Synopsis Of This Chapter: Nicole thinks that if he seduce Victor and something happened in both of them,Victor's memory will back.But Nicole's plan is effective to back Victor's memory?
THIRD PERSON
Masayang kumakain ang pamilya nina Victor at Nicole sa iisang hapag. Sila ay masayang nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay. Pagkatapos kumain ng lahat ay tinawag ni Janette si Dina sa sala upang tanungin ito ng isang bagay.
"Bakit Janette?" tanong ni Dina na tila ba hinihintay ang magiging susunod na tugon nito
"Tungkol sa plano ni Nicole para mabilis na bumalik yung mga ala-ala ni Victor---". Hindi na natapos ni Janette ang kanyang sinasabi ng biglang tumango si Dina sa kanyang tanong
Sa oras na iyon ay isa lang ang pumasok sa isip ni Janette. Nasabi na ni Nicole sa kanyang pamilya ang magiging plano nito na mangyayari na mamayang gabi.
"Pero Dina... " huminga ito ng malalim. Hinawakan sya nito sa kanyang braso. "Alam kong pumayag kana sa gusto ni Nicole. Pero sa totoo lang ay natatakot ako" kita ni Janette na prenteng nakatingin lamang si Dina sa kanya kaya pinagpatuloy nya lang ang kanyang tinuturan. "Natatakot ako na baka pagtapos ng lahat ng gawin ni Nicole sa anak ko ay wala pa ring mangyari"
"Alam ko namang ginagawa ni Nicole ang lahat ng to ay hindi para sa sarili nyang kapakanan, pero hindi mo pa rin naman maiwawaksi sa aking isipan na mag-alala kung ano ang posibleng maging resulta ng bagay na gagawin nya"
May mga bagay na hindi sila napagkakasunduan noon ni Nicole. Pero iba na ang usapan ngayon, maayos na ang relasyon nila at tila isang anak na rin ang turing nya rito, kaya normal lang na mag-alala sya
"Ano ng mangyayari?" bulong nya na lamang sa kanyang sarili
"Yun nga rin ang sabi ko sa kanya.Dahil iniisip ko naman na baka hindi pa nya nasasabi sa inyo.Kaya kahit papano ay nagdalawang isip din ako nung mga oras na yon". Naglakad sila patungo sa mini garden. "Pero dahil parehas naman tayong pumayag na sa plano ni Nicole,magtiwala na lang tayo sa kanya at naniniwala naman ako na hindi naman gagawin ni Nicole yung bagay na yun para sa sarili nyang kapakanan"
"Naniniwala ako sa anak ko" huling sabi ni Dina rito at saka pumasok
NICOLE
"Handa ka na ba?" tanong ko kay Victor habang nasa loob kami ng kanyang kwarto. Sa mga oras na ito sya ay nagsusuot ng kanyang sapatos habang nakaupo sa kama, samantalang ako ay naglalagay na lamang ng lipstick sa aking labi
Ngayon na kasi ang araw na gagawin ko ang plano ko kay Victor. Ang plano kung saan mawawala na ang aking pinaka iingat-ingatan sa aking pagkababae. Hindi rin naman ako magdadalawang isip na gawin ang bagay na iyon dahil mahal ko rin naman sya
"Para kay Victor". Rinig kong sabi ng aking isipan
"San ba kasi tayo pupunta?" he asked. Lumapit ako sa kama kung nasaan sya at umupo. "Magbabakasyon" mabilis kong sagot. Ayokong magsinungaling pero, hindi nya maaaring malaman ang nasa isip ko
Kahit ayokong gawin to ngayon, para sa plano ko, gagawin ko. Bwiset talaga!
Hanggang kelan pa ba to?
Ang alam ni Victor ay magbabakasyon kami. Tama. Magbabakasyon naman talaga kami---Bakasyon patungong langit
Sa aming pagbaba ay akmang tutungo na kami sa kotse na ngayon ay nasa labas na... nang biglang...
"Nicole" isang boses ni Tita Elizabeth ang aking narinig na tinawag ang aking ngalan dahilan para mapaharap ako. Akmang susundan pa ako ni Victor ng maglalakad ako tungo kay Tita ng tapikin ko ang kanyang braso. "Mauna ka na, susunod ako". Agad naman nya itong sinunod

BINABASA MO ANG
Best Love: The Start of Love Story (Yeon's Version)
Romance"Just wait on my revenge" Chapter: 53 Chapters *This story is written in Taglish*