Galit ako.
Galit na galit. Bakit hinayaan niya ang babaeng iyon na halikan siya? Hindi ko maintindihan. Hindi na ba niya ako mahal? At iyon ang ipapalit niya sa akin?
Porke ba buntis ako, ay nabawasan ang pagmamahal na mayroon siya sa akin?dahil ba tumaba na ako sa mga kung ano-anong pagkain hindi na niya ako mahal. Pumangit na ba ako? Siguro dahil hindi na ako nagaayos ngayon, lalo na at simple lang ako.
Habang naglalakad ako palayo sa kanila, hindi ko naiwasan na tumulo ang luha ko.
Baby, sorry kung mahina ang mama. Wag kang mag-alala di ko hahayaan na agawin ng babaeng iyon ang papa mo. Mahal na mahal kita.
Hinaplos ko ang aking tiyan. Pupuntahan ko nalang si Marie, baka mapano pa siya doon. Lalo na at mukhang walang balak si Orpheus na pigilan ako.
"Eurydice, mahal ko." sabi ng isang tinig sa aking likuran.
Hindi na ako nag-abala na balingan siya, dahil namuo na ang mga luha sa aking mata.
Lalo kong binilisan ang paglakad , pero naramdaman ko nalang ang mga kamay niya na nakapalupot sa aking bewang at ngayon ay niyayakap na niya ako mula sa likuran.
"Mahal, wag kanang magalit. Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko, diba? Hindi ko naman ginusto na halikan siya. Kung sana nakita mo ang buong pangyayari malalaman mong bigla nalang niya akong hinila at hinalikan." litanya niya. Pilit niyang inihaharap sa kanya ang mukha ko pero dahil ayoko ay siya na mismo ang pumunta sa harap ko at pinagpantay ang aming mukha.
"Mahal..." malambing na tawag niya. Pinunasan niya ang luha sa aking mata gamit ang kanyang kamay.
"Mahal ko...hindi ka ba magsasalita? Ayaw mo na sa akin?" tanong niya sa malungkot na tono.
Hindi ko parin siya sinago, at ibinaling ko nalang ang tingin sa gilid.
Ano bang tingin niya? Hindi ako magagalit?
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong kintilan ng halik sa labi.
"Orpheus..."
"Mahal ko..."
sa simpleng salita niya bumigay ako. Pinatawad ko siya ng walang ano-ano, mahal ko siya iyon ang dahilan.
Lumipas ang ilang buwan at hindi na naulit pang muli ang pangyayaring iyon. Ipinakita niya na talagang mahal niya ako, ipinaramdam niya ito. Hindi siya nagkulang sa pag-gabay at pagaaruga sa akin. Bawat araw hindi niya nakakaligtaan na sabihin kung gaano niya kami mahal ng anak namin.
Pero hindi ko lubos inakala na makikita ko pang muli ang babaeng iyon pagkatapos ng ilang buwan. Akala ko ay tuluyan na siyang mawawala sa landas naming mag-asawa.
Gabi na naman at wala si Orpheus sa bahay dahil may TV guesting sila ngayon.
Kakatapos ko palang itong panoorin, at masaya ako na nakikita siya na nakangiti sa may TV. Alam kong mahal na mahal niya ang pagtugtog at kahit papano ay nami-miss na niya ito, dahil madalang nalang niya ito kung magawa dahil sa pagbubuntis ko.
"Eurydice matulog ka na, anong oras na. Masama yang sa pamangkin ko." sabi ni Marie.
Siya ang kasama ko ngayon sa bahay.
Dalawang buwan nalang at manganganak na ako kaya todo na ang pagbabantay nila.
"Oo na,ito na. Marie?"
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad.
"Bakit?"
"Gisingin mo ako pag dumating na siya."
sabi ko. Gusto ko siyang salubungin tulad ng dati at gusto ko din makita ang mga ngiti niya.
Tumango ito bilang sagot.
Kinabukasan.
Kinapa ko ang tabi ko pero wala itong laman. Dinilat ko ang mga mata ko, at tumayo. Pinagmasdan ko ang paligid.
Baka naman nagkakape siya?
Pumunta ako sa kusina at tiningnan siya sa pagaakalang naroon siya. Pero wala.
"Orpheus!" pagtawag ko. Ilang ulit ko itong isinigaw pero wala.
"Eurydice, wag kang sumigaw. Wala pa si Orpheus, hindi siya umuwi kagabi."
"....tingnan mo nalang ang cellphone mo baka nagtxt siya." sabi ni Marie. Marahil napansin niya nag-aalala ako.
Pumunta ulit ako sa kwarto at ginawa ang sinabi pero wala man kahit anong pasabi. Orpheus...
Naramdaman ko nalang ang biglang pagyakap mula sa likuran ko.
"Mahal ko, pasensya na. Nagkayayaan lang uminom kagabi. Hindi na ako nakapagpaalam, pasensya na sobra iyong nainom ko...hindi na ako nakauwi at nakatawag sayo...kina zues."
"oo, kina zues ako natulog, doon nalang nila ako dinala."
Mahaba at mabilis niyang sabi. Siguro ay natataranta siya dahil may luha sa mata ko.
"Mahal ko, tahan na."
"Wag mo nang uulitin, magagalit na talaga ako sayo."
"Opo." at hinalikan niya ako sa may sentido.
"Mahal na mahal kita, tandaan mo."
---
Bukas nalang ang kasunod. Tamad ako.