Chapter 8: My Feelings For You Is Real

172 100 4
                                    

Synopsis Of This Chapter: While on the office Nicole try to express her feelings to Victor but Victor doesn't notice it. Meanwhile, after office hours,Victor ask Nicole to go outside for something.And Nicole take this chance to confess her real feelings for her boss. But Victor accept it?

VICTOR

Nauna akong pumasok sa aking opisina dahil habang papunta kami ni Nicole rito ay inutusan ko muna syang dumaan sa isa sa mga department na nandito upang may ibigay na dokumento

Pagkarating ni Nicole rito ay may agad nyang nilapag ang kanyang bag sa sofa na nasa gilid lamang ng aking opisina. May kinuha muli syang isang baunan, ayos lang sa akin na kumain sya dahil maaga pa din naman

Pero nagkamali ako

Imbes na kainin nya kasi ito ay muli nya itong ibinigay sa akin

"Nicole bakit binigyan mo na naman ako ng pagkain?" tanong ko ng mailapag nya na ang pagkain sa aking mesa

"Ahh, sobra po kasi yung baon ko kaya po binigay ko sa inyo" paliwanag nya sa akin. Dahil sa kanyang sinabi sa akin ay naisip ko syang biruin na ang dahilan ng pagbibigay sa sya akin ng pagkain ay dahil may gusto sya sa akin

Pinaikot ko muna ko ng ilang beses ang aking swivel chair para isipin nya na busy ako "Hindi yan ang totoong dahilan,alam ko kung ano..." at humawak pa ako sa aking baba na akala mo talaga ay nag-iisip

Ang sarap kasing asarin ng mga babae kahit minsan. Lalo na't alam mong wala silang palag sayo.

Sa ilang minuto kong pag sabi ng aking biro ay nakatingin lamang si Nicole sa akin na animo'y nagulat sa aking sinabi

"A-a-alam nyo po?" nauutal nyang tanong habang nakatingin sa aking mga mata

"Siguro gusto mo ko no" biro ko at malakas na tumawa. Ngunit ng mapansin kong hindi tumatawa si Nicole sa aking biro ay agad akong natahimik

How many times I shout her name para muli syang tumingin sa akin dahil sa kanyang pagtalikod na hindi ko napansin kung kelan nya ginawa, but I failed. Kaya naman isa lang ang naiisip kong paraan para muli nya kong harapin

Tumayo ako sa aking pagkakaupo

"Huy!!" panggugulat ko sa kanya na may kasama pang pagtapik sa kanyang balikat. At hindi nga ako nagkamali dahil muli syang humarap sa akin

"Bakit po?" tanong nya sa akin na parang hindi nagulat sa aking pagkalabit

Nasaktan ko ba sya?

"Wag mong seryosohin yung sinabi ko. By the way you are free tonight?" tanong ko while I wearing my smile. Minsan ko lang ilabas ang ngiti ko, kaya sigurado akong gagana to sa kanya

"Ahh-hi-hindi ko po sineryoso yung sinabi nyo" sabi nya sa akin habang iwinawagayway ang kanyang isang palad sa aking harapan na tila ba sinasabing hindi at pilit pang tumawa. "At wala naman po akong gagawin mamaya" dagdag pa nya

"Pwede bang samahan mo ko mamaya?"mahinahon kong pagtatanong sa kanya. "Saan po ba tayo pupunta?" tanong naman nya. Alam kong itatanong nya kung saan kami pupunta, hindi naman sya magiging si Nicole kung hindi sya matanong na tao

Best Love: The Start of Love Story (Yeon's Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon