Chapter 45: Victor Know The Truth

101 49 2
                                    

Synopsis Of This Chapter: After Victor have a meeting with Alfred, Nicole have a plan to tell the truth to Victor but Nicole wants Victor see the truth on his own eyes. So while they sleeping Nicole wake up Victor because she go to bathroom to have a Poop but it's a part of her plan too. But who is the mystery person that always talk to Nicole?

VICTOR

Pagkarating ko sa aming tinutuluyan ay nadatnan kong nakatanaw si Nicole sa tanawin na tanaw sa aming kwarto dahil sa glass wall ito

Mukhang hindi nya napansin ang presensya ko dahil sa hindi nya paglingon. Kaya naman mabilis ko syang niyakap patalikod at hinalikan ang kanyang leeg

“Hey Love” masaya kong bungad sa kanya. “Ano palang ginawa mo kanina? Ha?” at kiniliti pa sya sa kanyang tagiliran

Pero parang mas ako pa ang kiniliti dahil ako pa ang mas malakas tumawa at sya---Walang Reaksyon

“Wala akong ginawa kanina. Pagod lang ako” walang buhay nyang sagot sa akin at mabilis na inialis ang aking kamay na nakalingkis ngayon sa kanyang baywang at umupo sa isang maliit na sofa

Tiningnan ko sya sandali habang nakaupo. At natanaw ko sa kanyang mukha ang iritasyon, inis at ang mga matang… WALA NG PAGMAMAHAL. Tama ba ang nahagip ng aking mata?

I hope it’s not

Umupo ako sa kama. “May sasabihin lang sana ako sayo”. Lumungkot ang aking mukha at ang aking boses. “Galit ka ba?”.

“Pagod nga ako, Victor!! Pagod!!” galit nyang sabi
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay may namuong mga luha sa aking mga mata. Mabilis akong yumuko at tinuyo ang mga ito. Ayokong makita nya akong umiiyak

“Sasabihin ko lang naman sana sayo yung about sa reservation ko para sa first anniversary natin”

“Well, that’s good to hear” at mabilis na tumayo at lumabas sa aming tinutuluyan

“Hindi ko na kaya” bulong ko sa aking sarili at muling pinunasan ang mga luha na lumalabas sa aking mga mata

Hindi ko alam kung bakit, ayaw akong pansinin ni Nicole. Ayaw nya rin akong kausapin ng maayos. May mali ba akong nagawa?

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang hindi nya ko pansinin. I don’t want to see the frozen of her eyes that I am the reason. Pero, ako nga ba talaga ang dahilan nito?

Wala namang magagawa ang pag kausap ko sa sarili ko. Kaya napagdesisyunan kong kuhanin ang aking cellphone at tawagan sila Tita Dina

Hindi ko na kaya

“Tita” bungad ko. At ng marinig ko ang boses ni Tita Dina ay tuluyan ng bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan

Ano bang nangyayari sa akin? Victor back to yourself!! Wake up!!

“A-ayos ka lang ba?” puno ng pag-alala ang boses ni Tita. Ilang minuto akong nanahimik para ayusin ang aking boses na garalgal dahil sa pag-iyak

“Tita, promise me one thing first. Wag nyo pong sasabihin kina Mama ang lahat ng mapag-uusapan natin ngayon”

“Pangako” maiksing sagot nito sa akin

Madali ko lang ding nakakausap si Tita Dina, dahil parehas lang naman ang oras sa Pilipinas at sa Singapore. Walang labis at kulang

Huminga ako ng malalim. Victor, kaya mo to

“Nasabi ko naman na po sa inyo na may napapansin na akong kakaiba kay Nicole. But, when we landed here on Singapore, Tita… mas lumala na po kasi eh”
I try to be strong while I’m talking to Tita Dina, but I can’t. My tears flow once again like a river that never stop flowing

Best Love: The Start of Love Story (Yeon's Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon