Chapter 27: The Kidnapped Part 2

101 66 4
                                    

Synopsis Of This Chapter: This chapter is the continuation of the previous chapter titled "THE KIDNAPPED". And now this chapter focus what happened to Victor and Nicole while they are kidnapped by Xia, Scarlet, Miguel and Gian

VICTOR

Nagulat na lamang kami ng sa warehouse na iyon ay biglang lumabas sina Scarlet, Xia, Gian at Miguel habang suot ang mga ngiti nilang mga demonyo

"Ano ba tong pakana nyo ha?!" sigaw ni Nicole sa kanila, ngunit isang malakas na sampal lamang ang ibinigay ni Scarlet sa kanya

"Alam mo, wag ka na kasing mangialam, Nicole. Tang inang bunganga kasi ang ingay!!!" sigaw nya rito ay muling sinampal si Nicole ng buong pwersa at mas malakas kesa sa nauna

"Scarlet!!! Wag mong sasaktan si Nicole.Manahimik ka!" pagsigaw ko habang pinipilit kong kumawala sa tali na nakalagay sa akin

May pumasok kasing isang tao kanina at pinaghiwalay kami ng pwesto ni Nicole. Halos isang metro ang layo ko kay Nicole at kitang-kita ko ang pagpapahirap na ginagawa ni Scarlet rito

Pagkawika ko ay biglang lumapit si Miguel sa akin. Nakatayo lamang sya habang masamang nakatingin sa akin habang ako ay nakatali. Ngunit hindi ako nagpapasindak sa kanina

Nahihirapan at nasasaktan man ako sa mga oras na ito ay hindi ko ito pwedeng ipakita sa kanila. Dahil alam kong ang gusto nila ay masaktan ako sa ginagawa nila ngayon kay Nicole

I'm not dumb para hindi mabasa yun

"Victor, Victor, Victor, ikaw ang dahilan kung bakit naghiwalay kami ni Nicole kaya hindi ako papayag na maging masaya kayong dalawa" seryoso nitong sabi sa akin at malakas akong sinipa sa aking tiyan upang gumulong ang aking katawan habang ako ay nakatali

Malakas na sigaw ni Nicole ang aking narinig ng mangyari yun. Ngunit hindi ko sya pinansin, dahil hindi ko rin inaasahan na gagawin ni Miguel ang bagay na iyon. Malakas na pag-ubo ang aking ginawa dahil sa sakit. May pulang likido pa ang lumabas sa aking bibig

Habang ako ay nakahiga sa sahig dahil sa ginawa ni Miguel, nakita ko pa ang kanyang paglapit kay Nicole. Subukan nyang saktan si Nicole, at ako ang makakalaban nya

Habang sina Gian at Xia naman ay nakatingin lamang sa ginagawa ng mga gago nilang kasama. Umaasa pa akong tutulungan ako ni Xia sa aking pagkakahiga, pero naisip ko nga pala na isang kaaway na din ang turing nya sa akin

Kita ko pa ang paghawak ni Miguel sa pisngi ni Nicole, habang nasa tabi nya si Scarlet. Miguel touch Nicole's cheeks na punong-puno ng pagkamuhi at hindi pagmamahal

"Nicole naman kasi, bakit si Victor ang pinili mo edi ngayon parehas kayong nahihirapan" rinig kong sabi ni Miguel

"Manahimik ka!!! Tang ina mo!!" sigaw ko kay Miguel na punong-puno ng galit. Ngunit tumingin lamang sila sa akin maging sina Gian at Xia

Nagulat na lamang ako ng biglang lumapit si Gian at Xia sa akin at itinayo ang aking upuan. Hindi ako dapat makampante dahil tinulungan nila ako, alam kong may plano ang mga gagong taong to

"Hi, Victor" bati sa akin ni Xia na habang kinakaway ang kanyang kamay sa akin na tila ba nang-aasar. She walked towards my direction. "Pero, diba wala kang pinagsabihan ng address ng bahay nyo, maliban sa isang tao na pinagkakatiwalaan mo? Hindi ka ba nagtataka kung bakit namin nalaman ang bahay nyo?" mapanlokong tanong sa akin ni Xia

At ng marinig ko ang tanong ni Xia ay tila may isang tao ang pumasok sa aking isipan---Si Timothy. Pero, kailan pa nya ko trinaydor?

Nagulat na lamang ako ng biglang magpakita sa aking harapan si Timothy

Best Love: The Start of Love Story (Yeon's Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon