Synopsis Of This Chapter: Nicole and Victor come home but Nicole was shock that she see Xia, Scarlet, Miguel and Gian.What's there purpose why did they go on Victor's house?
NICOLE
"Bakit uuwi na tayo?" tanong ni Victor sa akin habang nagmamaneho sa loob ng kanyang kotse
Pagtapos kasi naming mag agahan sa hotel na tinuluyan namin kagabi ay kumain lang kami at umalis. Dahil wala naman talagang bakasyong magaganap
"Di tayo magbabakasyon" mabilis at malamig kong tugon sa kanya. Dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang nag init ang ulo ko, matapos kong maisip ng lubos ang ginawa namin ni Victor. Hindi.... Pa.... Ako..... Handa
"Wag ka ng magtatanong kung ba----Tang ina!!" pagsigaw ko ng muntik na akong mauntog sa harapan ng kotse ni Victor sa lakas ng pag preno nya. Hindi ko alam pero inis na inis ako sa oras na naririnig ko ang bagay na yun
"Hindi ka pa ba baliw?" tila narinig kong tanong ng isipan ko, kaya mas lalo akong nainis
"So, it's all part of your plan? Pwedeng magalit sila Ma dahil sa ginawa natin" Victor said habang nakasandal sa driver's seat habang ang kanyang braso ay nakaangat rito na animo'y ginagawang unan ng kanyang ulo
Umismid ako
"Yes lahat yun plano ko lang. Pero wag kang mag-alala dahil hindi magagalit ang pamilya mo dahil alam nila lahat ng to. Plano namin to at kung magagalit ka, walang mararating yang galit mo dahil para rin yan sayo" sagot ko ng hindi nakatingin sa kanyang mga mata at nakasandal lamang sa bintana
Kilala ko si Victor, sa oras na titigan ko sya mas lalo syang nagtatanong sa mga bagay-bagay. Wala syang pake kung mainis man ang pinagtatanungan nya, ang importante sa kanya ay masagot mo ang tanong nya. Kaya bakit ako haharap?
"Para sakin?" ramdam ko ang labis-labis na pagtataka sa kanyang boses kahit na hindi ko ito pansinin
Bakit kasi two hundred plus pa ang stoplight!! Ang tagal tuloy umandar!! Bwiset!!
"Oo. Para sayo, wag ka ng magsasalita at babatukan na kita " ani ko at inirapan sya kahit na hindi naman ako nakatingin sa kanya
"Pero, paano nga kung----Ahhh!! Aray naman!" pag atungal nya na tila ba isang bata ng hampasin ko sya ng malakas sa braso. Nakita ko pa ang paghimas nya rito na tila ba inaalis ang hapdi
Makulit ka ah!
****
At thank God, natupad din ang pagkasimple-simple kong hiling sa buong byahe namin... Ang pag tahimik ni Victor. Kaya naman simula ng hinampas ko sya kanina ay dire-diretso na ang kanyang pagmamaneho ng hindi dumadaldal
Kaya lang, sa aming pagpasok sa mismong gate kung nasaan ang mismong bahay nila Victor ay nagulat ako, hindi mababakas sa mukha ni Victor ang pagkagulat o galit ng makita sila, dahil alam kong hindi nya ito kilala
Pero ako, eto, nanginginig na sa galit
"Bakit kayo nandito?" seryosong tanong ko sa apat. Talaga namang nag effort pa ang apat na pumunta rito ng sama-sama. Ayoko pa silang lapitan dahil ayokong makita ni Victor na naiinis ako
Naramdaman ko ang paghawak ni Victor sa aking kamay na puno ng pag-aalala. "Bakit sino ba sila?". Sabi na ba... hindi nya kilala ang mga ito
Victor, sila ang mga taong may gawa nito sayo, kung bakit hindi mo maalala ang lahat
"Basta, mamaya ko ipapaliwanag ang lahat-lahat. Sa ngayon, pumasok ka na lang muna sa loob" sagot ko at tinapik pa ang kanyang likod na tila ba sinasabi kong ayos lang ako. Tingin lang ni Victor ang nagbago sa akin, pero ang pag-aalala ay naroon pa rin
BINABASA MO ANG
Best Love: The Start of Love Story (Yeon's Version)
Romance"Just wait on my revenge" Chapter: 53 Chapters *This story is written in Taglish*