Chapter 3: The Meet Up

222 117 11
                                    

Synopsis Of This Chapter: Nicole and his ex- boyfriend Miguel will meet again after how many days of their breakup. But what is the reaction of two if they realize that they work on the same company and on the same person? They will become friends once again? Or they will become a "ENEMY"?

VICTOR

Nandito na ako ngayon sa lugar kung saan ko hihintayin ang aking P.A pati na ang aking Personal Driver. Para na rin hindi ako mabagot kahit na papano ay naisipan kong tawagan si Mama at sabihing nandito na ko

Nasa bahay pa lang kasi si Mama

“Ma narito na ko sa meeting place namin ng P.A at ng Personal Driver ko, pero wala pa sila”inis kong pagpapaliwanag kay Mama sa telepono

Ayaw na ayaw kong pinaghihintay

“Masyado ka talagang mainipin kahit nung bata ka pa lang” narinig ko pa ang mahina nyang pagtawa sa kabilang linya  "Basta hintayin mo na lang sila dyan parehas” wika ni Mama bago ko tuluyang ibaba ang aking telepono

Ilang minuto pa kong naghintay bago sila dumating parehas

No

Unang dumating ang P.A ko ng five minutes kesa sa Personal Driver ko na parang matatanggal kaagad sa unang araw nya. Sya ang Driver na nauna pa ang kanyang mga pasahero sa kanya

Pumuwesto ako sa likod na parte ng kotse at ang P.A ko at ang Personal Driver ko ang magkatabi sa upuan

Ayoko silang katabi parehas

“Ikaw ang Personal Driver!”---“Ikaw yung P.A!”

Nagulat ako sa inasta nilang dalawa dahil para bang hindi sila magkakilala eh magkarelasyon naman silang parehas. Ngunit nanatili lamang ako sa aking pagiging seryoso at walang kahit na anong emosyon na pinapakita

Hindi pa rin tumitigil sa pagtatalo ang dalawa, kaya naman tiningnan ko sila ng matalim na kanila namang nakita dahil na rin sa salamin na naka pwesto sa driver’s seat

“Ano ba! Mag-uusap ba kayo tungkol sa mga sarili nyo? Wala ba talaga kayong modo?!” sigaw ko sa dalawa

Mga wala silang modo!!

“Diba trabaho ang pinasok nyo dito at hindi ang pagtalunan ang personal nyong buhay!” huli ko pang sermon sa kanilang dalawa na naging dahilan ng tuluyan nilang pag tahimik

Ewan ko sa mga walang kwentang tao na to kung bakit sarili nilang problema eh dinadala nila dito sa trabaho!! At ang masaklap sa harapan ko pa,mismo. Mga walang modo

At buti na lang talaga ay tuluyan na silang nanahimik sa kanilang pagtatalo dahil kung hindi… ito na ang UNA’T HULING ARAW” nila parehas?. Maraming nag-aaply sa kompanya namin kaya wala akong pake kung tanggalin ko sila

****

Nandito na kami ngayon sa parking lot ng aming kompanya. At bago ako tuluyang umalis kasama ang Personal Assistant ko na hindi ko alam kung talagang maasahan ko ay kinausap ko muna sandali ang aking Personal Driver na wala ring modo

“Miguel, your stay in the car kapag nandito na tayo sa opisina, at hindi mo pwedeng gamitin ang kotse ko basta-basta ng walang permiso ko” pagwiwika ko rito sa malamig na tono ng aking boses at wala pa ring kahit na anong emosyon ang pinapakita

Best Love: The Start of Love Story (Yeon's Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon