Chapter 10

39 1 0
                                    

Alas-7 na nang umaga pero kakarating ko palang dito sa bahay ni Raphael. Kinailangan ko pa kasing pumunta sa bahay ni Alpheus upang humingi ng pabor, nadadaanan kasi ang bahay niya papunta dito kaya naisip ko na sabihin sa kanya ng harapan. Nakiusap ako na sa kanya na kung maaari ay siya muna ang pumalit sa akin sa pagging bokalista ng Titans habang patuloy ako sa pagsuyo kay Eurydice, dahil alam ko sa sarili ko na siguradong mapapabayaan ko ito sa paghahangad na muling makapiling ang aking mahal.

Noong una ay nagtataka siya kung anong ginagawa ko sa tapat ng bahay niya ng ganong oras, pero ng marinig niya ang pakay ko ay kaagad siyang pumayag. Basta ang sabi niya ay siguraduhin kong mababawi ko si Eurydice.

Nang aktong papatayin ko na ang makina ng sasakyan ay ang paglabas naman ng sasakyan mula sa gate. Tinitigan kong mabuti ito, kung lulan ba nito si Eurydice ngunit bigo ako dahil tinted ito. Nang ibalik ko ang tingin sa may gate nakita ko si Ate Mina na sumesenyas na sundan ko ang naturang sasakyan. Dahil don, nalaman ko na siya ang nasa sasakyan. Agad kong pinasibad ang kotse para sundan siya, malay ko ba kung ito na ang pagkakataong hinihintay ko.

Hindi ko alam kung saan siya patungo, pero sa palagay ko alam niyang sinusundan ko siya ngunit ipinagsasawalang bahala niya lamang ito.

Rumehistro sa mukha ko ang pagtataka ng makitang papunta kami sa isang kilalang mall.

---

Pagkapasok niya dito ay dumiretso sa isang restaurant, at nagpalingalinga siya. Laking gulat ko nalang nang lapitan niya ang isang lalaki at niyakap siya nito. Sino nga bang makakalimot sa lalaking iyon? Siya lang naman si Gab ang ex-boyfriend niya. Ito ang nobyo niya bago ako, at ang kwento pa niya sa akin noon ay naghiwalay sila ng maayos, kinailangan lang daw kasi nitong mangibang bansa upang makasama ang mga magulang doon.  Bakit niya kasama ito? Dapat pala hinarangan ko na ang sasakyan niya kanina para mapigilan siyang pumunta dito, kung alam ko lang na ito ang pupuntahan niya ginawa ko na sana iyon.

Pagkaraan ng ilang sandali ay umupo na sila at nag-order ng pagkain, ako naman ay pumwesto dito sa mga lamesa sa labas kung saan nakikita ko sila. Ayaw ko nang malapit sa kanila dahil baka lalong magalit sa akin si Eurydice, hinayaan na niya nga akong sundan siya tama na muna iyon. Ayoko din lumapit doon dahil masasapak ko ang lalaking iyon sa sobrang selos, tama na munang malayo ako.

---

Alam kong kanina pa ako sinusundan ni Orpheus pero hinayaan ko nalang, ayoko pang kausapin siya, baka masira lang ang masaya kong umaga. Kagabi, nakatanggap ako ng tawag mula kay Gab at nag-aaya siyang dahil ilang taon nadin ang lumipas mula noong huli naming pagkakita.

"Yuri? Anong gusto mong kainin?"

"kahit ano nalang bahala ka." sagot ko nalang, ngayon palang ako nakapunta sa lugar na ito kaya hindi ko pa alam ang masarap na pagkain na meron.

Pumili siya ng oorderin at sinasabi sa waiter na nasa tabi, na sinusulat naman nito. Dahil dito nagkaroon ako nang pagkakataon na pagmasdan ang kanyang mukha, sa lumipas na taon masasabi kong mas lalo siya gumwapo. Ang linis niyang tingnan wala siyang kahit anong tigyawat o itim sa ilalim ng mata, napakaputi pa ng kanyang balat daig pa niya ko ngunit sa boses niya mararamdaman mo ang otoridad sa pagkakatanda ko ay siya ang magmamana ng kanilang kompanya. Kaya hindi na ako nagtataka kung ngayon palang ay sanay na siya.

Pagkatapos niyang mag-order ay kinamusta ko siya maging ang asawa niya. Hindi ako nakapunto noon sa kasal nila dahil sa Canada ito ginanap, sa bansa kung saan niya kinailangan pumunta noon. At sa ngayon ay pinapakwento kung paano sila nagkakilala, matagal na panahon din kaming walang komunikasyon sa isa't isa.

"alam mo bang napakahirap ng pinagdaanan ko bago ko siya naging girlfriend? Inagaw ko pa siya sa boyfriend niya noon!" inagaw? Napatawa nalang ako sa sinabi niya kahit kailan di ko lubos maisip na gagawin niya ang bagay na iyon.

"Mang-aagaw ka pala!"

"kailangan kong gawin, di kaya siya tinatablan ng kagwapuhan ko. Kahit na may boyfriend siya, niligawan ko parin siya..."

Aliw na aliw ako sa pagkukwento niya, makikita mo sa mga ngiti niya maging sa mga mata ang kasiyahan. Nagulat nalang ako nang bigla siyang bumagsak kasabay ng inuupuan niya dahil sa malakas na suntok. Agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko, at ng akmang lalapitan ko siya ay siya namang mahigpit na paghawak ni Orpheus sa kamay ko. Binigyan ko siya ng matatalim na tingin, bakit niya sinuntok si Gab? Ano nanaman bang problema niya? Hinayaan ko na ngang sundan niya ako, hindi ko siya sinita tapos ngayon na wala naman ginagawa iyong tao sa kanya bigla-bigla nalang siyang mananapak?

---

Masayang pasku at masaplalang bayung banwa, in short maligayang pasko at masaganang bagong taon pipz!

SHE WAS MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon