Chapter 20: Victor Meets My Family

141 80 4
                                    

Synopsis Of This Chapter: Victor meets the family of Nicole. And Victor sleep on Nicole's house for almost one day.Nicole's family accept Victor?

NICOLE

Sabay muli kaming pumasok ni Victor sa loob ng opisina nya at hindi namin pinahalata sa mga empleyado na nandito that we’re on a relationship

Mahirap na

Nasa tabi ako ngayon ni Victor dahil nagpapatulong sya sa akin sa mga papeles na ginagawa nya ngayon. He only ask me kung saan doon ang mga dokumento na naibigay ko na

“Victor”. Dalawang boses ng babae ang aming narinig mula sa aming likuran---Victor’s Exes

“Bakit may problema?” tanong naman ni Victor sa kanila na prente pa ring nakaupo

“Wala naman, ang problema namin ay yang si Nicole” pagmamataray ni Scarlet.

Mabilis kong natandaan ang mga mukha nila dahil magkaibang-magkaiha sila ni Xia. Sobrang maarte at maldita ang itsura ng Scarlet na yan. Samantalang si Xia ay parang nasusulsulan lang

Pero, bakit ako ang problema? Ano bang ginawa ko?

“At bakit ako nadamay dyan!?” sagot ko naman na may buo ring tapang. Kung ang Scarlet na yun ay ex na ni Victor at may gana pa syang magmatapang,ano pa akong present ni Victor

“Love tama na” pag-awat sa akin ni Victor at tumayo sa kanyang swivel chair at ako ang pinaupo

“Ano?! Love? Ibig sabihin kayo ng dalawa?!” pagtataray rin ni Xia. Kahit gusto ko syang sagutin ay hindi ko magawa dahil inawat na ko ni Victor, ayoko rin namang mag-iskandalo rito

Lumapit si Victor rito at matalim syang tiningan.Kita ko pa ang takot sa mata ni Xia. “Oo may problema?!” sagot sa kanya nito

At ang kaninang matapang na si Xia ay biglang nagmakaawa kay Victor. Hinawakan pa nya ang kamay nito at umiyak “Pero Victor,sabi mo walang makakapantay sa akin, diba sakin ka lang.Mahal pa kita, akala ko wala na kong nararamdaman sayo pero..”

“Ako, kung tatanungin mo gusto din kita Victor naghihintay lang ako ng tamang oras para sabihin ko to. Oo pinipilit pa rin ako ni Gian na makipagbalikan sa kanya pero ayoko na.Victor please” pagputol ni Scarlet sa sinasabi ni Xia kanina

May sapak ba ang babaeng ito?

Kung may mga malandi man sa aming tatlo,silang dalawa yun ay hindi ako. Sila na tong hiniwalayan ay sila din tong habol ng habol

Lumapit si Scarlet kay Victor na kanina lamang ay iilang sentimetro ang layo nito. Mabilis nyang hinawakan ang kanyang ni Victor, ngunit matalim lamang syang tiningan nito

Hindi naman ako nagseselos, dahil alam kong hindi papatulan ni Victor ang mga taong gaya nya

"Sa akin ka na lang…ulit” pagmamakaawa nito habang may luhang tumutulo sa kanyang mga mata

Victor remove his hand on Scarlet that full of force, dahilan upang magkaroon sila ng distansya sa isa’t-isa. “Ano ba!! Kahit magmakaawa pa kayong dalawa sa akin wala na kong babalikan kahit sino sa inyo!!, dahil tapos na kayo parehas sa buhay ko.Oo dumaan kayo sa buhay ko… pero lahat yun ay tapos na” paliwanag sa kanila ni Victor. Hinilot ni Victor ang kanyang sentido. “Bumalik kayo sa trabaho nyo…now. Or else, this is your first and last” seryosong sabi nito

Halata namang natakot ang dalawa sa inasal ni Victor sa kanila, dahil nagmamadali silang bumalik sa kanilang pwesto sa loob din ng opisina ni Victor

Kung iniisip nyo na paano yun. Pagkapasok mo sa opisina ni Victor ay doon bubungad ang opisina nya at ang maliit na sofa kung saan ako umuupo. At sa bandang gilid nun ay may maliit na kwarto kung nasaan sina Scarlet at Xia

Best Love: The Start of Love Story (Yeon's Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon