saka nagsalita. "Hindi na. Maupo ka nalang diyan o pumunta ka sa sala. Mabilis lang to." sagot niya at inumpisahan ng sabunin ang mga ito. Wala na akong nagawa kundi ang tumalikod at magtungo sa sala. Ayoko naman dito sa kusina kasama siya at hihintayin siyang matapos ng walang ginagawa dahil sigurado ako makakatulog lang ako ulit sa katahimikan niya. Mas mabuti pang nasa sala ako, kahit papaano ay maaaliw ko ang sarili ko.

Lumapit ako kaagad sa wedding picture namin, ang larawan na punong-puno ng kasiyahan, ang larawan nagpakita ng bagong simula para sa aming dalawa bilang mag-asawa. Ang inakala kong storya naming dalawa na magkakaroon ng magandang katapusan, isang buhay na binubuo ng pagibig, pagtitiwala, isang buong pamilya na sa isang iglap ay naglaho at kahit kailan ay di na mabubuo.

Habang pinagmamasdan ito, hindi ko maiwasan na maalaala ang matamis na kahapon kung kailan masaya siya, at ako sa piling ng isa't isa lalo na nung araw na ipakita ko sa kanya ang PT na nagpapakita ng pagdadalang tao ko.

---

Naabutan ko si Eurydice na nakatingala sa wedding picture namin, hinaplos niya pa ito waring sinisigurado kung totoo. Bigla nalamang naglandas ang mga luha sa kanyang pisngi  na nagpasakit sa aking kalooban.

Mali ata ang desisyon ko na dalhin siya dito, nakita ko nanaman ang mga luha sa mata niya. Orpheus kailan ka ba gagawa ng tama?

Napasandal na lamang ako sa dingding at malalim na napabuntong hininga. Sino bang mag-aakala na magiging ganito ang sitwasyon namin?

"BAKIT MO BA AKO DINALA DITO!?" sigaw niya bigla na nagpakislot sa akin mula sa pagkakayuko. Anong nangyayari? Kanikanina lang ay maayos na kami kahit papano, pero bakit niya ako sinisigawan? Ano iyong hawak niya?

---

Bakit niya ba ako dinala dito? Gusto niyang ipaalala sa akin na buntis ako noon? Na may buhay na minsan nabuo sa sinapupunan ko? Balak ba talaga niyang ipaalala lahat ng sakit na minsan ko nang naramdaman, na magpahanga ngayon ay nandito parin sa puso ko.

"Mahal ko..." agad siyang nakapunta sa harap ko.

"Wag kang lalapit.!" ayokong lumapit siya, ni ayaw kong mahawakan niya ako. Nandidiri ako sa kanya, nandidiri ako sa ginawa niya.

"Sabi ko wag kang lalapit!"

Ibinagsak ko ang letrato na hawak ko sa sahig.

Ang larawan ko noong  buntis ako. Kitang-kita doon kung gaano ako kasaya sa buhay na meron ako. Ang saya ko doon, ngiti ko palang malalaman mo na kung gaano ako kasaya at kakuntento. Pero ngayon marami nang nagbago, at kahit kailan ay di na namin ito mababalik sa dati.

Mabuti pang nanatili nalang ako sa kusina. Bakit ba hindi ko naisip na may litrato siya sa akin noong buntis ako?

Bakit may kopya pa siya nito? Dapat sinunog na niya o tinapon ang mga ito. Ayoko nang maalala iyon, ayoko nang kahit anong bagay na magpapaalala sa nakaraan!

---

Nagulat ako ibinagsak niya ng napakalakas ang hawak niya. Basag! Basag ang frame ng litrato niya noong buntis siya. Nagkalat sa sahig ang mga bubog. Dali-dali kong pinulot ang mga ito bago pa siya masugatan.

Nanghihanayang ako sa larawan na ito, siguro ay bibili nalang ako ng bagong frame. Sayang.

"Hindi pa ba sapat sayo na nawala ang anak ko dahil sa kagagawan mo!? Hindi pa ba sapat sayo na magpahanga ngayon ay hindi ako maka-move on sa pagkawala niya?" patuloy parin ako sa pagpulot. Ayoko siyang kausapin ng galit siya ng ganyan.

"...Ano pa bang gusto? Bakit mo pa ako dinala dito! Para ipaalala sa akin ang nangyari dati?" humina na ang boses niya. Hindi na siya sumisigaw pero patuloy parin siya sa pag-iyak. Ayokong makita siya sa ganyang kalagayan, hindi ko matanggap sa sarili ko na ako ang nagdudulot ng mga luha sa kanyang mata. Tumayo ako at nagtungo sa kusina hindi lang para maitapon ang mga bubog kundi makalayo din sa kanya. Gaya nga nang sabi ko ayoko nakikita siyang umiiyak.

Tanging magbuntong hininga nalang ang nagawa ko pagkatapos itapon ang mga bubog.

SHE WAS MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon