Chapter 14

48 1 0
                                    

Ginising ako ng liwanag na tumatagos mula sa bintana ng kwarto, hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Hindi ko na namalayan, dahil iniisip ko kung mali ba talaga ang aking akala. Dapat bang pinakinggan ko muna siya, mali ba talaga ang desisyon ko na iwanan siya? Parang sa isang iglap lang naglaho bigla ang galit na nararamdaman ko napalitan ito ng mga katanungan na gumugulo sa isipan.

Bumangon ako sa kama at nagpasyang pumunta ng kusina dahil sa gutom na nararamdaman. Dinatnan ko doon ang lutong bacon at tocino,meron ding pancake na nakahanda maging sandwich ay mayroon.

Nasan siya? Natanong ko bigla sa sarili ko, gusto ko man siyang tawagin pinangungunahan naman ako ng hiya.

Sinimulan ko nang kainin ang pagkain, gutom na gutom na ako. Nang malapit ko ng maubos ang pagkain sa plato ko, ay siya ring pagpasok ni Orpheus sa kusina. Mukhang nagulat pa siya na makita ako.

"Andyan ka na pala." Sabi niya tsaka kumuha ng pinggan at kubyertos saka umupo sa harap ko. Sinimulan na din nita ang pagkuha ng niluto niya.

"Orpheus...ihatid mo na ako gusto ko nang umuwi..."

"Uuwi? Saan? Nandito ka na sa bahay mo, sa bahay natin. Ubusin mo na iyang kinakain mo." Hindi man lang niya ako binalingan ng tingin, tuloy parin siya sa pagnguya ng pagkain.

Nanlumo ako sa sinabi niya. Wala na iyong galit sa puso ko, pero hindi parin nawawala iyong sakit. Hindi ko alam kung paano basta dahil sa nangyari kagabi ay naliwanagan ako.

Marahil nakatulong din ang paglayo ko sa kanya dahil galit man ako sa kanya hindi ko maipagkakaila na namimiss ko siya, pinangungunahan lang ako ng nararamdaman ko.

Tuloy parin siya sa pagkain kaya wala na akong magawa. Papasundo nalang siguro ako kay Rap pero paano? Hindi niya naman alam ang lugar na ito maging ako unang bese ko palang makapunta dito. Ni hindi ko alam na nagpagawa siya ng bahay. Sayang sobrang saya siguro kung nandito pa ang anak ko.

Tumayo si Orpheus at humakbang papalabas ng kusina, pero bago siya tuluyang makaalis...

"Kung gusto mo na talagang umalis nasa garahe na iyong kotse mo sabihin mo nalang sa akin para maituro ko ang daan sayo." At tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

---

May kasunod pa po ito pero bukas nalang. Sorry sa late UD busy lang po.

~cruzer_blade

SHE WAS MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon