Synopsis Of This Chapter: Victor meet his two secretaries. Who are the secretaries of Victor?And Nicole tell to her family that she's still sad because after a month, his boss still doesn't like her
NICOLE
Pagkauwing-pagkauwi ko galing sa aking trabaho ay agad akong nagkwento kina Mama ng aking TUNAY na nararamdaman
"Akala nyo po ba masaya ako,hindi..ang hirap ng hindi mo alam ang tunay nyang intensyon sayo" paliwanag ko kay Mama habang umiiyak
"Ako yung nandyan ng halos ilang buwan,pero parang naiitsapwera lang ako kapag may dumating na bago sa kanya at nagiging Personal Assistant na lang ulit ako. Pero kahit gusto kong kalimutan yung nararamdaman ko sa kanya di ko magawa. Hindi ko alam kung pinaglalaruan nya lang ako, sabi nya susubukan nya kong mahalin pero bakit parang mas naguguluhan lang ako sa mga pinapakita nya"
May tiwala naman ako kay Victor,pero hindi pa rin mawala sa isip ko na baka sa huli ay parte lang to ng mga plano nya para makapaghiganti sa akin. Hindi ba? Hindi ko sinabi kina Mama yung ginawa namin ni Victor sa loob ng opisina nya sa hindi inaasahang pagkakataon, dahil baka anong sabihin nila sa akin
Hinawakan ni Mama ang magkabila kong pisngi at ramdam na ramdam ko ang init ng mga ito
"Anak,ilang beses ko bang sasabihin sayo na malabo ka talagang magustuhan ng boss mo,pero kung gusto mo talaga sya..." huminga ng malalim si Mama."Di kita pipigilan dahil yun yung kasiyahan mo"paliwanag ng ina
Pansin ko naman ang paglapit ni Tita sa aming pwesto ni Mama habang pinupunasan ang kanyang mga kamay sa ilalim ng kanyang damit dahil kakatapos lang nyang maghugas ng mga pinggan
Umupo si Tita sa aking tabi at hinawakan ako sa aking kanang braso. "Nicole, may ibang nakalaan sayo at hindi yun si Victor, kaya tanggapin mo na lang na hindi ka nya talaga gusto. Dahil nasasaktan din kami kapag nakikita ka namin ng mama mo na umiiyak" ramdam ko ang pag-aalala ni Tita sa akin base na rin sa tono ng kanyang boses
Pero anong magagawa ko, mahal ko si Victor
"Pero Tita, kahit anong gawin ko para makalimutan ko sya,di ko talaga magawa" sagot ko naman kay Tita. Nakita ko pang nagtinginan sina Mama at Tita sa aking pagitan na tila ba nag-uusap kung sino ang kakausap sa akin. Sa huli, ay si Tita ang nagpaliwanag sa akin
"Pero sa kabilang banda,malay mo pagsubok lang ito ng Diyos sayo na kung titigilan mo si Victor hindi na magiging kayo. At siguro may mga babae pa talaga na dadaan kay Victor, pero bandang huli ikaw naman pala talaga ang nakalaan para sa kanya diba?". Sasagot sana ako ng muling dugtungan ni Tita ang kanyang paliwanag
"Kaya kung saan ka masaya dun ka namin susuportahan ng Mama mo. Pero kapag hindi mo na kaya,pwede ka ng tumigil ha?". "Sana nga po ganon yung mangyari at hindi mabalewala tong nararamdaman ko" malungkot ko namang sagot
Sana nga, magustuhan ako ni Victor
****
Nakahiga na ako ngayon sa aking kama at nakatitig lamang sa kisame. Ilang minuto ko na rin itong ginagawa habang paulit-ulit na binabanggit ang pare-parehas na tanong sa aking isipan
"Pagsubok? Bago o ibang babae? Magiging kami?". Dali-dali akong napaupo sa aking kama at mabilis na ginulo ang aking buhok sa pamamagitan ng dalawa kong kamay

BINABASA MO ANG
Best Love: The Start of Love Story (Yeon's Version)
Romance"Just wait on my revenge" Chapter: 53 Chapters *This story is written in Taglish*