Chapter 11: Victor Remember His Past

167 93 4
                                        

Synopsis Of This Chapter: Victor go to the park and think all his happy memories with Xia.While Victor was sitting on the chair and go home,he didn’t notice that one of his calling card was fell down and someone get it. Who’s that?

VICTOR

Nandito na ako ngayon sa park kung saan kami laging nagde-date ni Xia… nung kami pa. But lahat ng yun ay tila isang ala-ala na lamang dahil sa isang hindi pagkakaintindihan naming dalawa. Oo,alam ko nung una ay si Nicole ang sinisisi ko kung bakit kami nagkahiwalay, at yun din naman talaga ang katotohanan. Pero simula ng nakasama ko si Nicole ng ilang buwan dahil sa trabaho nya ay alam kong hindi sya ang dahilan ng bagay na yun

Ngayon nga ay may mga kakaiba akong nararamdaman tuwing kasama ko si Nicole. May oras na naiisip kong gusto ko na sya,may oras na parang nag-aalangan ako kung tunay ba ito at hindi isang guni-guni lamang. Dahil kahit na anong subok kong kalimutan na si Xia, hindi ko kaya… kahit sino naman na halos limang taon kayo naging magkarelasyon sa tingin mo ba magiging madali sa inyo na kalimutan yun. Diba hindi?

“Love, ganitong oras at eto mismo yung lugar na madalas nating upuan pag nandito tayo sa parke.But our relationship was over. Kamusta ka na kaya? Wala na kong balita sayo.. May karelasyon ka na kaya? Kung meron sana wag ka nyang sasaktan” pagkausap ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw

Dito sa pwestong to mismo kami nagkahiwalay ni Xia at ang unang pagtatagpo namin ni Nicole. And for me, it’s better na tawagin yun as FIRST EPIC MEET

THIRD PERSON

Sa kabilang banda, ay meron namang kakarating lang na isang babae na umupo sa kabilang side ng parke. At eto naman ang oras ng pag-alis ni Victor

Ang babaeng nakaupo sa kabila ng parke ay nagngangalang SCARLET. May kaputian ito, matangos na ilong, may katangkaran at hindi kalakihan ang mata

Kinuha ni Scarlet ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang boyfriend na kanyang hinihintay noong oras na iyon

“Boo,nasaan kana?” pagtatanong nya rito sa telepono

“Ah,pasensya ka na pero di ako makakapunta.I’m busy” sagot naman nito na kinainis ni Scarlet

“Sige,sige ayos lang”. At sa oras ng kanyang pagbaba ay ito rin ang mahina nyang pagbulong sa sarili “Tangina talaga Gian, lagi na lang ganito,ano kayang ginagawa mo? Pupunta ako sa bahay nyo ngayon at hindi ko papaalam sayo” mahina ngunit inis nitong pagwiwika sa sarili

Tumayo na si Scarlet sa kanyang pagkakaupo,at sa hindi naman inaasahang pagkakataon sa kanyang paglalakad ay may napulot syang isang calling card sa kalapit nyang upuan

Kaagad nya itong kinuha at pagkatingin nya sa calling card na ito…

“Victor Smith” bulong nya sa sarili

Before Victor Was Leaving

Habang nakaupo si Victor sa upuan at pinagmamasdan ang paglubog ng araw ay naisipan nya ng umuwi. Pagkatayo ni Victor ay sabay ding kuha ng kanyang bag. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi nya napansin na may maliit na uwang sa kanyang bag at nahulog ang isa sa kanyang mga calling card

At yun ang dahilan kung bakit napulot ni Scarlet ang calling card ni Victor sa daan. Kinuha ito ni Scarlet at itinago. Nakasakay na si Scarlet sa isang taxi na kanyang pinara patungo sa bahay ng kanyang boyfriend na si Gian

“Victor Smith…. Name sounds familiar” muli nyang bulong sa sarili

****

Nasa harap na si Scarlet ng condo na tinutuluyan ni Gian. Kaagad na sumakay si Scarlet sa elevator upang mas mapabilis ang kanyang pagpunta rito

“Bakit palapit ako ng palapit eh parang mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Please I hope na mali na naman ang hinala ko” bulong nya sa sarili

Dahan-dahan ng bumukas ang elevator,kaya naman kaagad syang pumunta sa kwarto ni Gian. Habang patungo sya sa kwarto nito ay ito naman ang nagiging dahilan upang mas lalo syang kabahan sa mga nangyayari. At ng makarating na sya sa kwarto nito ay nakita nya na may maliit na uwang sa pinto nito kaya naman agad syang pumasok rito ng tahimik at may buong pag-iingat

Pagkapasok ni Scarlet sa pasilyo ng kwarto ni Gian ay may nakita agad syang mga damit ng lalaki at babae na may kasama pang pang-ibaba. Nang makita ito ni Scarlet ay unti-unting may namuong mga luha sa kanyang mga mata

Kinuha nya ang short ni Gian na narito at mahinang napawika sa sarili,“I hope it’s not true” habang pinipigilan ang pagtulo ng kanyang luha

Kaya naman wala na syang sinayang na oras at kaagad na pumunta sa kwarto ni Gian. Bubuksan na sana ni Scarlet ang pinto ng kwarto ng boyfriend, ngunit isang bagay ang nakakuha ng kanyang atensyon… Isang underwear ng babae

Dahil sa kanyang nakita ay mas lalong lumakas ang kanyang mga paghikbi na kanina pa nya pinipigilan. Mahigpit nyang hinawakan ang door knob ng pinto ng kwarto nito at sa kanyang pagbukas ay isang hindi inaasahang pangyayari ang kanyang natagpuan na tuluyang nagpabagsak sa kanyang mga luha

VICTOR

Naghihintay ako ngayon sa gitna ng traffic sa loob ng aking kotse. As usual, ano pa bang bago sa Pinas? At habang ako ay naghihintay, napansin ko ang aking bag na hindi nakasara ng mabuti, kaya naman agad ko itong kinalkal

May nalaglag kaya rito?

Patuloy ako sa pagkalkal sa loob ng aking bag,maging sa lapag ng aking kotse ay tiningnan ko na, pero wala namang nawala o nalaglag. Kung nalaglag man ang calling card ko ay ayos lang, pero ang problema, kung sa taong loko-loko ito napunta--- PAGLALARUAN lang ito

But sorry not sorry, wala naman akong oras na makipag usap kung gugustuhin man nya

Isa sa mga bagay na ayaw ko ay ang tinatawagan ako ng walang katuturan,lalo na at hindi naman tayo close. Pero ang mahalaga ay walang nalaglag na importante sa loob ng bag ko

At ilang minuto pa kong naghintay bago tuluyang umusad ang galaw ng trapiko sa aking pwesto. Sa wakas at makakauwi na rin ako

****
(New Characters Unlocked)

Scarlet Mendoza:

Scarlet Mendoza:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Best Love: The Start of Love Story (Yeon's Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon