Chapter 42: Trip To Singapore

112 58 3
                                    

Synopsis Of This Chapter: Victor have a business trip to Singapore with his girlfriend Nicole. But after how many days of two in Singapore Victor notice that Nicole was change before they leave the Philippines.

THIRD PERSON

Dumating na ang araw kung saan ang dalawa ay aalis na para tumungo sa Singapore para sa isang bussiness trip. At para makilala na ni Victor taong may-ari ng kompanya na gustong makipag-tulungan sa kanila

"Bye Ma, La" masayang paalam ni Victor sa mga ito at sabay yakap ng mahigpit

"Ingat kayo ni Nicole sa biyahe nyo ha. Tawag agad pag nakarating sa airport" bilin ni Janette sa anak

"At tumawag ulit kayo kapag nasa Singapore na kayo mismo. And send me the picture of their tourist spot there" ani rin ni Elizabeth

"Maka sabi ka La ng send me their tourist spot, eh di na nga mabilang kung ilang beses na tayong nakabalik sa bansang yun" biro ni Victor rito. "Still, I really really love Singapore. So, send their tourist---" Victor cut his grandma saying. "Fine, La. I'll send it to you"

Si Nicole naman ay nasa taas at masaya ring nagpapaalam sa kanyang sariling pamilya

"So.. see you after five months?" tanong nya rito at tumawa

"Mag-iingat kayo ni Victor roon ha" bilin ng ina nito

Hindi na siguro mawawala sa mga ina natin ang pagiging maaalalahanin at mahilig mag bilin sa mga bagay-bagay kahit gaano na tayo ka tanda

That's the reason, why mothers love is the best

"Yes po Ma. And papasabi ko na lang din po kina Tita ang mga gusto kong sabihin sa inyo. Mas uodated at active po kasi sila sa social media compare sa inyo"

"Sige, walang problema. At sige na umalis na kayo baka ma-late na kayo sa flight nyo" ani ng ina nito at mahigpit syang niyakap ganon rin ang Tita nito na si Vina

Matapos magpaalam ng dalawa sa sari-sarili nilang pamilya ay agad na silang nagpahatid sa family driver nila Victor sa airport. At sa kanilang byahe ay masaya silang nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay

"Sana lang ay maging maayos ang lahat sa loob ng limang buwan" sabi ni Victor sa isipan. "Sana lang ay hindi na mangyari ang iniisip ko" habol pa nito

Nagdaan ang ilang oras na byahe ay nakarating na sila sa NAIA. Sa kanilang pagrating roon ay mabilis nilang ipinakita ang ticket na meron sila. They avail their tickets online

At ang in-avail nilang eroplano ay lux. Dahil hindi mo naman maalis sa kanila na isa pa rin silang mayamang pamilya sa bansa. At halos lahat ng magazine na bilhin mo ay naroon ang mukha ni Victor o kaya naman ang pangalan ng kanilang pamilya

Sa kanilang pagsakay sa eroplano ay sila lang ang tao dahil nga lux ang kanilang kinuhang plane. Walang ganitong klaseng eroplano dito. Pero dahil sila ang nagbayad, they avail at binayaran nila ang isang flight ng isang eroplano na papuntang Singapore nung araw na iyon, kaya naman kahit dalawa lang silang sakay nun ay hindi pa rin lugi ang airline

Masaya si Nicole dahil sa unang beses nyang nakasakay ng eroplano. Hindi nawala ang kanyang mukha sa salamin at pinagmamasdan ang ulap. Napapakapit rin sya kay Victor kada papasok ang eroplano sa mga ulap dahil sa mahinang pag-alog nito. Napapatawa naman si Victor kada aakto si Nicole ng ganoon

"Sana ay lagi na lang ganto" pag kausap na naman ni Victor sa isipan

They take a lot of pictures, especially on Victor's phone. Victor want to treasure those memories that he is on the company of his beautiful girlfriend. Dahil hindi nya alam kung kelan nya malalaman ang tinatagong sikreto nito

Pwedeng bukas

Mamaya

Sa makalawa

Hindi nya na alam. Isa lang ang nasisiguro nya sa araw na dumating yun, lalabas na ang sikreto ni Nicole, sila'y maghihiwalay na at kailangan nya ng ihanda ang kanyang sarili

Sa kanilang paglapag sa airport ng Singapore ay agad silang sumakay ng taxi. At wala pang ilang oras ay nakarating na sila sa condo kung saan sila mag-i-stay ng limang buwan

They already book this condo online, kaya naman hindi na sila nahirapan

Ang loob ng condo ay cream ang kulay ng buong pader. Masasabi ring elegante ang mga palamuti nito at mamahalin. Malaki rin ito na kasya ang lima o higit pang tao, pero sa kaso nila ni Victor ay dalawa lang silang titira rito

May dalawa ring kwarto rito. Pero dahil sila naman ay magkarelasyon ay sa isang kwarto na lang sila matutulog. Ang kwarto rin na iyon ay may banyo kaya naman hindi kana lalabas pa ng sala kung sakaling gisingin ka man ng pantog mo sa gabi

Sa sala maging sa kwarto nila ay tanaw mo ang kabuuang city ng Singapore. May matataas na gusali, magandang tanawin at higit sa lahat ang mga sasakyan sa ibaba ng kanilang tinutuluyan na nagmistulang langgam sa liit

Matapos nilang makita ang bawat sulok ng kanilang tutuluyan ay napaupo sila sa sofa na narito. Ngunit sa magkaibang sofa sila umupo

"Sigurado ka ba na dito tayo tutuloy sa loob ng limang buwan?" nagugulumihanang tanong nito sa boyfriend. "Yes love, why?" nakangiting tugon nito. "Wala lang, ang ganda lang kasi" simpleng sagot nito

Dahil sa susunod na linggo pa naman mami-meet ni Victor ang taong gustong makipag-tulungan sa kanilang kompanya ay napagdesisyunan muna nilang mag-ikot-ikot sa mga magagandang pasyalan na makikita rito

Hanggang sa....

Ang kanilang simple at payapang paglalakad ay biglang nagpaalam si Nicole kay Victor. "Love, may tatawagan lang ako saglit" paalam nito na sinang-ayunan naman ni Victor

Lumayo si Nicole kay Victor ng ilang metro. Pero, pumayag man si Victor sa gusto ni Nicole ng nakangiti, sya rin ay nagtataka dahil wala naman syang inaasahan na taong tatawag kay Nicole sa oras na ito dahil bago sila umalis kanina ay natawagan na nila ang kanilang mga pamilya

Sa paglayo ni Nicole kay Victor ay agad nyang tinawagan ang taong kanyang pakay. Palijga-linga pa sya sa paligid lalo na sa lugar kung nasaan si Victor na tila ba iwas na iwas at takot na takot na malaman kung sino ang nasa likod ng tawag na iyon

"Ano ba, mamaya na nga lang o sa susunod na araw. Kumukuha lang ako ng tyempo" mahinang saad nito ngunit mababakas mo ang inis sa boses ni Nicole

"Siguraduhin mo lang Nicole na magagawa mo ang pinapagawa namin sayo. Mag-iisang taon na" sermon sa kanya ng kanyang kausap

"Oo na. Paulit-ulit. Sisiguraduhin ko sa inyo na sa pagbalik namin sa Pilipinas eh wala ng kami. Hindi ko na rin kayang magpanggap na gusto ko sya"

Andali... pagpapanggap na Mahal ko sya? Ibig sabihin hindi talaga mahal ni Nicole si Victor? Pero paano? At sino ang kaya ang kausap nya sa telepono?

Matapos nito ay mabilis nyang pinatay ang tawag at bumalik kay Victor na parang wala lang ang nangyari

Nagdaan pa ang ilang araw nila sa Singapore ay napapansin na ni Victor na may kausap lagi si Nicole sa telepono na hindi pina paalam sa kanya. Madalas nya rin itong nahuhuli na may kausap sa gabi at lumalabas ng sala

Dahil minsan ay nagpanggap syang tulog upang mahuli kung sino ito. Ngunit hindi nya marinig ang tao sa likod nito. "May iba kaya si Nicole?" tanong nito sa isipan

Ano kaya talaga ang tunay kung bakit laging nasa telepono si Nicole?

At sino ang kanyang kausap?

Handa na rin kaya si Victor sa oras na malaman nya ang katotohanan?

Best Love: The Start of Love Story (Yeon's Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon