Chapter 12: New Relationship

160 88 1
                                    

Synopsis Of This Chapter: This chapter was all about the relationship of Gian and Scarlet. And how their relationship was become toxic and it cause of their break-up

*This chapter was focus on Gian and Scarlet*

SCARLET

Nasa condo na ako ngayon dahil dito ngayon nakatira yung putang inang boyfriend ko... Isipin mo nung nakaraan eh nasa paupahan lang yan,tapos sa apartment, ngayon nasa condo naman. Masyado syang pera para dun... kaya siguro iba-iba rin ang babae

Nasa harap na ko ng elevator ng condo kung saan tumutuloy ngayon si Gian at hindi ako sigurado kung papasok ba ko sa loob ng elevator, dahil palapit ako ng palapit ay palakas din ng palakas ang pagkabog ng dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Pero sa huli ay napagdesisyunan kong pumasok sa elevator

Nandito na rin naman ako, kailangan ko ng harapin to

"Bakit palapit ako ng palapit eh parang mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Please I hope na mali na naman ang hinala ko" bulong ko sa aking sarili

Ngunit nararamdaman ko na ang namumuong luha sa gilid ng aking mga mata

No, Scarlet. Not here

Dahan-dahan ng bumukas ang elevator na aking sinasakyan, kaya naman kaagad akong pumunta sa kwarto ni Gian. Habang patungo ako sa kanyang kwarto ay mas lalong lumalakas ang pagkabog ng aking dibdib. Hinawakan ko pa ang aking dibdib dahil ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagkabog nito na animo'y isang tambol

At ng makarating na ako sa harap ng kanyang pinto ay may maliit na uwang rito, kaya naman hindi na ako nag dalawang buksan ito at pumasok sa loob nito ng may buong pag-iingat

Hindi na ba sila nakapag hintay sa kama at talagang hindi nila nasara ang pinto? Mga hayop!!

Pagkapasok ko sa pasilyo ng kwarto ni Gian ay may nakita akong mga damit ng lalaki at babae na may kasama pang pang-ibaba. Unti-unting may namuong luha sa aking mga mata dahil sa aking nakita. Hindi ko pa man nakikita sa loob ng kwarto ang kanilang ginagawa ay nasasaktan na ko ng sobra

Naiiyak, naiinis, punong-puno ng pagsisisi

Everytime he did this kind of thing, I always ask myself, kung bakit ko sya pinapatawad at ang laging sagot dun ay...MAHAL KO SYA. Pero sa pagkakataong ito,ang salitang MAHAL ay hindi na tatalab pang muli

Kinuha ko ang short ni Gian na narito at mahinang napawika sa aking sarili ,"I hope it's not true" kasabay nito ang pagpigil ko sa aking mga luha na nais ng kumawala ano mang oras

Kaya naman wala na akong sinayang na oras at kaagad na pumunta sa kwarto ni Gian. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto nya , ngunit isang bagay ang nakakuha ng aking atensyon... Isang underwear ng babae

Dahil sa aking nakita ay mas lalong lumakas ang aking mga paghikbi na kanina ko pa pinipigilan. Mahigpit kong hinawakan ang door knob ng pinto ng kwarto nya at sa aking pagbukas ay isang hindi inaasahang pangyayari ang aking natuklasan na tuluyang nagpabagsak sa aking mga luha

Kitang-kita ng dalawang mata ko na parehas walang suot ang sarili kong boyfriend maging ang babae nya.

Ang sakit!!

Best Love: The Start of Love Story (Yeon's Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon