Enjoy!
---
"Chloe..."naibulalas ko nalang bigla, bakas din sa kanya ang pagkagulat ngunit agad din siyang nakabawi. Sino nga bang makakalimot sa kanya? Siya lang naman ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Orpheus, siya ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko.
Tumalikod ako at maguumpisa na sanang maglakad ng pigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko.
Tumingin ako sa kanya at tinaasan siya nang kilay. Gusto ko siyang sumbatan! Gusto ko siyang saktan at iparamdam ang sakit na magpahanga ngayon ay dala dala ko! Gusto ko siyang sabunutan hanggang sa malagas lahat ng buhok niya! Gusto ko siyang sampalin hanggang mamula ang mga pisingi niya dahil sa sakit! Pero hanggat kaya ko nagtitimpi ako. Ayokong matulad sa kanya na mananakit ng buntis. Ayokong pati siya mawalan ng anak, ayokong matulad siya sa akin.
Masakit man ng sobra sa parte ko ang mawalan, gustong gusto ko man gumanti sa kanya. Ayokong may isang inosenteng bata ang madamay at mapagkaitan ng pagkakataon na mabuhay at maisilang sa mundo.
"Alam kong galit ka sa akin--"
"Buti at alam mo" pananabla ko sa kanya.
"Gusto sana kitang makausap ngayon, pwede ba?" Makikita mo ang determinasyon sa mata niya. Nasaan na ang palaban na Chloe? Siya ba talaga ang nasa harap ko?
"Wag kang umasa na maniniwala ako sa mga sasabihin mo." Kaagad kong saad ng makaupo ako. Nandito kami ngayon sa isang resto at nasa may private room kami. Para kung sakaling magkasigawan ay ayos lang.
Sinabi ko din kay mama na may gagawin ako mabuti nalang at nakita niya ang isa sa mga amiga niya kaya ayos lang na iwanan ko siya.
Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita...
"Gusto ko lang sanang humingi ng tawad at magpaliwanag sa nangyari dati.""Aanhin ko yang tawad na yan maging paliwanag mo? Maibabalik ba niyan ang nakaraan? Mabubuhay ba niyan ang anak ko?" Galit kong sumbat. Wala na tapos na ang lahat, wala nang magbabaho pa. Hindi na maibabalik ang nawala.
"Hindi pero maaring may mabago kapag narinig mo ang sasabihin ko. Maaaring lalo kang mamuhi pero mabuti nang alam mo ang buong kwento."
Hindi na ako umangal pa, para agad matapos ang usapan namin.
"High School palang ako hinahangaan ko na si Orpheus. Kulang ang sabihing crush ko siya ng mga panahon na iyon. Sa tuwing may contest ng kantahan siya palagi ang pambato ng section nila. Ako bilang taga ibang section ni minsan hindi niya ako nakausap. Ni hindi niya nga alam na nageexist ako." Tumawa pa siya ng bahagya.
Bakit kinukwento sa akin to?
"Lumipas ang taon nabuo ang Titans, nagasawa siya pero hindi nawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Mas tumindi pa nga. Pero hindi ko lubos maisip na mabubuntis ako dahil sa isang pagkakamali" may pumapatak nang luha sa kanyang mga mata. Pero kaagad niya din itong pinunasan pero bigo lang siya lang sunod sunod na umaalpas ito sa kanyang mga mata.
"Siguro iniisip mo na si Orpheus ang ama ng bata?" Tanong niya sa akin
"Wala akong pake kahit sino pa ang tatay ng dinadala mo"
Pero pang wala siyang narinig dahil patuloy siyang nagsalita.
"Hindi siya. Sa maniwala ka o sa hindi na frame-up lang si Orpheus. Plano ko lahat ng 'yon. Inisip ko na baka ito na ang pagkakataon para makuha ko siya. Tsaka kung wala akong maihaharap na tatay ng bata sa pamilya ko siguradong magagalit sila at baka itakwil nila ako...san ako pupulutin non? Iyong nakabuntis sa akin bigla nalang nawala. Hindi ko na mahagilap."
"Sinasabi ko ito dahil gusto kong magkabalikan kayo ni Orpheus, magmula kasi ng mawala ka nawalan na siya ng sigla. Biglang naglaho iyong Orpheus na minahal, parang iba na siyang tao. Gusto ko ulit makita iyong sigla sa mukha niya. Hindi man ako ang dahilan atleast masaya siya."
Wala akong masabi. Ibang tao ata ang nasa harapan ko ni hindi sumagi sa isip ko na ito ang mga salitang maririnig ko. Akala ko magpa hangga ngayon ay hahabulin niya parin si Orpheus. Pero bakit pakiramdam ko ay may isang napakabuting nilalang sa harap ko. Nasaan na nagpunta ang Chloe kilala ko?
"Eurydice, balikan mo na siya. Nakikiusap ako sayo. Mahal mo pa siya diba? Dahil siya? Mahal na mahal na mahal ka niya. Bumuo kayo ng pamilya kung saan hindi na ako mangugulo. Wala nang Chloe ang sisira at aagaw ka Orpheus..." sabi niya habang hawak ang kamay ko. Pamilya?
Umiwas ako ng tingin dahil naguumpisa nang uminit ang mata ko.
"Kahit kailan hindi na kami mabubuo bilang isang pamilya, kahit kailan hindi na ako magkakaroon ng anak. Kailanman hindi na ako mabubuntis..."
---
04/05/15