Synopsis Of This Chapter: Because of what happened, Castro Family comforts Victor and Victor hates his family for now,so he spend lot of time with his girlfriend family. And, Elizabeth and Janette still hate Castro's Family. How the two family will have a good and nice relationship?
VICTOR
Pagkapasok namin sa aming kwarto ay mabilis kong isinara ang pinto rito at nawala ang ngiti sa aking labi na matagal kong inipon
"Love, sigurado ka bang dito kami tutuloy? Nasaktan ka pa tuloy ng dahil samin" ani sa akin ni Nicole habang sinasabayan ako sa aking paglalakad patungo sa aking kama
Hindi ko pa rin talaga lubos na maisip na ang sarili ko pang pamilya ang tututol sa relasyon naming dalawa ni Nicole. Ang pamilya ko na inaakala kong tatanggap sa aming dalawa ng buong-buo na walang halong pag-aalinlangan
Pero nagkamali ako
"Oo nga Victor, sigurado ka ba na dito kami tutuloy ng isang taon?" tanong muli sa akin ni Tita Dina na ina ni Nicole. "Kung gusto mo Victor aalis na lang muna kami dito, pero bahala ka kung gusto mong ituloy yung pagpapagawa mo sa amin ng bahay" habol pa ni Tita Vina
Kitang-kita ko rin sa kanilang mga mata ang pagkalungkot maging ang mga matang punong-puno ng pagkahiya dahil sa mga pinagsasabi sa kanila ni Mama at La kanina
Tumungo ako sa kanilang kinaroroonan at isa-isa silang tiningan. "Wala pong aalis". Hinawakan ko ang kamay ni Nicole. "Love di kayo aalis ok?" at pinagsasalit-salit ko na ang tingin sa kanilang tatlo na tila ba sila ay aking kinakausap "Pag-umalis kayo mas malaki po ang tsansa na mapahamak kayo dahil maraming connection ang pamilya ko. Dito na lang kayo sa loob ng kwarto ko" lumapit ako sa isang lamesa na nandito sa loob-Office Table to be exact
"Tsaka kumpleto naman po lahat dito may pagkain, cr, kusina pero di lang po ganon kalaki, kaya di na po kayo bababa para maligo o ng inyong makakain" at isa-isang tinuro sa kanila ang lahat ng aking sinabi
May naging silbi din pala ang malaking kwarto kong to. May silbi naman to kahit ako lang ang mag-isa noon, dahil ako talaga ang nag-isip ng design nito dahil mas gusto ko ng nag-iisa. I...am..INTROVERT...PERSON. Mas lumaki na ang silbi nito ngayon, dahil na bababa sila Nicole para lang sa mga kailangan nila dahil meron na lahat ng yun sa kwarto ko
TV, Bathroom, Comfort Room, maging ref ay meron dito
Lumapit si Nicole sa aking direksyon at hinarap ako. "Pano yung relasyon mo sa pamilya mo? Masisira yun dahil sa amin"
I hold her both chicks and tell everything. "Ako ng bahala,alam kong matatanggap din kayo ni Mama at ni Lola dito sa bahay. Basta walang aalis at dito lang kayo" at isang pagyakap ang aking natanggap mula kay Nicole
"Salamat" pagbulong nya bago kumawala sa kanyang pagkakayakap na naging dahilan ng aking pag-ngiti
Dahil sa ipinadama sa akin ng pamilya ni Nicole sa oras na ito ay naramdaman kong hindi ako nag-iisa sa panahong nasasaktan ako ng dahil sa sarili kong pamilya. On a simple way na niyayakap at pinapagaan nila ang loob ko, ayos na yun. Wala mang kapalit ay tanggap ko yun
And I know, one day, my family will accept our relationship.. Hindi man ngayon, pero alam kong darating yun
On God's perfect time
****
Ang dami naming ginawa ng pamilya ni Nicole dito sa loob ng kwarto ko. We played board games na gustong-gusto ko, we watched a movie at syempre pagkain. For the past few hours na nangyari sa loob ng kwarto ko ay tila ba nakalimutan ko na ang lahat ng ginawa nila Mama sa amin kanina
BINABASA MO ANG
Best Love: The Start of Love Story (Yeon's Version)
Roman d'amour"Just wait on my revenge" Chapter: 53 Chapters *This story is written in Taglish*